Cassy POV
"Nagresign kana? Bakit anong dahilan?" Gulat na sambit ni Nanay sa binalita ko sa kanya ng magtanong siya bakit nandito ako sa karenderya namin at nagpupumilit na tumulong sa kanya.
Maging si Tatay ay hindi rin makapaniwala ang reaksyon sabay pa silang lumapit sakin ni Nanay.
"Miss sabaw nga?"
"Wala gusto ko lang muna magpahinga." Tanging tugon ko lang habang nagsasandok ng sabaw na hinihingi ng costumer.
"Sigurado ka ba Anak? Hindi ba importante sa'yo yung trabaho na yon? Ipinagdasal mo yon matagal na panahon na? Bakit bigla kang nagdesisyon ng ganyan may problema ba?" Nag aalala tanong ni Tatay umiling naman ako.
"Wala naman naisip ko na nakakapagod din pala magtrabaho lang ng magtrabaho. Gusto ko naman maiba. Mmmmn naisip ko na parang gusto ko na lang muna kayong tulungan sa business natin? Dito sa Karenderya? Oum~ Narealise ko kasi simula ng magtrabaho ako bilang isang Public Teacher nawalan na ko ng oras sa inyo. Palagi akong busy, Gusto ko naman magkaron ng time sa inyo. May naipon naman ako kahit paano eh. Pwede natin gamitin dito para madagdagan yung puhunan natin?"
"Hindi naman kaylangan Anak eh, Sapat naman yung kinikita namin dito ng Tatay mo dito sa Karenderya eh. Nagkakasya. Itabi mo na lang yan para pag may naisip kang ibang business para sa sarili mo magamit mo." Sabi ni Nanay.
"Alam ko naman Nay pero simula kasi nung magkatrabaho ako hindi nyo na ko inobliga ni Tatay na tumulong sa inyo. Ni hindi man lang ninyo ako hinayaan makapagbigay sa inyo kahit man lang kaunti? Hindi ba responsibilidad ko rin naman tulungan kayo?"
"Pero anak hindi mo naman obligasyon na magbigay sa amin. Pera mo yan pinahirapan mo kaya itabi mo na lang yan?"
"Pero-
"Anak sapat na yung napagtapos ka namin at nabigyan ka namin ng maayos na buhay kahit paano? Sapat na rin na matulungan mo kami dito sa Karenderya. Malaking bagay na yon kaya itigil na natin itong usapan na ito? Ang mahalaga nandito ka? Makakasama ka na namin palagi? Sapat na yon samin ng Nanay mo."
Parehas nilang protesta sakin kaya wala akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga na lang.. Kahit kaylan talaga ang mga magulang ko ayaw na ayaw makaabala sakin? Never silang humingi at dumaing man lang sakin sa kahit anong bagay. Itinaguyod nila ako ng walang kahit anong reklamo, Ni kahit kaylan hindi sila nagkulang sakin sa lahat ng bagay, Napakabait nila ..
Ni minsan wala akong nakitang negatibo sa kanila, Palagi nilang iniisip yung ikabubuti ko .. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin pero napakaswerte kong may magulang akong tulad nila..
Mapagmahal at walang inisip kundi ang kapakanan ko..
At sila yung idolo.. Gusto ko someday magkaron ako ng Asawang tulad ni Tatay na masikap, Ulirang asawa at ama.. Katuwang ni Nanay sa lahat at ako maging katulad ni Nanay.. Isang may bahay na masayang prioridad lang ang pamilya..
Simple at masayang pamilya lang ang pangarap ko sa hinaharap.. Yon lang..
Simple at masayang pamilya...
Yumuko na lang ako kasi medyo nalulungkot ako sa pagtanggi nila sa swestyon ko
"Aling Judith? Mang Nestor?" Biglang pagdating ng Kapitana ng Barangay namin..
"Hello po? Magandang umaga! May mga Doctor po tayo sa labas. May medical mission po kasi sila at nandito sila para magbigay ng libreng check up baka po may gustong magpacheck up sa inyo?" Ani pa nito..
Nagkatinginan naman si Nanay at Tatay..
"Pasok kayo Doc? Wag po kayo mahiya? Tuloy kayo!" Tawag pa ni Kapitana sa mga kasama niya na tila nahihiya naming pumasok..
"H-Hello po! Magandang umaga." Bati ng mga ito sa pangunguna ng isang Mestizo at matangkad na lalaki. Chinito ito at medyo chubby checks. Halatang doctor ito sa itsura niya at tindig maging sa uniforme na suot niya at stethoscope. May mag kasama din siyang Nurse at isa pang lalaking hindi ko mashadong makita yung mukha kasi nasa likuran nila at natatakpan nung ibang nurse na kasama niya.
"Ah? Magandang umaga po? Tuloy po kayo!" Tila natarantang sambit ni Nanay na nilapitan sila para paunlakan. Sumunod naman sa kanya si Tatay.
"Nako? Pasensya na po kayo maliit lamang po ang aming lugar? Pagdamutan nyo na po!" Tila nag aalalang tono ni Nanay
"Oo nga po! Pasensya na. Ah dito nyo po ba balak mag medical mission?" Ganon din si Tatay.
"Ah? Opo sana kasi ito na lang po yung hindi namin nadadaanan? Kung okay lang naman po sa inyo?" Tugon nung lalaki ..
"Nako! Opo? Okay na okay? Di nyo po naitatanong marami pong nangangailangan dito ng atensyong medical at hulog ng langit na kayo po ay pumarito samin para sa libreng check up? Sandale! May mga gusto bang mag paycheck up sa inyo?" Tanong ni Nanay sa mga costumer namin ..
"Ako Aling Judith!
"Kami po?"
"Ako rin Aling Judith, Kapitana? Sumasakit po kasi yung likod ko? Papacheck up po ako."
"Ako rin po."
Interesado naman nilang sabi, Ngumiti naman yung Doctor na nilingon silang lahat sabay bumaling kay Nanay.
"Oum? Siya sige po? Pero pwede po bang makihingi kami ng tubig? Nauuhaw na po kasi kami sa sobrang init? Pasensya na po."
"Ayy sige? Doc? Walang problema, Sandale ipaghahanda na rin po namin kayo ng makakain. Cassy? Anak halika? Ipaghanda natin sila ng maiinom at makakain." Tawag sakin ni Nanay tsaka ako hinila papasok ng bahay.. Karugtong lang kasi ng bahay namin yung karenderya ehhh ..
Joshua POV
"Init pre! Nauuhaw na ko." Pawisan at halatang pagod na pagod na reklamo ni Seb habang pinapaypay yung medcords sa tapat ng mukha niya..
Maging ako ay ramdam yung nararamdaman niya at hindi na rin magkamayaw yung pawis ko sa pagtulo dahil sa init..
"Pasok kayo Doc? Wag po kayo mahiya? Tuloy kayo!"Bungad samin ni Kapitana. Punong Barangay na nag assist ng medical mission namin sa lugar na to. Pinili ko sumama kay Seb kasi sa tingin ko may mas magagawa ako dito kaysa kaya Liam at Scout na nasa site lang. Mukhang makakaabala lang kasi ako don hindi tulad dito na kahit paano ay magagamit ko ang pagiging Doctor ko sa pagtulong sa iba.Kaso nakakapagod pala at nakakadrain. Pakiramdam ko naubos na yung energy ko. Hindi dahil sa mga naging pasyente namin kundi sa init kanina pa kasi kami nag iikot para lang mareach-out yung tao dito na hindi able magpunta sa location namin sa barangay hall dahil hindi nila alam na mission o kaya naman hindi talaga makapunta kahit gusto nila kasi pwedeng may serious matters like senior citizen na, Na hirap ng maglakad or may sakit talaga ganon..
"H-Hello po! Magandang umaga." Bati ni Seb sa kanila pagpasok namin. Nanatili lang ako sa likod nila kasi alam ko naman kaya na ni Seb makipagkapwa tao. Sabit lang naman ako dito eh kaya hindi ko na kaylangan mag effort kumausap ng kahit sino unless kung pasyente lang.
"Ah? Magandang umaga po? Tuloy po kayo!"
"Nako? Pasensya na po kayo maliit lamang po ang aming lugar? Pagdamutan nyo na po!"
"Oo nga po! Pasensya na. Ah dito nyo po ba balak mag medical mission?"
"Ah? Opo sana kasi ito na lang po yung hindi namin nadadaanan? Kung okay lang naman po sa inyo?"
"Nako! Opo? Okay na okay? Di nyo po naitatanong marami pong nangangailangan dito ng atensyong medical at hulog ng langit na kayo po ay pumarito samin para sa libreng check up? Sandale! May mga gusto bang mag paycheck up sa inyo?"
"Ako Aling Judith!
"Kami po?"
"Ako rin Aling Judith, Kapitana? Sumasakit po kasi yung likod ko? Papacheck up po ako.
"Ako rin po."
Usapan nila nung Matandang Lalaki at Babae na sa tingin ko sila yung may ari nitong place na pinasukan namin. I think kainan kasi may mga tables and Nakita ko rin na may mga kumakain.
Kung hindi ako nagkakamali karenderya ang tawag dito.."Oum? Siya sige po? Nakakatuwa naman mukhang marami kaming mabibigyan ng libreng consultation dito pero Ma'am pasensya na ah? Nakakahiya man pero pwede po bang makihingi kami ng tubig? Nauuhaw na po kasi kami sa sobrang init? Pasensya na po."
"Ayy sige? Doc? Walang problema, Sandale ipaghahanda na rin po namin kayo ng makakain. Cassy? Anak halika? Ipaghanda natin sila ng maiinom at makakain." Narinig kong sabi nung matandang babae sa kabila ng pag oobserba ko sa paligid ko kaya nabaling yung tingin ko sa kanya at nakita ko yung pamilyar na babaeng hinila niya pagpasok niya sa loob mismo ng karenderya..
W-Wait? S-Siya yung babae sa bus ah? Dito siya nakatira?
Seryoso ba to? Nakita ko ulit siya?

BINABASA MO ANG
Each Part Of You
Fanfiction"Every 365 days hindi ko alam kung ilang taon na ang katumbas pero taon taon, araw araw, gabi gabi palagi kong ipinagdarasal kung may tao bang inalaan sakin ang Diyos. Meron naman. Sinagot niya ang panalangin ko pero sa pagkakataong mas mapait na na...