Cassy POV
Pista ng Sto. Niño..
May magarbong pagdiriwang, palamuti at ingay ng paligid. May mga nag sasayawan at iba't ibang uri ng santong sto.niño ang ginagayak sa prosisyon nito.
Taon taon ginaganap ang pagdiriwang na ito dito sa Tondo.
At taon taon hindi ako pumapalyang sumama dito dahil bukod sa isa ito sa pinagmamalaking pagdiriwang dito sa maynila at bayan ko ay mayroon akong bagay na matagal ng ipinagdarasal sa Poong Sto.Niño.
Bagay na halos araw araw, linggo linggo, buwan buwan at taon taon kong ipinagdarasal..
Yon ang makilala ko na ang lalaking inalaan para sakin..
365 days ang lumilipas sa bawat taon. Hindi ko alam kung ilang taon na pero matagal ko nga inaasahan ang bagay na yon at matagal ko na iyong ipinagdarasal sa Panginoon.
Hindi pa naman ako ganon katanda katunayan ako ay 25 years old palang at hindi pa naman nalilipasan ng panahon para mag asawa pero kasi gusto ko maranasan ma-inlove at mahalin? Pero sa pagkakataong una at huli. No boyfriend since birth ako at pangarap ko na balang araw kung maiinlove man ako gusto ko yaon ang una at huli.
Dahil ayoko ng paulit-ulit. Yung tipo bang naghagkan muna pero hindi pa naman talaga kayo ang para sa isa't isa tas uulitin mo na naman sa iba.
Ayoko!
Lumaki ako sa relihiyosong pamilya kung saan mashado silang protective at conservative kaya naman para sakin gusto kung sakaling iloob ng Sto.Niño na ako ay makapangasawa ay yaon na ang una huli..
Pero mukhang palyado ata. Dahil sa ilang taon na mapapanata ako ay tila walang sagot ang Diyos..
Nanatili siyang tahimik at mukhang walang balak pakinggan o ibigay ang aking hinihiling.
Mukhang hindi kalooban ang bagay na idinudunog ko sa kanya.
At medyo nawawalan na ko ng pag asa kahit pa nandito ako sa simabahan ngayon at taimtim akong na nagdarasal sa kanya.
Nagdarasal na kung hindi niya ibibigay ang hiling ko at wala siyang balak na ako ay pag asawahin ay payamanin na lang niya ako.
Charooott ~
Kayo naman mashado na kasi kayong seryoso sa pagbabasa..
Malalim na nga ang tagalog ko at medyo maramdamin na ang pagkakasalaysay ko tas kayo seryosong seryosong nag babasa ay siyaaaa paano na tayo nito..
Pero heto nga..
Malalim akong bumuntong hinga habang nakatingin ako sa imahe ng Diyos na nasa Altar ng Simbahan..
Taon taon akong nandito, Dumadalo sa pista ng Sto.Nino para ngang wala pa kong palya at lahat na ng kapistahan ng Diyos dito sa maynila ay nadaluhan ko na pero ano nga ba ang sense ng Answered Prayer?
Sumasagot ba talaga ang Diyos sa mga dasal? Naririnig ba talaga niya bawat dasal ng mga taong lumalapit sa kanya? Nakikinig ba talaga siya?
May tainga ba talaga ang Diyos sa bawat mga dasal?
O baka rebulto lang siya na walang pakiramdam o pandinig?
Totoo kaya ang Diyos?
"Sumainyo ang Panginoon."
"At sumainyo rin."
"Ang banal na misang ito ay tapos na, Humayo kayo at mag bigay ng pagmamahalan sa isa't isa. Nawa'y ang pagpapala ng Diyos ay laging sumainyo."
Yumuko lang ako at nagdesisyon ng lumabas ng simbahan ng matapos ang misa.. Ayoko ng magtagal pa don..
Wala na naman ako nakikitang dahilan para manatili at makipagtitigan lang sa Diyos kuno na sumasagot sa mga manalangin.
Wala na rin naman akong hihilingin sa kanya o ipagdarasal kasi sa ilang taong paglapit ko sa kanya. Pagdarasal para ibigay na niya yung lalakeng matagal ko ng ipinagdarasal ay tila hindi naman niya ko pinakikinggan.
Para siyang bingi pagdating sakin, Kaya sapat na siguro tigilan ko na at tanggapin na kahit kaylan hindi ako pakikinggan ng Diyos..
***TENGNENGNENG-TENGENENGNENG****
Saglit akong nahinto sa pinto ng simbahan ng makita kong dumadagsa na yung mga tao dahil mag uumpisa na yung prosisyon ng Sto.Nino ..
Bawat santo ay tinititigan ko tsaka ako lumingon sa Crucifix na nasa loob at sentro ng altar sa simbahan ..
"Sana patunayan mong Diyos kang buhay kahit man lang sa pagkakaroon ko ng masaya at kompletong pamilya pagbigyan mo ko. Yon lang pagtapos non kahit magdusa ako sa impyerno sa pangungwatyon ko sayo ay ayos lang sakin." Seryoso kong sabi tsaka ako tuluyang tumalikod at naglakad paalis ng simbahan..
"Oh? Parang! Parang! Divisoria!"
Agad akong sumukay sa bus na huminto sa tapat ng simbahan at pumwesto sa pinaka-gitna. Wala ng bakante kaya naman tumayo na lang ako at tumanaw sa labas ..
Alam kong mababaw ang dahilan para kwestyunin ko ang Diyos sa hindi niya pagsagot sa dasal ko para sa lalaking matagal ko ng dinadaing sa kanya ..
Pero gusto kong malaman kung talagang totoo siya? kung nakikinig ba talaga siya? At kung may pakialam nga siya sa mga taong lumalapit sa kanya.
Yon lang.. Yon lang ..
Pag napatunayan kong totoo siya sa pagbibigay sakin ng lalaking sagot sa panalangin ko.
Pwede na niya akong parusahan ..
Pwede na kong mamamatay..
*******************
Character In Line:
You As Cassy Arevalo
BINABASA MO ANG
Each Part Of You
Fanfiction"Every 365 days hindi ko alam kung ilang taon na ang katumbas pero taon taon, araw araw, gabi gabi palagi kong ipinagdarasal kung may tao bang inalaan sakin ang Diyos. Meron naman. Sinagot niya ang panalangin ko pero sa pagkakataong mas mapait na na...