Chapter 1

221 6 2
                                    

Kanina pa ako sinasaway ni B sa pagmamaneho ko simula nang umalis kami ng Mall. Paano ba naman, nakita na naman namin 'yong magkapatid na kulugo! Umiinit talaga ang ulo ko sa dalawa na 'yon kahit makita ko lamang. Sinisigurado ko lang naman na hindi nila kami susundan.

Brianna suffered a lot. I won't give them a second chance to hurt her again. Minsan ko na sinisi ang sarili ko nang maiwan ko siya sa bahay nina Rose noon. Dahilan kung bakit siya pilit na ipinakasal sa demonyo na 'yon.

Hindi na nakatiis si B at sinuway na muli ako. “Hoy! Para ka namang hinahabol ng police riyan!”

“Baka kasi sundan pa tayo at malaman kung saan tayo nakatira,” sagot ko habang panay ang tingin sa side mirror.

“Bakit naman nila tayo pag-aaksayahan ng oras na sundan? Hindi na siguro.”

“Hindi natin sure. Baka dahil sa kagustuhan kang kulitin n'on ay sundan tayo ng mga gago na 'yon!” inis kong sabi habang lumilinga.

Siguraduhin lang nila na hindi nila kami susundan kundi babanggain ko sila.

“Pero, A, 'wag masiyadong mabilis. Ano ka ba?! Baka mamaya may masabitan tayo rito. Medyo traffic pa naman ngayon. Hindi na naman siguro susunod pa ang mga ‘yon.”

“Hindi 'yan—”

“A! May truck!”

“Shit!”

Iniharang ko agad ang isa kong kamay sa harapan ni B habang kinokontrol ng isa kong kamay ang manibela. Dahil sa tutok ako sa pagkontrol sa manibela ay hindi ko napansin ang mabilis na paparating na Van mula sa kabilang banda.

Dahil sa pag-iwas ko sa truck ay ang puwitan ng kotse ang tinamaan nang Van dahilan kung bakit kami nagpaikot-ikot. Hindi ko inalis ang kamay sa harapan ni B kahit sobrang nasasaktan na rin ako. Panay rin ang lingon ko sa kaibigan na ngayon ay nakayuko at nakatalukbong ng kaniyang kamay dahil sa takot.

Sa itsura niyang iyon ay nakita ko ang sampung taon na si Brianna, ang batang umiiyak na tinulungan ko noon.

Ilang beses umikot ang kotse namin bago tumigil at tumama sa gater. Habol hininga ako habang tahimik na iniinda ang sakit sa braso ko. Pati na rin ang balikat ko na napahampas sa binatana ng kotse nang tumigil na ito sa pag-ikot.

“B...” I called her name first but she didn't move a bit. Pinilit kong igalaw ang kamay ko na nakahawak sa manibela para hawakan si Brianna.

Siguradong natakot siya nang sobra lalo na at kaliwa't kanan ang busina ng mga sasakyan.

“B... May masakit ba sa 'yo?” nag-aalala kong tanong sa kaibigan.

Dahan-dahan itong tumunghay. Ang braso ko na nakaharang sa kaniya ay kanina pa niyang hawak nang madiin.

“Are you okay?” I asked again. She look shock and scared. Sino ba naman ang hindi! Tss.

“Ikaw? Wala bang masakit sa 'yo? Okay ka lang ba?” Sinuri pa nito ang kabuuan ko. Kahit kumikirot ang braso at balikat ko ay hindi ko ito pinahalata sa kaniya. Ayoko lang mag-alala siya.

“Okay lang ako. Don't worry.”

Mayamaya pa ay may mga dumating ng mga police at rescue na tumulong sa amin. Nagbigay ng statement at nakipag aregluhan sa mga nadamay.

Panay ang hingi ko ng pasensya kay B, ganoon na rin sa mga nadamay. Dumiretso rin kami sa hospital para patignan si B. Habang chinecheck siya ay pasimple akong humingi ng gamot sa nurse para sa braso at balikat ko. Pakiramdam ko kasi ano mang oras ay mamamaga ito.

Fortunately, there was no serious injury to B, so we were able to leave the hospital immediately.  We went straight to my house in Isla Haven.

Naalala ko pa nang una niya itong makita. Magkahalong mangha at gulat ang nakita ko sa kaniya. Sana raw ay naisip niya rin daw ang naisip ko para may comfort place rin siya gaya ko.

Wala akong balak ipaalam kahit kanino ang bahay ko sa Isla Haven maliban sa kaniya. Kahit parents ko ay walang alam. Masyado silang busy kaya hind na nila nalalaman na minsan lamang ako umuuwi sa amin. Hindi ko na sila nakikitang nag-aaway. Pero madalas ko silang makita na umaalis nang magkasama hindi kagaya noon na si Daddy lamang.

Noon, ayos lamang sa akin na palagi silang busy. Pero habang lumalaki pala tayo ay hahanapin natin ang atensyon ng mga magulang natin. Tumanda na ako ng ganitong edad na parang walang magulang. Nakalimutan na nila ang pagiging magulang hanggang sa masanay na lang ako. Masanay na walang nagtatanong kung kumusta ba ang maghapon ko? Kung kumain na ba ako? Kung may masakit ba sa akin? Wala... Wala manlang akong narinig na ganyan mula sa kanila.

Akala ko noon may pag-asa pa na maramdaman ko kay Dad 'yon pero...hindi. Dahil sa sobrang busy niya, halos hindi na kami magkita sa bahay. Natutulog akong wala pa siya at magigising naman akong nakaalis na siya.

I have a mother, but not a mom. I have a dad but not a father. We have a house but it does not feel like home... 

“B...”

“Hmmm?”

Nakaupo kami ngayon sa ilalim ng puno na malapit sa dagat, dito sa Isla Haven.

“What if... Mag abroad na lang tayo?” Nagsalubong ang kilay nito, nagtatanong.

“Seryoso?” Tinig hindi makapaniwala ang tanong ni B.

“Tss. Joker ba 'ko?”

Inirapan naman ako nito na tila naiinis.

“Seryoso nga kasi. Doon tayo magtrabaho tapos mag-iipon tayo para sa sarili nating company. G ka ba?” Nagtaas-baba pa ako ng kilay.

Nanliit ang maganda nitong mga mata na pinakatitigan ako. Inaalam kung seryoso nga ba talaga ako. Nang makita niyang seryoso talaga ako ay saka siya sumagot.

“Kailan ba?”

“Magsimula na tayo mag-process ng mga papers natin bukas,” sagot ko. Mabilis na napabalik ang tingin nito sa akin.

“Bukas agad?!”

“Oo. Bakit? Ayaw mo ba maiwan ang Steve na 'yon?” Nakataas ang isa kong kilay habang nagtatanong.

“Luh! Hindi, ah! Baka kasi ginagawa mo lang 'to para sa akin. Para mailayo ako dahil nasasaktan ako.” Hindi ko masabi sa kaniya na isa na rin iyon sa dahilan pero may mas malalim pa rin na rason.

“Huwag kang feeling special siopao riyan, girl! Gusto ko lang mag work abroad at makaipon dahil gusto kong magkaroon ng sariling company.”

“Tss. Para namang hindi kita kilala, A. Alam ko at ramdam ko na isa ako sa rason mo. Pero hindi mo naman kailangan na palaging mag-adjust para sa akin. Ayos lang naman ako—”

“Tigilan mo ako sa kasasabi mong okay ka lang, B. Wala naman taong umaamin na hindi sila okay.” Parang ako... “Pero sa lahat ng tao, tandaan mo, ako lang ang hindi mo makukumbinsi sa mga salita mo na 'yan. Dahil kahit amoy ng utot mo, kilala ko.”

“Nagpaalam kana ba sa parents mo about this?” tanong niya, natigilan ako.

Hindi naman na kailangan. Hindi naman nila ako hinahanap dahil masyado silang abala sa kung saan.

“Wala namang problema sa kanila 'yon. Ikaw? Hindi mo na ba kakausapin muna ang Dad mo? I mean... Yeah... Bakit pa nga ba? Tss. Nevermind!”

Bahagya itong natawa at napapailing. Natawa na rin ako sa naging tanong ko.

“Basta bukas magsimula na tayo tapos lipad agad! Okay ba?”

“Sige!” Nakangiti nitong sagot sa akin.

Bukod sa gusto ko siyang ilayo sa mga taong nanakit sa kaniya, gusto ko rin lumayo para malaman kung may halaga pa ba ako. Kung may maghahanap pa ba sa akin. At kung ano talaga ang purpose ko sa mundo. Kung para saan ba talaga ako...

Lately kasi... Nawawalan na ako ng gana sa lahat. Tinatanong ko ang sarili ko kung saan ba talaga ang tungo ko, o, kung may patutunguhan ba talaga ako?

O, baka naman hanggang dito na lang talaga ako dahil walang direksyon ang buhay ko? Buhay ko na bata pa lamang ay naligaw na... Walang umalalay at walang nagturo ng tamang daan...

The Waves Of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon