"Oo na! Baba na!" sigaw ko habang
pababa ako galing sa 2nd floor ng bahay namin. Ang aga-aga pa iniirita na ako ng bwesit na nakatatandang kapatid kong tipaklong na A.K.A. frienemies ko rin. Nang makababa na ako ay biglang umasim ang aking mukha sa nakikita ko. Pormadong-pormado ang kapatid ko. Nakapolo ito na kulay itim at naka khaki pants, samanatalang ang sinuot niyang sapatos ay yung kulay puti na vans. "May pinopormahan ka no? sumbong kita kay mama," balewalang salita ko at naglakad papunta sa kusina para kumain ng agahan."Hoy, walang ganyanan bunsoy. Promise magdadala ako ng favourite mo. Yung crinkles ba. Basta wag kang magsusumbong kay mama at pabantay narin sa tindahan," paglalambing na bigkas niya habang nakangiti ng matamis. "Sa tingin mo ba na makukumbinsi mo ako sa pagbibili mo ng crinkles?" malditang tugon ko sa kanya habang kumakagat ng tinapay na may palamang peanut butter. Tinaasan ko rin siya ng kilay na ikinabuga ng kapatid kong tipaklong ng marahas na hangin. Napakamot nalang ito sa kanyang batok at sinubukan niya ulit na kumbinsihin ako. Bago pa man siya magsalita ay nauna na ako.
"Kung sa tingin mo ay makukumbinsi mo ulit ako ay hindi ka nagkakamali, kaya ay dapat tutuparin mo yang promise mo about sa crinkles ko ha or isusumbong kita kina mama," nakita kung ngumiti si frienemies sa akin at masiglang tumango. "Thank you bunsoy! Ingat ka dito ah," pinagtabuyan ko nalang siya dahil mukhang excited ito sa kanyang lakad. Pagkatapos kung maghugas ng mga pinggan ay pumunta ako sa aming sari-sari store na nasa tapat lang ng bahay namin. Hindi ko naman first time magbantay ng sari-sari store naming kaya ay kering-keri koi to.
"Ang dungis talaga ng batang iyon no. Bagong lipat daw yan sa atin," kunot-noo akong napahinto sa pagbabasa ng libro ng marinig ko ang mga cctv camera dito sa amin. "Anong bagong lipat? Maling mali ka naman mangsagap ng chismis te. Matagal na yan dito sa atin. Taga kabilang kanto yan," kilala ko ang boses na iyan. Hindi nga ako magkakamali, kaya ay sumilip ako para makita sino ang nagchi-chimis ng malapit sa akin. Kaya pala ang aga ng chismis, si Madam Awring pala ang leader rito.
"Oh neng! Nandiyan ka pala. Nakita ko kuya mo bihis na bihis, may ka date yun no?" usisa sa akin ng chismosang nagngangalang Madam Awring. "Di ko po alam," maikling sagot ko sa kanya at nagpatuloy sa pagbabasa ng libro. Hindi naman ako kinulit ng chismosa. Nakita ko nalang itong nagchi-chismis ulit sa kanyang mga fellow chismosa sa barangay namin.
"Malikot at mahilig yun makipagbangayan sa mga bata diyan mare. May isang beses nga na nahulog yun sa kanal at nakipagsuntukan sa anak ko. Galit na galit akong pumunta sa kanila. Ngunit alam mo ano ang ginawa ng mama niya? Paulit-ulit lang na humingi ng tawad sa akin," Inis na tugon ni chismosa number 1. "Oo nga mare! ewan ko ba diyan sa anak ni Celine. Kung hindi yun mahuhulog sa kanal ay palaging nakikipag-away sa mga bata dito," dagdag na salita ni chismosa number 2 na nakakapagana sa mga chismosang minions ni Madam Awring.
"Hindi pa ba sila titigil? Ang iingay na nila." Pagrereklamo ko sa loob ng aking isipan habang pasulyap-sulyap akong tumingin sa mga chismosa dito. "Mga ginang, pwede wag kayo dito magchi-chimis? Di ako makapagfocus sa pag-aaral eh." nakangiting sabi ko sa kanila nang dumungaw ako para sabihan sila nito. "Ah ganon ba neng? Oh siya, alis muna kayo. Wag gambalain ang estudyante." bigkas ni madam awring at pinagtabuyan ang kanyang mga minions.
"Finally! No more annoying noises," I murmured at magpapatuloy na sana ako sa pagbabasa nang may marinig akong boses.... lalaki? "Pabili isang chuckie." Tumingin ako sa lalaking bumili sa aming tindahan. Matangkad siya at maganda rin ang hugis ng kanyang katawan.
Matangos ang ilong at napaka-defined ng kanyang adams apple. Nakasuot lang ito ng isang white sleeveless shirt at green na jersey shorts. May histura rin ngunit ang mas nakakatuon ng pansin ay ang mga mata niyang kulay light-brown. Sa tingin ko ay pareho lang kami ng edad ngunit hindi siya pamilyar sa akin. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya na bumibili rito sa amin. Taga kabilang baranggay ba ito o kabilang sitio? Siya kaya yung pinagchi-chismisan nilang Madam Awring and the chismis minions? Akala ko ba ay bata? Eh mukhang ka edad lang naming ito ng anak niyang si Empoy.
YOU ARE READING
My Lovely Kanto boy
RomanceMeet Alora Faith Reyes, a girl who hates corny and cringe things. The suplada, masungit, and maldita girl... that is how she always described herself and everyone around her also knows these things. Often teased by her nakakatandang kapatid that no...