04

45 15 14
                                    

04: Payment

"Sino 'yang bago mong kaibigan?" pangungulit ni Niko.

"Basta nga."

Mahina niya akong binatukan, "Baka mamaya kung kani-kanino ka naman bumabarkada ha?!" naiinis na tanong niya.

Narinig ko naman ang pagtawa nila Terrence at Kuya Axel sa gilid. Palabas na kami ng canteen pero etong si Niko ay patuloy pa rin ang pangungulit sa akin.

"Huwag mo naman ipahalata masiyado ang pagseselos mo pre. Minus points 'yan sa mga babae," pang-aasar ni Terrence.

"Pass sa halata bro," pagdagdag pa ni Kuya Axel.

Mabilis namang hinawi ni Ate Cleo ang mga kamay nila at pumagitna sa amin, "Hep hep hep! Tigilan ninyo nga ang panggigisa sa alaga ko. O siya, ki-kidnapin ko na muna 'tong si Diana dahil magr-resume na ang volley."

"Maya-maya pa naman ang game nami—"

Hindi na natapos ni Kuya Axel ang sasabihin niya nang samaan siya ng tingin ni Ate Cleo at nilayo na ako sa kanila. Thank God.. or more like Thank Ate Cleo.

Na-hotseat naman ako masiyado roon! Kung mangulit sila ay parang masama na ang pagkakaroon ng bagong kaibigan ngayon e.

"Kaya pala naka-blush on at lipstick ang ate mo.." bulong ni Ate Cleo sa akin, nang-aasar.

Namula na naman ako. "N-nakita ko lang kasi sa drawer ko, Ate! Sayang naman kung h-hindi ko gagamitin," pagpapalusot ko.

Tinawanan niya ako at mahinang kinurot sa bewang. Halatang hindi naniniwala sa akin.

"Dalawang taon mo 'di napapansin pero all of the sudden lumabas sa drawer mo?" natatawang tanong niya. "Lokohin mo na sila pero h'wag ang Ate Cleo mo, Dianna!" pagdagdag niya habang nakaakbay sa akin.

Napasimangot ako. Hindi na ako kumibo ulit at tahimik na naglakad papunta sa venue. Wala naman na akong takas dahil alam niya na, hindi nga lang niya alam kung sino.. siguro?

Kung kilala niya naman paniguradong hindi matatahimik ang bibig niya. Pero dahil wala pa naman siyang nababanggit, mukhang wala pa siyang idea.

Sana nga.

Ganoon lang din ang naging routine namin para sa game na 'to. Salitan lang kami na nagp-picture sa taas at baba. May ilang mga beses na muntik na ako matamaan ng bola pero dahil kakambal ko yata ang swerte ay hindi pa naman ako natuluyan.

Magaling ang setter at libero ng nasa right side kaya hindi na ako nagtaka nung nanalo sila para sa unang set na.

Nagkaroon ng ilang minutong break bago mag-resume ang second set. Pero sa set na 'to, halos hindi na magka-score ang parehas na grupo. Umaabot yata ng tatlong minuto para lang maka-score dahil parehas ng attentive ang mga players at lagi nilang nas-save ang mga tira.

Hanggang sa umabot na ang laro sa fifth set. Tie ang parehas na grupo kaya nagkaroon pa ng another set, pero sa set na 'to ang unang maka-15 points ang siyang mananalo hindi tulad sa first four sets 25 points ang kailangan.

"Championship na ba, Ate?" pagtatanong ko.

She nooded. "Na-disqualify kasi 'yung dalawang grupo kahapon kaya iilan na lang ang maglalaro. Tatapusin na nila ngayon para bukas ay ibang sports na lang ang maglalaro tulad ng basketball."

Tumango-tango naman ako. Ilang saglit pa ay nagsimula na uli ako kumuha ng litrato. Masiyado ko kasing na-enjoy ang panonood. Sinubukan kong kumuha ng larawan uli sa audience, izinoom ko iyon sa bandang baba ngunit agad natigilan nang may mapansing pamilyar na mukha.

Subject Of ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon