Chapter 3

146 4 1
                                    

Sabi ng mga OFW sa iba't-ibang parte ng bansa,  nasa ibang bansa ang pera pero wala roon ang saya.

And I felt that...

One week pa lang kami ni B pero hinahanap ko na agad ang klima at tao ng pinas. Tss. Alam ko naman na hindi lang ako dahil napapansin ko rin kay B ang pagigging matamlay nito. Parang pilit lang ang bawat ngiti niya. Napatunayan ko 'yon nang minsang tumambay kami sa balcony ng aming condo.

“Oh!” inabutan ko ng beer in can si B bago naupo sa upuan na nasa kaniyang tapat. Nakaupo rin ito at nakataas pa ang paa sa mahabang silya. I put two additional cans and some chips on the small table that was between us. Here, the only lighting is fairy lights encircling some plants.

Paborito namin ang spot na ito sa aming tinitirhan dahil dito, view ng city lights sa gabi ang makikita at sunset naman sa hapon. Kitang-kita rin ang buwan at maraming bituin.

Ngumiti naman ito at kinuha ang inaabot ko. “Thanks!”

“Miss mo na?” tanong ko.

“Huh? Hindi, 'no! Bakit ko naman siya mami-miss?” maagap naman nitong sagot na ipinagtaka ko. Nagsalubong ang kilay ko.

“Huh?”

“Hindi ko na mi-miss ang lalaking 'yon, A. Matapos nang mga ginawa niya sa akin? Tss.”

“B, kalma. Wala pa akong binabanggit na pangalan. Ang defensive mo naman! Hindi naman siya ang tinutukoy ko!” Saad ko sabay irap, sumandal sa aking kinauupuan.

“H-huh? Wala ba?”

“Huh? Hakdog!” Kunwaring inis na sabi ko kaya natawa naman ito. “Napapaghalata ka naman masyado!”

“Na ano naman?”

“Na iniisip mo pa rin siya hanggang ngayon!”

“A... Gustuhin ko man na makalimot agad, hindi 'yon ganoon kadali. Lalo pa't puro sakit at sama ng loob ang baon ko paalis ng Pilipinas.”

Tama naman siya. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil hindi naman biro ang kaniyang mga pinagdaanan. Sa lahat ng tao, ako dapat ang una at mas nakakaintindi sa kaniya dahil nakita ko na lahat ng paghihirap niya.

“Naiintindihan ko, B. Pero sana hindi ka magpakalunod sa masasama mong nakaraan at karanasan. Iahon mo muli ang 'yong sarili. Back up mo ako lagi!” I smirked. Pabiro pa akong nagtaas-baba ng kilay.

“I know. Just give me time, A. Darating din ako riyan.”

“Of course! Mahaba pa ang oras mo kaya, take your time.”

She smile, “Yeah. Ikaw rin.”

Natigilan ako sa tangkang paglagok sa hawak kong in can. “Anong, ako rin?”

Now, she smirked back. Tila sigurado sa kaniyang sinabi.

“Huwag na tayong magtaguan, A. Alam kong may pinagdaraanan ka rin pero hindi na ako magtatanong. Maghihintay na lamang ako kung kelan ka ready magkwento.”

Hindi ako nakapagsalita. Ngumiti lamang siya sa akin bago muli humarap sa mga ilaw na nasa harapan namin bago lumagok ng alak na kaniyang hawak.

Tingin pa lamang niya ay tila sigurado na siya na may problema ako. Pero hindi ko magawang magsabi sa kaniya dahil ayokong makadagdag sa kaniyang problema. Ayokong magsabi sa kahit kanino dahil ayokong maging pabigat. Pakiramdam ko magiging dagdag lamang ako sa isipin niya.

Simula nang gabing iyon ay pakiramdam ko palagi akong pinanonood ni B. Naging paranoid ako ng ilang araw pero pinilit ko rin naman maging okay dahil kailangan ko pa ring alalayan ang kaibigan na pinipilit rin maibalik ang sarili.

The Waves Of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon