DUMATING ako sa bahay ng saktong eight p.m ng gabi, naabutan ko sila Mommy at Mama na naghahanda na ng pagkain.
Si Karylle naman ay naglalaro kasama ang dalawang anak nito.
"Ma,My I'm home" sigaw ko nang hindi nila ako napansin na pumasok.
Naunang yumakap sa akin ang dalawa kong pamangkin. "Titaaaaa" ngumiti naman ako at pinisil ang pisngi nila.
"Miss niyo ako?" Tanong ko sa dalawa.
"Opo" mahina akong natawa at pinagha-halikan ito.
"Kelly magbihis kana" si Mommy na tila kakatapos lang nito maghain. Wala ang mga maid dahil linggo ngayon.
Nakita ko naman ang asawa ni Karylle na kakalabas lang ng kusina.
"Opo Mom"
Agad akong umakyat sa taas at nagbihis ng damit ko. Napa-ngiti pa ako ng makita ang mga uniporme na pinaghirapan kong abutin.
Bumaba ako at dumiretso sa dining area. Naka-upo na sila si Kuya ay kakarating lang rin atvkasama nito ang kanyang asawa't- anak.
"Bunso" tawag ni kuya sa akin na agad ko naman pinandilatan.
"Tsk manahimik ka nga kuya" kinuha ko sa kanya ang pamangkin ko at hinalikan ito sa pisngi
Umupo ako sa tabi ni Mommy habang karga ang pamangkin ko. Ang cute talaga.
"Ayvana Bell Everson" tawag ko at pinang-gigilan ito.
"Hoy huwag mo ngang kurutin ang anak ko" si kuya.
"Tsk ngayon ko nga lang ulit nakita ang pamangkin ko"
"Ano naman? Gumawa ka nang sayo at pang-gigilan mo, huwag yung anak ko, nagiging siopao na nga yan sa kaka-pisil ng pisngi niya" natawa naman kaming lahat.
"Oo nga Kelly kailan kaba mag-aasawa?" Si Mommy.
"Mom"
"Twenty nine kana at hindi kana bumabata" si Mama.
"Wala pa sa isip ko ang pag-aasawa Ma"
"Kelly, malapit kana matanggal sa kalendaryo"
"Manahimik ka nga diyan Karylle, pinagtutulungan niyo na naman ako" busangot na tugon ko.
"Teka, kamusta pala yung anak ni Senator? Dumating na ba?" Pag-iiba ni Mommy ng usapan.
Bumusangot ko silang tinignan. "Ang arte-arte niya, and she's making a scandal, ang sakit sa tenga ng bawat sigaw niya" pagsusumbong ko.
"AHAHAHAHAHAHAHA"
"AHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
"AHAHAHHAHAHAHAH"
"Kaya ka pala badtrip eh- AHAHAHHAHAH"
"Tsk"
"Kaya pala the former Senator has always calling me kahit busy ako to make sure I helped him to his daughter" my Mama said.
"Yeah same with me" tugon ko
Hindi lang ito isang beses o dalawang beses na tumawag sa akin at hindi ko rin mabilang kung ilan na. Kaya wala akong magawa kundi ang tanggapin na lamang.
Matapos ang dinner namin ng mauna na sila kuya na umuwi kasama ang asawa at anak nito. Si Karylle naman at ang pamilya nito ay dito matutulog sa bahay. Since I have so many things to do para bukas ay nagpaalam na rin ako kela Mama at Mommy na babalik na ulit sa Camp namin.
Pasado ala una nang makarating ako sa Camp, may iilan pa rin ang gising dahil sila ang nagpapatrolya sa ganitong oras.
Agad ko naman pinuntahan si Miss Chu kung saan naka tali pa rin iyon. Mababakas sa mukha nito ang pagod. Nangmakita ako sobrang sama ng tingin nito sa akin.