Chapter 4

8 1 0
                                    

"Ako nga pala si Cyprian Itto Balthazar. Ang pogi, karasmatiko, handsome, at gwapong, binata ng purok 3. A.K.A. future hubby mo rin at future ama ng magiging anak mo. Nice to meet me." Mahangin na pakilala niya sa akin at nagwink pa. What the hell? Diba nice to meet yun?

Imbis na aalis para umuwi na si Itto ay hindi niya ito nagawa dahil naabutan siya ni Mama. I was confused about how welcoming my family to him, especially nung inaya siya ni mama para dito daw maghapunan. Masaya namang nagkwekwentuhan habang ako naman ay tahimik na nag-oobserba sa kanilang tatlo.

"Bakit ba masyadong close na kayo?" hindi ko maiwasang ipalabas ang malditang tono ko kaya ay tumukhim ako para bagohin ang aking tono. "I mean... ma? Kilala mo si Itto?" tanong ko ulit. Nakita kong ngumisi si Itto sa akin ngunit inawalang bahala ko muna ito.

"Alora, Itto's grandmother was a friend of mine. Tapos naging estudyante ko ang mama niya noong highschool." Sagot ni mama sa tanong ko kaya ay tumango ako. "Also, Itto and Ian are the same age. Bagong lipat lang sila dito kaya ay... treat him like what a friend should treat ha?" pahabol na bilin sa akin ni mama. Bumuga ako ng hangin at tumango ulit ako. After dinner ay naghugas ang pangit kong kuya at ako nama'y nautusan na ihatid si Itto sa gate lang namin. No choice ako kaya ay hinatid ko siya. Tahimik lang kami at para bang bumagal ang takbo ng oras.





"Oyyy... Bakit ang tahimik mo? Natatakot tuloy ako kung may kasalanan ba ako," hindi halata sa kanya na takot siya dahil ang boses niya ay napakakalma lang. Sumasabay sa ihip ng maginaw na hangin. "I'm not mad. I was just surprised. To think na kilala ka ni Mama at Kuya ko," sagot ko naman kaya ay napatango lang siya. nang makarating na kami sa gate ay pinagbuksan ko siya. Nakita ko naman siyang sumakay sa kanyang bisikleta. Nang makalabas na siya ay akmang isisirado ko na ang gate nang may pahabol pa siyang sinabi.



"Alora.... Pakisabi kay tita na salamat sa libreng hapunan." Nakangising tugon niya sa akin at sinagot ko naman ito ng tango lang. "At saka Alora.... Maraming salamat din dahil nang makilala kita, may motivation na akong magsipag ng aral muli." A wide grin can be seen in his face. As I was to answer him, naka alis na pala siya. I shook my head and laughed a little after kong malock ang gate at pumasok sa loob ng bahay.



Pagpasok na pagpasok ko sa bahay ay tumambad ang pangit na mukha ng aking kuya. Najump scare ako dahil mukhang tipaklong kasi sa kakangisi. Binalewala ko siya at umupo sa sala at sumunod naman siya sa akin at nang aasar na nagsalita. "Oy bunsoy ikaw ha! Kinikilig ka kay Cy no? Yieeeeee!!!" dahil sa pang-aasar niya ay binato ko siya ng remote at tumama sa mukha niya kaya ay napatawa ako.

"Chee!! Pariho kayong jejemon!" bulyaw ko sa kanya at tumayo at naglakad papunta sa hagdan para pumunta na sa aking kwarto. Naririnig ko pa ang kanyang mga asar sa akin. "MAAAAAA!!!! Si Lor ay may crush kay Cy!!!!!" pahabol niya pang hirit ngunit binato siya ni mama ng unan dahil sa maingay at hindi makapokus sa pinapanood na teleseryeng "the legal wife".

Pagpasok ko sa aking kwarto ay diretso kong kinuha ang bath towel para magbanlaw. Pagkatapos ay nagtoothbrush ako at naglinis ng kalat sa aking kwarto. Nang masatisfied na ako sa ginawa kong paglilinis ay binuksan ko ang aking cellphone para magscroll sa facebook. Ilang minuto pa ay may notification mark akong nakita. Pinindot ko ang red number 1 sa may drawing na mga tao. Friend Request pala ang tawag dito. Nakita ko ang bagong request sa akin.

n4gBib1g@y CyCy $4 Buha1 m0! sent you a friend request

Kumonot ang noo ko at napabuga nalang ng hangin. Ang jejemon kasi ng pangalan, tapos anime pa ang profile picture! I-iignore ko nalang sana ng nakita ko ang mutual friends niya. Kasama sa mutal friends niya ay ang pangit kong kapatid. Kaya ay may ideya na ako kung sino ito.

My Lovely Kanto boyWhere stories live. Discover now