Chapter 4.2

0 0 0
                                    

Joshua POV

"Maraming Salamat po sa pagpapatuloy samin at pag payag nyo na dito po gawin yung medical mission namin? Pasensya na po sa abala. Babayaran na lang po namin yung mga panindang hindi nabili dahil po sa abalang ginawa namin sa inyo."

"N-Nako Doc? Wag na? Ayon na po iyon! Ang mahalaga nakatulong kayo sa mga tao dito. Yon po ang importante, Konting paninda na lang naman po ang natira at pagsasalo saluhan na lang po namin iyon ng pamilya."

"Ganon po ba? Pwede po bang maki-pamilya?" Biglang sabat ko sa usapan ni Seb at nung mag asawa may ari ng lugar kung saan kami nag last stop ng medical mission..

"H-Ha?"

"A-ano po?" Gulat nilang sambit na mag asawa.. Seryoso naman akong tinignan sila lalo na siya na halatang nagulat din sa sinabi ko.. Bakit ba nakaattract tong babaeng to pag nagugulat ang reaksyon.. Miss wag kang ganyan baka makipamilya talaga ako sa inyo ngayon mismo. Sige ka! Baka ngayon palang hindi na kita pakawalan.

"Wuii Pre? Pinagsasabi mo? HAHAAHHAHAA Mahiya ka naman! Nakaabala na nga tayo sa kanila, Makikikain ka pa. Bumili na lang tayo mamaya pagbalik natin sa Hospital. Ayain natin si Liam at Scout malamang tapos na rin yung dalawa." Saway sakin ni Seb pero nanatili lang akong nakatitig sa kanya na mukhang napansin naman niya dahil bakas na sa mukha niya yung ka-ilang na yumuko. Pasensya na gustuhin ko man wag kang tignan o titigan pero hindi maalis yung mga mata ko sayo..

Pati mga mata ko attracted sayo Miss.. Ikaw ang kanina niya pa hinahanap..

"Ah? So Kapitana? Ma'am? Sir? Salamat po ulit sa pagpapaunlak sa medical mission namin dito. Magpapaalam na po kami sa susunod po ulit. Salamat po!"

"Walang ano man Doc! Salamat din po!"

Muling pakikipag usap ni Seb sa kanila at kay Kapitana para magpaalam, Yumuko naman ako kasi medyo nakaramdam ako ng lungkot..

"Babye po!"

"Babye Doc!"

Paalamanan nila at nagsipagkaway pa..

"Hoy Tara na! Ano pang ginagawa mo dyan? Balik tayo sa Barangay Hall.. Nandon mga gamit natin." Pagtapik ni Seb sa balikat ko ng maiwan ako dahil ayoko pang umalis.. Bakit kasi aalis? Eh nandito yung love of my life ko.. Nubayan! Panira ng lovelife eh!

Saglit naman akong tumingin sa dahilan para magtama yung tingin namin..

"Babalik po ulit kami, Salamat po!" Magalang na paalam ko tsaka ako tumalikod at inilabas yung ngiting kilig na kanina po na pinipigilan ng magtugma yung tingin naming dalawa ..

Tangina ~ Nagkatinginan kaming dalawa! Kinikilig ako amp.. Tinignan niya ko shyeeeeeetttt!

tuwang tuwa kong binatukan si Seb paglapit ko sa kanya..

"Araaaayyy!! Tangina~" Gulat niyang reklamo pero nakangiti lang akong inakbayan siya agad sabay kinulong ko siya sa braso ko at ginulo yung buhok niya habang naglalakad kami..

"Tanginaaaaaa!!!!!!" Singhal ko habang kinukutusan siya

"ARAAAAAYYYY! PREEEE! POTA JOSHUAAAAAA!!! ANO BAAAA!!" Inis niyang sabi na tinulak ako pero tuwang tuwa pa rin akong tinawanan siya ..

HAHAHAHAHAHA POTACCA KA RIN! WAG KANG EPAL DYAN!

Kinikilig akooooo gagu kaaaaa!! Nagkatinginan kaming dalawaaaaaa!!!!!!!

Cassy POV

"Kakaiba yung isang Doctor na kasama nila.."

"Oo nga parang may kaiba sa kanya."

Sabi ng mga magulang ko habang pinanunuod naming paalis yung mga Doctor at Nurse na nag medical mission sa karenderya namin tsaka tumingin sakin..

"Kanina pa nakatitig sayo Anak pagdating nila dito."

"Oo nga di naalis. Mukhang type ka."

Tilang pang aasar nila habang nakatitig ako don sa Doctor na tinutukoy nila tsaka ako tumingin sa kanila..

"Tss!" Singhal ko lang tsaka ako bumuntong hininga at tinalikuran na sila papasok ng bahay..

Type? Pinagod nga lang ako non? Walang ginawa kundi ang lumapit at makisuyo ng tubig

Lakas uminom.. Maya't maya..

Iniisip ko nga eh sa ilang oras na pinabalik balik niya ko sa paghingi niya ng tubig hindi man lang siya nabanyo eh halos muntik na niya maubos yung tubig na nasa bulyo namin kakahingi niya ..

Dere-deretso lang akong pumasok sa karenderya ng mapansin kong basang basa yung pwesto kung nasaan nakapwesto yung isang halaman namin malapit sa mismong karenderya namin, Yung pwestong pinaglalagyan ng paninda. Don kasi siya sa lamesa malapit don pumwesto at may halaman banda don.. (Hope naimagine nyo)

Anak ng.. Hindi niya ininom yung mga tubig na maya't maya niyang hiningi? Sinayang niya lang at nilunod niya yung halaman? Potek? Anong trip nung lalaking yon? Bakit ganon yon?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Each Part Of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon