Chapter 3

13 0 0
                                    

Ilang linggo na rin ang nakalipas matapos kong sabihin kay Luisa na gusto ko na nga si Nathaniel. Wala naman siyang kibo tungkol dun at hindi na rin niya ako tinanong ng kung anu-ano dahil alam niyang ako mismo ay naguguluhan papaano. Siguro dahil mabait siya kaya ko siya nagustuhan. Yun na lang muna ang papaniwalaan ko habang hindi ko pa alam yung tunay na dahilan kung bakit.

Kalagitnaan na ng school year at konting tiis na lang ay magiging sophomore na kami. Nowadays, I'm doing well in school. Hindi katulad nung elementary ako na basta makapasa lang. To be honest, nag-aaral akong mabuti para magpaimpress kay Nathaniel. Well, ganun naman talaga dapat diba? Gawing inspirasyon sa pag-angat mo ang love. Hindi dapat ito ang magiging dahilan ng pagbagsak mo.

Isang buwan na lang din pala at sembreak na. Konting tiyaga na lang. Nandito nga pala kami sa english subject namin kay Ms. Salandanan.

"Class, kailangan kong iarrange ang seats niyo ulit para hindi masyadong maingay ang klase."

"Sa first row, Mia, Ivan, Jessa, Annie..." tawag niya sa mga kaklase naming magooccupy ng first row.

"Second row, Katy, Paolo, Tiffany, Nathaniel, Luisa...." Sabi niya.

Second row pala ako uupo tapos katabi ko si paolo atsaka si nathanie--- OMG ! Tama ba yung dinig ko?! Magkatabi kami ni Nathaniel. Grabe. Sumusuka na ko ng rainbows ngayon. Pagtingin ko kay Luisa, binigyan niya ko ng makabuluhang tingin na parang sinasabing " Tiffany ! Control yourself kundi sasabunutan kita." diba tingin pa lang nagkakaintindihan na kami. Tumango na lang ako bilang tugon sa kanya pero deep inside mamamatay na talaga ko sa kilig.

Pagkatapos ng seating arrangement ay nagdiscuss na ulit si Ms. Salandanan. Hindi ko naman maintindihan yung tinuturo niya kasi nagdidistract ako kay Nathaniel. Ano buong grading ganito ko sa english? Pano na grades ko? Grabe na talaga to pero hayaan na "NO CHOICE EH." hahaha. 

Pauwi nanaman kami ni Luisa ngayon ng makasalubong namin ang dalawang babaeng panay ang ngiti samin. Ilang araw ko na silang napapansing nakatingin lagi sakin tapos parehong ngiti ng ngiti. Mga adik ba sila?

"Uy Tiffany, yung dalawang babae oh. Panay ang ngiti sayo. Alam mo bang mga kapatid ni Nathan yan?" Chika ni Luisa sakin.

"Oh? Pano mo naman nalaman? Atsaka anong Nathan ka diyan?! Ayos ah. Ako ang girlfriend tapos ikaw ang tumatawag sa kanya ng nicknames." sabi ko na may kasamang irap.

"Wow. Ambisyosang palaka ka alam mo yun? Kung makagirlfriend ka akala mo naman talaga kayo." sabay irap din niya.

"Aray ko bes ah. Malay mo naman diba. hahaha. Support ka na lang. Panira ka rin ng trip eh noh." 

Sa gitna ng pag-uusap namin ni Luisa ay biglang humarang sa daraanan namin yung dalawang babaeng ayon kay Luisa ay mga kapatid ni Nathaniel.

"Hi ate! *smile* Uhmm. Chesca." sabay lahad nito ng kamay niya saken na kinamayan ko naman. Taray noh. Mayor ang peg ko dito.

"Hi. I'm Sheneze." sabi naman nung isa sabay lahad din ng kamay. Mukhang hyper yung isa at mahiyain naman tong isang to. Nagpakilala rin naman sila kay Luisa na katabi ko.

"Uhmm. Tiffany, ang cute mo. hehe. Kami nga pala yung ate ni Ace. Can we get your number?" sabay abot sakin nung cellphone ni ate Chesca. Wow umaate ako. Close kami agad-agad. haha. Binigay ko naman agad yung number ko. Syempre tatanggi pa ba ko? Choosy pa? Hindi uso yun.

"Thank you Tiff. Sige una na kami. Nice meeting you. Mabait ka nga tulad ng sabi ni Ace. " sabay alis na nilang dalawa.

Ano daw? Ace? As in Nathaniel Ace? WTF?! 

Tulala pa rin si Luisa hanggang ngayon. Ang tagal niyang makarecover ah.

"Tiffany, hindi kaya..." sabi niya ng out of the blue at nakatulala pa din.

"Hindi kaya ano?"

"Hindi kaya..." sabi ulit niya.

"Hindi kaya ano?! Pepektusan kita Luisa kung hindi mo pa ituloy yang sasabihin mo! Pathrill ka din eh noh!"

"Hindi kaya gusto ka rin niya?" Sabay tingin niya saken. Tignan mo to, pwede naman pa lang ideretso yung sasabihin pabebe pa.Wait. Ano daw sabe niya? Baka gusto rin ako ni Nathan? Natagalan bago magsink-in sakin yung mga sinabi niya. Hindi nga kaya? Pero mahirap kasing umasa. Baka masaktan lang ako sa huli. Hay nako. Nevermind basta bago matapos ang school year, aamin na ko sa kanya no matter what happen.

Kakarating ko lang sa bahay. Nilapag ko agad yung bag ko sa sofa at umupo ako katabi nito. Nahihirapan pa din yung utak kong idigest yung sinabi ni Luisa. Kaibigan ko kaya talaga siya? Kasi parang lagi niyang tinotorture yun utak ko eh. Pero pano nga kaya kung totoo yun noh? Ang saya ko na sobra siguro nun. Susuka na talaga ako ng sandamakmak na rainbows. 

Fate's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon