Chapter 4

207 3 5
                                    

Nakahiga ako sa sofa sa sala habang salubong ang kilay na tinititigan ang friend request sa aking social media. Simula nang matanggap ko ito kanina ay hindi na siya mawala sa isip ko.

This name seems familiar...

Hindi ko ito binubuksan kaya hindi ko alam kung bakit parang pamilyar sa akin ang pangalan. Ang profile kasi nito ay nakatalikod, nakasuot ng puting long sleeve polo, pants na black habang nakahawak sa railings. I think it's a condo? Nakatanaw ito sa kulay kahel na langit na parang nasa mataas na lugar.

“Hindi naman niya malalaman kung sisilipin ko ang account niya, 'di ba?” pagkausap ko sa sarili. “Pamilyar talaga sa akin ang second name niya, e.”

Habang nakikipagtalo sa aking sarili, nakita ko na lamang ang sarili na nag-i-scroll sa profile nang nag friend request sa akin. Napatigil ako sa isang picture kung saan malinaw na makikita ang kaniyang mukha.

I clicked that picture and zoomed in a little. Naka black long sleeve polo ito na bukas ang unang tatlong botones kaya sumisilip ang kaniyang dibdib.

Pero hindi naman ako roon naka focus. Totoo! Sa mukha niya ako naka focus.

Wait... I know him! I think I've seen him somewhere...

Naka angat ng bahagya ang gilid ng kaniyang labi habang nakatitig ang mapupungay niyang mga mata sa camera. Mukha siyang mabait.

“Asher? Ito ba 'yong kapatid ni Steve?” tanong ko muli sa sarili. Mabuti na lamang at nasa labas pa si Brianna dahil may binibili. Titig na titig lamang ako sa mukha nung lalaki nang biglang tumunog sabay vibrate ang phone ko na sobrang ikinagulat ko.

“Shit!” bulyaw ko nang muntik nang malaglag sa pagkakahawak ang cellphone ko. Mabuti na lamang at nahabol ko.

“Tang ina! Aatakihin sa message request! Sino ba 'yon?!” inis kong sabi kaya agad na tinignan ang messenger ko.

Message Requests

Lincoln Asher

Hey!

DELETE | BLOCK

Anong kailangan ng hinayupak na ito?

Bago pa man ako makapag decide kung i-aaccept ko ba ang message niya ay may bago na naman siyang chat.

Lincoln Asher

Accept my message first before stalking me, Miss.

Halos tumibok ang kilay ko dahil sa nabasa.

“Ha! Ang kapal ng mukha nang gunggong na 'to! Feeling, ah! May pinagmanahan naman pala ng yabang si Steve na demonyo! Nasa lahi!” gigil kong sabi habang pinanlalakihan ng mata ang aking cellphone.

Dahil sa gigil ko ay hindi ko napigilan ang magreply.

Hoy! Ang kapal mo!

Bakit naman kita iistalk?

Feeling nito!

Lincoln Asher

Finally! You replied!

You stalked me, Miss.

You liked my photo.

Dahil sa nabasa ay nanlaki ang aking mga mata at bumalik sa facebook app kung saan nasa account pa rin pala nang gunggong. Doon ko nakita na naka like nga ako sa picture niya na tinititigan ko kanina! Nanlaki ang aking mga mata at namilog ang aking labi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Waves Of ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon