"Neng, saan ka pupunta? Bihis na bihis ka ah! May jowa ka na no?" chismosang tanong sa akin ng kapitbahay naming si Madam Awring. Daig niya pa ang isang reporter sa pagiging pakialamera niya sa lovelife ko.
Ngumiti nalang ako ng pilit at sinagot siya. "Hindi ho madam. Pupunta ako sa school. Pinapunta kasi ako ni mama doon." Bigla naman ginanahan si Madam Awring sa pagchi-chimis at lumabas talaga ang kalahati ng katawan niya sa kaniyang tindahan. "Ah! Oo nga, teacher magulang mo. Neng, single ka pa no? Gusto mo anak ko? Bibigay ko sayo."
I awkwardly laughed at what she said. "Nahihibang na ba siya? Why would I want to date his son?!" I asked myself as I look at this old hag waiting for my answer. "Ano neng? Payag ka?" baliw talaga tong chismosang to. Kung hindi nagchi-chismis, nirereto anak sa kung sino-sinong dalaga sa barangay namin na natitipuhan niya. Mukha naman kasing garapata ang anak nito.
"Sorry po, late na ako. Pass ako sa anak mo Madam na mukhang garapata." Mapang-asar na sagot ko sa kanya na ikina-iinisan niya. Kaya ay tawang-tawa akong naglakad papalayo habang naririnig ang mga mura ng ginang. "Aba, aba, aba! Kung sino kang bata ka ah! Ang tisoy kaya ng binata kong si Empoy! Mas gwapo to kaysa kay kanto-boy." Nakakainis talaga na minimention niya ang nickname na kanto boy! Nagmo-move on na yung tao eh! Oh diba pati ang pangalan ng anak niya hindi kaakit- akit pakinggan. Hibang talaga ang chismosang iyon.
Anyways, the reason why I needed to go to school is not because I am a student myself. Excuse you lang ha, but graduate na ako. Oo, teacher ang mama ko kaya ay medyo part na rin on why I needed to go to school na kung saan ay doon siya nagtu-turo. Naiwan niya kasi ang laptop niya kaya ay tinawagan ako para magpapahatid daw doon. Palibhasa kasi ay alam niyang paano ako kukunin eh. Isang sorry, isang ngiti---- char lang. Alam niya kasing day-off ako ngayon kaya ay ako ang inutusan niyang ihatid ang laptop niya.
After 1 hour akong na stuck sa traffic nang nakababasag airdrums na speaker ng jeep ay nakarating din ako sa paaralan. Grabe ang nostalgia dito, naalala ko kasi ang mga memories ko noong elementary at highschool days ko. Enough reminiscing muna ako dahil baka galit na yung mudrakels ko sa kabagalan ko. Kinapa ko ang phone ko habang naglakad papunta sa may guard na nakabantay. Hinarang niya muna ako ngunit bigla naman niya ako pinalusot nang makilala kung sino ako. Ngumiti ako sa manong guard at yumuko kaunti as a sign of respect bago ako nagpatuloy sa paglalakad papunta sa room ni mama.
Kindergarten 1- section Kamatis
Mrs. Aporia Lyn Reyes
Pagbasa ko sa maliit tarpaulin na nakalagay sa may pintuang bahagi. Maririnig talaga ang mga matinis at makukulit na tinig ng mga bata sa loob ng classroom. Kaya ay binuksan ko nalang ang pintuan at pumasok sa classroom. Ang kalat naman, ang mga lamesa ay hindi aligned at marami ang mga gusot na papel ang nasa sahig. Well, ano pa ba ang expectation ko sa classroom? Kindergaarten to no, kaya ay normal lang to sa kanila.
Hindi ko nakita si mama dito, ni anino niya ay hindi ko mahagip kaya ay naglakad nalang ako papunta sa desk niya nang may bumato sa akin ng isang gusot na papel. "Sino ka!? Magnanakaw ka no?! Hala sumbong natin yan kay maam!" sabi ng isang maliit na batang lalaki sa akin. "Hala bad ang mambato ng papel Cj!" narinig kong saway ng isang cute na batang babae sa batang lalaking nambato sa akin.
"Eh, magnanakaw yan! Stranger!" nasimangot na saad ng batang nagngangalang Cj. "Why did his face reminded me of someone?" tanong ko habang pinagmasdan ang dalawang bata. Ngayon ay ang mga classmate nilang dalawa ay huminto sa kanilang makukulit na ginagawa at naki-usyo. "Hala ate, sino ka po? Bawal ka po pumunta sa table ni maam." Sabi ng isang batang babae naman. " Ah, ano kas---" naputol ang salita ko nang sumingit ang batang lalaking nambato sa akin ng papel. "Bakit mo siya tinatanong?! Sabi ni Tito babatuhin daw ng papel ang sino mang hindi ko kilala na pumasok rito!"
YOU ARE READING
My Lovely Kanto boy
RomanceMeet Alora Faith Reyes, a girl who hates corny and cringe things. The suplada, masungit, and maldita girl... that is how she always described herself and everyone around her also knows these things. Often teased by her nakakatandang kapatid that no...