02

57 27 36
                                    

02: Debt

"How much for that bottled of water?"

"Huh?"

Tinuro ko ang tubig na ibinigay niya sa akin, "This. How much?"

Lumiit ang mga mata niya. Nagtataka kung bakit ko iyon itinanong.

"You don't have to pay for it."

I gave him a fake smile, "I don't like owing people."

Bakas pa rin ang pagtataka sa mukha niya. Bahagya pa siyang natawa dahil sa biglaang pagsabi ko noon.

The truth is, I only wanted to spend more time with him. He seems nice and outgoing. Yung tipong lahat ng bagay ay magaan kapag siya ang kasama. I guess he's a go-with-the-flow person.

Grabe, ang dami ko na agad nasabi sa pag-describe sa kaniya e wala pa ngang mahigit dalawang oras na nakasama ko siya.

Napailing ako sa naiisip. Erase all of that. He's just really my type. 100% my type. Hindi naman siguro masama kung susubukan ko right?

"Seriously. It's fine. It's just a bottled of water, Diana."

It's not fine! Pakiramdam ko kasi ay maglalayo na kami ng landas kung hindi ko siya pipilitin. Who knows kung last time na namin na mag-uusap diba? Think, Diana. Think.

Naisip ko na gayahin na lang ang sinabi niya.

Pinanliitan ko rin siya ng mata, "Seriously. It's not fine. And, it's just that I don't like owing people, Zion."

A smile formed on his face. He's giving me an amused look! Hindi pa rin niya ako sinagot.

"So.. how much?" naiinip kunwaring tanong ko.

Umakto siyang nag-iisip. Bahagya niya pang hinahawakan ang kaniyang baba gamit ang kanang kamay.

"Hmm.. an hour?" he answered.

Mahina akong natawa. This guy is good at flirting! I'm expecting a pick up line but I received more than that. But wait, speaking of, aren't we taking this thing a bit fast? Pero okay lang naman siguro.. Opportunity na 'e, ba't ko pa sasayangin? Tsaka magkakasama lang naman kami for an hour so I don't think it's a big deal.

Ang daming pumapasok sa isip ko at lahat pa na iyon ay may magkakaibang sagot. Umiling ako. God, Diana! You're almost 18 and still thinking like it's a sin to flirt with your crush!

Inayos ko ang aking sarili at pinakalma ang sarili kahit kaunti.

"Oh.. an hour? Hindi ba't parang ang mahal naman niyan para sa isang bote ng tubig?" inosenteng tanong ko.

"But it's not just about the water, Diana," he said, his tone is playful.

Humakbang siya papalapit sa akin at wala sa sariling napaatras din. Parehas naman kaming natawa.

"Let's just say that you really owe me, and I intend to collect it now, Diana."

Inilahad ko sa kaniya ang kanay ko. "Charge me then," pabirong sabi ko.

Instead of answering, hinila niya lang ako at dinala sa isang booth. It's a photobooth. Hobby niya ba ang manghila ng tao? Ang bilis-bilis niya pa naman tumakbo!

Bahagya pa akong hiningal sa pagtakbo na iyon. Pagkatapos ay agad din kaming pumila sa pagbili ng ticket para sa photobooth.

"Wow, collecting souvenirs already?" I teased, referring to the booth na pinuntahan namin.

"Kanina ko pa kasi napapansin na kinukahanan mo ako ng pictures. I figured out I'll bring you here para malagyan ko na rin ng autograph ko," mahangin na sabi niya.

Subject Of ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon