"... kaya magstart tayo sayo Mr..."
Tumayo agad siya at naglakad papuntang harapan para magpakilala.
"*ehem* Sapp guys? Nathaniel Ace Clifford is the handsome's name. *wink* 13 years old. A sporty and totally hot guy." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagtilian ang iba pa naming kaklase.
May pagkamayabang din pala ang hinayupak pero pwede na din kasi totoo namang hot and handsome siya eh.Siya yung bumangga saken for you info.
"Ms... You're next." sabi ni Mrs. Dizon sabay turo sakin. Nagtungo agad ako sa harap sabay kaway.
"Hi guys ! I'm Tiffany Cara Lonville. 11 years old. An accelerated kid way back in elementary.Hope to be friends with you. "
Natapos ang period namin ng ganun lang ang ginawa. At this very moment, nasa cafeteria ako kasama ang bestfriend kong si Luisa Victoria Smith. Actually classmate ko din pala siya nalate lang kaya ngayon lang kame nagkita.Kinuwento ko naman sa kanya yung nangyare kanina.
"OMG! Bes grabe sure ka talagang pogi siya?" Tanong niya sabay puppy eyes.
"Oo nga sight mo mamaya."
Puro pagpapakilala lang ang ginawa namin buong araw at hindi napagtantong uwian na pala. Tumayo ako at nag-inat. Nakita ko naman si luisa na nagaayos na ng gamit. Pagkalingon ko naman sa kinauupuan ni nathaniel ay nakaupo lang siya doon habang nakapangalumbaba at nakatingin diretso sakin. Napalunok ako ng malalim at nagiwas agad ng tingin. Grabe nakatingin talaga siya sakin. Habang nakatulala pa ko biglang may kumalabit saken.
"Oh ikaw pala Luisa. Tapos ka na mag-ayos ng gamit mo? Tanong ko na ibvious naman yung sagot.
"Oo kanina pa kaya adik ka ba? Kanina pa ko tawag ng tawag sayo pero tulala ka lang diyan. Ano bang nangyari?" takhang tanong niya sakin.
Napalingon naman ulit ako sa upuan ni Nathaniel pero wala na siya doon. Baka nga nagdeday dream lang ako.
"Wala yun Luisa. Halika na uwi na tayo." sabi ko sa kanya.
Ilang araw ang lumipas na ganun lang ang nangyayari sa school. Activities. Magdidiscuss yung teacher tapos uwian na. May mga times din na nginingitian ako ni Nathaniel kaya kilig to the bones naman ako. Isang araw, naabutan ako ni Luisa sa sala na nakatulala habang nakabukas yung T.V. Weekend kasi ngayon kaya walang pasok sa school. Ginulat ako ni Luisa pero walang epekto. Nilingon ko lang siya ng dahan dahan na para bang tamad na tamad.
"Uy Tiffany anong nangyayari sayo? May sakit ka ba?" Tanong niya sabay hipo sa noo ko.
"Wala ka namang sakit pero bakit ganyan itsura mo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa."
"Oi ah grabe ka naman sa pinagsakluban." Depensa ko naman.
"Edi hindi na pinagsakluban. Mukha ka na lang narape ng sampung dragon." sarcastic niyang sagot. Ewan ko ba kung bakit ko naging bestfriend to eh. Lagi na lang akong nilalait.
"Hay nako Tiffany halika na nga lang sa mall." Tinulak niya ko papuntang kwarto ko para magbihis.
Paglabas ko ng kwarto ay dali dali niya kong hinatak papuntang kotse namin sabay tawag dun sa driver namin.Saglit lang naman ng makarating kami sa mall. Malapit lang naman kasi atsaka hindi traffic.Pagkarating namin sa mall ay niyaya niya agad ako sa arcade. Naglaro kaming basketball at nagpataasan ng score. Unfortunately, nanalo siya.
"Yes ! HAHA! Atlast natalo rin kita sa game na to." Ang saya niya noh? First time niya kasi akong natalo sa basketball na yan.Pagkatapos ay nagkaraoke kaming dalawa. Siya lang pala actually kasi siya lang yung kanta ng kanta kanina pa habang ako nakaupo lang nanonood sa nagmistulang concert niya at matamlay pa rin. After one hour, napagod na ata ang loka loka at nagyaya ng kumain.
"Tara Tiffany kain na tayo sa army navy sa baba." Yaya niya na hindi ko naman tinanggihan at patuloy na lang sa paglalakad. Nang makarating kami sa gusto niyang kainan ay umorder na kami at nagsimula nanaman siyang magkwento pero wala naman akong naintindihan sa pinagsasasabi niya.
"Huy ! Tiffany ano na? Kanina pa ko kwento ng kwento dito pero ikaw tulala lang diyan. Ano ba talagang nangyayari sayo?" nagaalalang tanong niya.
"Lu.... Feeling ko... Gusto ko na siya."
- - - - -- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - -
Hi guys ! Medyo mahaba habang UD to para saken. Lol. Hope that your enjoying reading this.
Big love xx
BINABASA MO ANG
Fate's Game
Roman pour AdolescentsAno nga ba ang pagkakaiba ng infatuation sa love? Meet Tiffany Cara Lonville. A typical half Filipina and half Australian girl. Her simple and ordinary boring life turned into a fairy tale like when she met this guy named Nathaniel Ace Clifford. A b...