01

60 28 36
                                    

01: Number 8

"Tapos ka na?" Niko asked.

"Hungry na," I said, pouting.

Mabilis kong inayos ang camera ko at nilagay muna uli iyun sa bag. Bahagya ko ring inayos ang buhok ko.

He laughed, "Ikaw ba naman 'di magutom kung hinabol-habol mo sa gilid 'yung mga players."

"Atleast nakakuha ako ng good photos."

"Nakakuha rin naman ako nang hindi napapagod. So, that proves that you're really a beginner, right—"

"Anna!"

Sabay kaming napalingon ni Niko sa likod nang marinig ang pamilyar na boses. Napansin ko naman ang bahagyang pagsasalubong ng mga kilay ni Niko, bahagyang naaasar. Pa'no ba naman kasi ay lagi na lang may pumuputol sa mga sinasabi niya. Either it's himself or other people. Poor Niko.

Most people call me Diana, ewan ko lang dito kay Kuya Axel na tinatawag akong Anna. Mas maiksi raw kasi. Ang iksi na nga nung Diana?!

"Kuya Axel!" I replied.

We're both on the same year. Seniors, tulad ng sabi nila. Pero kuya ang tawag namin dahil mas matanda siya sa amin ng dalawang taon ni Niko. Nag-stop kasi siya sa pag-aaral nung bata pa siya dahil sa isang accident.

Mahina niyang ginulo ang aking buhok at ngumiti, "How was my game?"

"P'wede na," I pretended to shrugged.

"Parang tumayo ka lang naman kanina sa court," pabulong na sabi ni Niko na halata namang pinarinig kay Kuya Axel.

Sabay kaming natawa ni Kuya sa inasta ni Niko.

"Inggit lang 'yan sa'yo kasi ang dami mong fans kanina, Kuya. As in baliktaran yata ay may naririnig akong 'tapakan mo ako axel' o hindi kaya 'mine axel' and many many more."

"Narinig ko nga. Kaso hindi ko naman sinasadya pero gano'n talaga, gwapo 'e. Kawawa naman 'tong kapatid ko at ayaw pa naman nitong nalalamangan ko siya."

Niko expressed his disbelief, "Wala ka pa sa kalingkingan ko 'no. Kumbaga sabi nga nila, kuko pa lang kita, Kuya!"

Hindi siya pinansin nito at bumaling sa akin. Napansin ko naman ang masamang tingin ni Niko kay Kuya Axel kaya pasekreto na lang akong natawa. Magkapatid nga sila.

"Kumusta pala ang training mo, Anna?" Kuya Axel asked.

"Nakakapagod, but it's fun!"

"That's good then. Last year na nga pala natin, for sure you're more eager to win than last year."

I smiled, "I always am. Pero siguro nga mas nakaka-excite at the same time nakakakaba pa rin since this would be my last time competing as photojournalist."

Pabiro akong sinanggi ni Niko at umakbay sa akin, "Sus, bine-basic mo nga lang ang kalaban sa RSPC!"

"She wouldn't be a fourth place for no reason, right? Baka maging dragon na 'yan for next competition at iuwi pati ang internationals," pagdaragdag ni Kuya Axel habang naki-akbay din sa akin.

Tinanggal ko naman ang pagkaka-akbay nila parehas sa akin.

"Huwag ninyo nga palakihin ang ulo ko! Alam ko namang magaling ako, so you don't have to remind me every single time," pagyayabang ko.

Tumawa sila.

"Hays, wrong move pala 'yun brother."

"Hayaan mo na, para naman maramdaman niyang ma-appreciate kahit sa'tin man lang Kuya. Wala kasing nagc-care para riyan," pang-aasar ni Niko.

Subject Of ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon