This is it! Last day na for the freshmen's year. Hinihintay kong matapos ang speech ng class adviser namin para makausap ko na si Nathan. The past few months, wala naman talagang kakaibang nangyari. Parang ordinary day lang araw-araw pero syempre iba pa rin na nakikita ko lagi si Nathan.
Shems! Eto na talaga. Nagpaalam na yung adviser namin at nagbigay lang ng ilang words of wisdom. Palabas na ng room si Nathan kaya hinabol ko siya at binigay yung regalo ko para sa kanya. Bakit ako may regalo sa kaniya? uhm. Thank you gift ko yun sa kanya kasi pinasaya niya yung freshmen year ko.
"Para saan to?" tanong niya ng may halong pagtatakha ang mukha.
"Ahmm. Thank you gift ko yan sayo kasi nakilala kita."
"Ah. Hindi mo naman kailangang mag-abala pa." sabi niya sabay kamot sa batok na para bang nahihiya sabay ngiti.
"Ako ang nag-insist kaya don't worry. Nga pala Nathan, may gusto kasi akong sabihin sayo."
"Ano yun?" tanong niya.
"Uhmm. Kasi Nathan...Ano eh.... hehe ano.." utal na sabi ko.
"Ano yun tiffany?" tanong niya na halatang naguguluhan sa ikinikilos ko.
"Ah kasi Nathan matagal ko nang gustong sabihin sayo na ano... na gusto kita. Wala nman sigurong magbabago kahit umamin ako diba? Ewan ko ba kung bakit sa lahat ikaw pa eh. Pasensya na ah. Pero thank you kasi you made this school year easy for me. Thank you sa lahat. Don't worry, hindi tayo magkaklase next school year kaya hindi awkward. Uhmm. Nathan gusto ko lang rin kasi itanong kung ,.. ano... kung may possibility ba na magustuhan mo rin kaya ako or if by any chance, nagustuhan mo ba ko?" tanong ko.
"Hindi ko naman inaasahang susuklian mo yung nararamdaman ko sayo kaya wag kang maguilty if ever." agad ko namang sabi pagkatapos ng mahabang katahimikan.
"... Sorry Tiffany..." ani niya sabay lakad na palayo. Nang mapatingin ako sa sahig ay nakita ko ang paperbag na regalo ko para kay Nathan.
"Nathan ! Nakalimutan mo yung regalo ko para sayo !" sigaw ko habang walang tigil sa pagbuhos ang luha ko. Pesteng luha trahidor. Ganito pa lang ang edad ko pero ramdam ko na yung sakit. Pero nga diba sinabi ko na dati na wag umasa.
"Ang tanga mo Tiffany ! Ang tanga tanga mo!" sigaw ko sa sarili habang hinahampas ang ulo at habang patuloy lang sa pagbuhos ang luha ko.
Pagkamulat ko ng mga mata ko, umaga na pala. Hindi ko na tanda kung paano ko nakauwi. Ramdam kong paga pa ang aking mga mata kaya naghilamos na ako. Masakit pala talagang mareject. Akala ko OA lang ang mga taong umiibig pero yun pala totoo. Totoong masakit kapag nalaman mong hindi ka mahal ng taong mahal mo. One sided love kumbaga. Nakakamanhid ng buong pagkatao. Buti na lang talaga at hindi kami magkaklase sa grade 8. whew.
Para namang ang sadista ko sa sarili ko kung pumasok pa ko araw-araw tapos kaklase ko siya diba. Nako ah. Nagyon ko lang narealize na ang bata bata ko pa lang puro loveife na ang inaatupag ko. Ni hindi pa nga ako marunong mag-ayos ng sarili ko. hmp.
All day ay nagbasa lang ako at natulog din kaagad.
KINABUKASAN:
"Tiffany ! Gising na dali ! Second day ng vacation natin kaya isip na tayo kung saan tayo gogora. Bangon na dali ! " si Luisa.
"Ang aga-aga pa Lu. Mamaya na pwede? Alis ka muna. Tutulog pa ko. shoo shoo !" taboy ko sa kanya na haos hindi maiangat ang kamay para sumenyas sa kanyang umalis dahil sa sobrang antok.
"Wow ah. Para kang nagtaboy lang ng aso! Oi tayo na o ako pa ang mismong hahatak sayo patayo!?" seryoso niyang sabi kaya napamulat ako ng wala sa oras at umupo habang nagkukusot ng mata.
"Ano ba naman yan Luisa. Epal talaga tong sadaku na to." bulong ko sa sarili.
"Anong sinabi mo!?" si Luisa na nanlalaki ang mga mata.
"Wala! Sabi ko eto na nga maliligo na.sadaku ka." sabi kong pahina ng pahina para hindi niya marinig ang parteng sinabihan ko siya ng sadaku.
"Hmp. Sge go ! Dali. Hihintayin kita sa sala." sambit niya sabay labas na ng kwarto ko at saka sinara ang pintuan ng padarag.
Loka loka talaga yun noh. Kailangan pa talagang padarag na isarado yung pinto? galit galitan lang ang peg niya. Azar.
Habang naghihilamos ay napahinto ako ng bahagya at napatingin sa repleksyon ng sarili sa salamin.
"Bakit kaya siya nagsorry sakin nung araw na yun?" tanong ko bigla sa sarili
"Uhmm. Nagsorry siya dahil hindi niya kayang suklian yung nararamdaman ko para sa kanya? Nagsosorry ba siya dahil naguguilty siya? Nagsosorry ba siya dahil may mahal na siyang iba? " hayss. nakakaloka.
Pagtapos ko mag-ayos ay bumaba na ko papuntang sala. Naabutan ko doon si Luisa na may nireresearch sa laptop.
"Oi Luisa ! Ano na? Anong gagawin ba natin at ginising mo ko ng pagkaagaaga?"
"Uhmm. Magsesearch tayo kung saan ang best place to have a vacation." sabi niya ng hindi inaalis ang tingin sa laptop.
"Kaya mo naman yan eh ! Azar ka talaga." sabi ko with matching dabog pa kunware.
"Huy ! Wag ka ngang maginarte dyan. Gising ka na kaya wala ka ng magagawa." sabi niya.
"Pwede pa naman ulit matulog ah. Shongga mo rin sometimes Luisa noh."
"Ay sorry ah. Hiyang hiya ako sa brain mo. " sabay irap niya.
"AHA! " sigaw niya kaya napatingin ako sa kanya sabay lapit ko sa monitor nung laptop.
" Saan naman yan ha? " tanong ko
" Secret girl ! Get ready for another adventure beybe ! " sabi niya habang pumapalakpak pa.
BINABASA MO ANG
Fate's Game
Fiksi RemajaAno nga ba ang pagkakaiba ng infatuation sa love? Meet Tiffany Cara Lonville. A typical half Filipina and half Australian girl. Her simple and ordinary boring life turned into a fairy tale like when she met this guy named Nathaniel Ace Clifford. A b...