Chapter 2

3 0 0
                                    

CASSY POV

CASSY POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*/Sigh

"Oh anak? Bakit mi inililigpit yung mga journal at bible mo? Di mo na ba gagamitin yan?"

"Maglilinis lang po ako ng kwarto, Nay!Babaguhin ko lang yung ayos."

Walang gana kong tugon sa Nanay ko ng maabutan niya akong inilalagay lahat ng bible at journal ko sa isang kahon pagpasok niya ng kwarto ko..

Hindi ko na kaylangan ng mga ito. Sa ilang taong pinagbulay bulayan ko ito at dito umikot ang mundo ko tila wala naman akong napala..

Halos araw araw, Hindi ako pumapalyang paglaanan ng oras ang mga ito bilang isang Kristyanong pinanganak na kabilang sa pamilyang naniniwala sa kanya.

Buong buhay ko naglingkod ako sa kanya bilang isang katoliko at kristyano. Halos sa dalawang ministeryo akong naglingkod pero pakiramdam ko ay binigo niya pa rin ako ..

"Oh siya sige lumabas kana maya-maya ah para sabay sabay tayo makapaghapunan." Bilin ni Nanay na siya namang tinugunan ko ng pagtango bago siya umalis sa kwarto at bumalik na ko sa ginawa ko..

Inisa isa ko lahat ng bible at Journal ko sa paglalagay sa kahon ng makita ko yung Diary ko ..

Tinitigan ko iyon at binuklat ..

"When the time is right I, The Lord, will make it happen.-Isaiah 60:22".

Pagkabasa ko sa unang pahina nito. Yung verse na pinanghahawakan ko pamula noon pa? Nung mag umpisa akong umasa sa kanya na sasagutin niya yung prayers ko.

Lahat ng hili at dasal ko nandito sa diary na to lalo na yung sa lalakeng hinihiling ko sa kanya.

Kung anong itsura niya, Gusto ko matangkad, 5'9 yung height? Mestizo o kaya moreno ganon, Matangos ang ilong? Pango kasi ako eh kaya gusto ko matangos ang ilong gusto ko kasi ayon ang mamana ng mga magiging anak ko someday? May mga matatangos silang ilong. Gentle at soft spoken? Mabait at understanding, Maalaga at maasikaso, May magagandang mga mata,Sweet, May act of service, Word affirmation, Physical Touch, Clingy ganon kasi gusto ko nilalambing ako pero Lord!

Lord pagod na po ako! Ayoko ng umasa pa! Patawarin mo ko kung kinuwestyon kita sa simbahan kanina? Pero ayoko ng umasa pa!

Nandito lahat sa diary na to yung prayer and petition ko para sa kanya? Nandito yung diskripsyon ko sa kanya, Maging yung mga bagay na pangarap ko in future once na makilala ko siya pero ayoko na.

Ayoko ng umasa at gusto ko ng tanggapin na hindi siya mangyayari sa buhay ko kahit pa anong gawin ko..

**********

Joshua POV

Joshua POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Each Part Of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon