Chapter 5

8 2 0
                                    

Pagod na bumangon ako sa aking higaan. Mga mata ko naman ay may eye bags, halatang nagpuyat kagabi. Sino ba naman kasi ang kayang makatulog ng mahimbing sa kahihiyang ginawa ko kahapon? Well yes, even though auto correct yun, but still! Sa mukha ni Itto, assumero yun!

Walang pasok ngayon dahil Sabado. Mabuti nalang ay hindi nagpatawag ng practice ang aming leader sa group project kaya ay makakahinga ako ng maluwag ngayon. Feel ko nga ay sinusoyo niya pa ang kanyang girlfriend sa nakaraan nilang LQ. Pagkatapos kung maligo at magbihis ay bumaba ako para mag-almusal. Napakunot ang aking noo ng may marinig akong ingay sa labas. Nakita ko ang buwesit kong kapatid na nakaharang doon. Dahil sa kuryusidad naglakad ako papunta doon.

"Oy, ano ginagawa mo diyan?" tanong ko sa kanya.  Lumingon siya sa akin habang pinipigilang.... tumawa? Tinulak ko siya dahil nakaharang siya sa may pintuan. Muntik na akong malagotan ng hininga nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Nakasuot ito ng barong at nakaslacks pa.

Kumikintab ang suot niyang black shoes at umaalisngaw ang mabangong perfume na "black suede". May dalang isang bouquet pero ang boquet na ito ay handmade, gawa ito sa construction paper. Ang mga kamay ko ay napunta sa aking bibig na nakabukas dahil sa gulat. Nakita ko itong ngumisi at inilahad niya ang sa akin ang bulaklak. 

 "Morning baby loves! Ooopppss! Before you accept, smile ka muna tapos open mo to!" maligalig na asta ni Itto. "Anong I-oopen ko dito?" nakakunot na tanong ko sa kanya habang maingat na hinawakan ang ginawa niyang bouquet.

Narinig kong tawa sa likod ang buwesit kong kuya habang nanonood sa amin dito. Kahit na medyo naguguluhan ako ay hindi ko magawang ipagtabuyan siya. Gusto kong tumawa dahil nakasuot siya ng barong pero pinigilan ko sa pamamagitan ng pagngiwi.

Hindi niya sinagot ang tanong ko at ngumisi lang.  May kinuha siya sa gilid, isang acoustic na guitar. Napasinghap ako at napakamot sa aking pisngi. No way! Is this what I am thinking? Totoo ba to? Oh my god, diosmio naman po! Chapter 5 palang tayo eh, hindi ba masyadong "the flash" tayo dito? Nakita ko siyang bumaga ng isang hangin at medyo pawisan na hinawakan ang kanyang gitara.

He cleared his throat muna and then he started strumming his guitar. "Alora.... may I have your  uh.... saglit  muna," nahihiyang sabi niya at tumalikod. May kinuha siyang papel sa kanyang bulsa. I smiled and laughed a little. "May kodigo ka pala." 

"O-oy hindi ah! ano lang to... uhm... oo! lyrics ng kanta." tarantang paliwanag niya na ikinatawa naming dalawa ng aking buwesit na kapatid. Nandito pa rin siya, gustong manood. "So ano nga... aish! Hindi nalang ako mag-eenglish. Ayun nga, Alora, pwede bang hingin ang matamis mong permiso na mangligaw ako sayo?" sinserong sabi niya habang tumingin sa akin.

Ngumiti si Itto sa akin at tumingin sa nakakatandang kapatid ko. "Ah, oo nga pala. Ian, pre, tol, bro, dude. Pwede rin bang humingi ng permiso sa iyo bilang nakakatandang kapatid na manligaw sa nag-iisang prinsesa niyo?" napakamot naman si Itto sa kanyang batok.



"Ayaw ko nga Cy, pre, tol, bro, dude," nakaka-asar na sagot niya kay Itto kaya ay tinadyakan ko siya na ikinatawa niya naman. Nagthumbs up lang ang buwesit kong kuya at tumango. Ipinosisyon na ni Itto ang kanyang gitara. He cleared his throat again and strummed the guitar.

Kahit pawisan siya ay napakagwapo pa rin. Magalang din siyang humingi ng permiso sa akin at ng kapatid kong ewan. I don't why.. but somehow, this kind of gesture warms my heart. Hindi ko alam ano ang mukha ko ngayon. Namumula kaya? Nakakakunot? Nakataas ang kilay? Ngayon lang ako naco-conscious.

Pero mas nangingibabaw pa rin ang kiliti na nararamdaman ko. Ganito pala ang mararamdaman pag ang nangligaw sa iyo ay hinaharana ka. Tila yung kahihiyang ginawa ko kahapon kahit auto-correct yun ay medyo hindi na gumagambala sa akin.

My Lovely Kanto boyWhere stories live. Discover now