“Ma” napalingon ako sa tumawag sa akin. I smile as I saw my son , he’s still on his pajamas.
The same year my heart broke, after my Lola’s burial I left my home town my safe place. And move to San Jose, far enough from past.
Nang nasa San Jose na ako, duon ko lang nalaman na buntis ako. Its hard but worth it.
Its been 10 years, but the pain is still stuck in my heart.
“good morning baby ko” I greeted him.
“Ma, hindi na ako baby, malaki na ako” sabi nya.
“Kahit anong sabihin mo, kahit may pamilya kana, baby pa din kita. I love you so much anak ko, ikaw ang lakas ko. Payakap nga si mama”
“mahal din kita mama” sabi nya at niyakap ako.
I thank God because He gave me a light when darkness surrounded my world. Im so thankful because I have a son, he became my strength and hope. He gave me Sael Valdez-Lopez ,my son. Binigay ko pa din ang apilyido ni Samuel sa anak ko, kahit para dun lang ay may ala-ala naman ang anak ko sakanya.
“Mama, nood kang laro ko bukas ha. May mga sponsor na pupunta” sabi nya
“oo naman anak, kailan ko ba nakalimutan ang laro mo?” natatawang sabi ko.
He is a basketball player, matangkad ang anak ko, moreno at higit sa lahat kamukhang-kamukha nya ang ama nya ang tanging nakuha nya lang yata sa akin ay ang pilik mata na mahaba. Ang unfair, ako ang nagdala ng 9 months at nag iri pero yung gagông tatay ang kamukha.
Sa tanda ng anak ko, hindi nya nabanggit ang tatay nya, hindi ko din alam kung anong iniisip nya, hindi pa namin napag usapan ang tatay nya kahit kailan dahil hindi pa ako ready, maaaring sabihin na dekada na pero yung sakit na dinulot nya sa akin ay hindi pa din naghihilom.
SAMUEL LOPEZ POV
“Dude come on loosen up, wag mo masyadong buruhin ang sarili mo sa trabaho” ani ni Liam
We’re currently here at my office. Im now managing our business ,nagretired na ang magulang ko last year.
“bakit ba ako ang ginugulo mo? Nag away ba kayo ni Gela?” tukoy ko sa asawa nya
“No. Ang akin lang, hindi ako matatahimik kung hindi pa kita nakikitang lumalagay sa tahimik. Its been a decade Sam, move on, and have a family. Oras na para sumaya ka” sabi nya
Its been a decade since Natasha left me. I know Im a big asshole to hurt her.
“You know I can’t pare. Palayain mo na yang guilt na nararamdaman mo Liam its not your fault. Tsaka may anak nako , si Nica” sabi ko
“What I mean is anak na as in laman at dugo mo pare. I cant let go of the guilt habang hindi kita nakikitang masaya, kung hindi kita inaya nuon magparty hindi sana aabot sa ganun ang nangyari, hindi ka dapat nasasaktan ngayon”
Yes, Nica is not my real daughter. Ang nanay nya ay binayaran lang upang pumasok sa kwarto ko nuong party ni Liam. At first ay hindi ako naniniwalang akin ang bata dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko sya ginalaw, pero naisip ko din na baka may posibility dahil nagising nalang akong katabi sya sa kama , hubad pa kaming dalawa, hindi ko alam ang ginagawa ko dahil sobrang wasted ko. Hindi ko sinabi kay Natasha dahil hindi ako sure, natatakot akong iwan nya ako. I want to have a DNA test first pero six months pa bago makakuha ng sample galing sa bata. Hindi pa nga naisasagawa ang DNA test nahuli na ako ni Natasha, sobrang sakit ng makipaghiwalay sya sa akin, para akong nabaliw dahil hindi ko kayang wala sya, literal akong nabaliw ng malaman kong umalis sya sa lugar namin ng mailibing na ang lola nya.
Napunta lang sa akin si Nica dahil namatay sa panganganak ang mama nya, nagulat nalang ako ng may tumawag sa akin mula sa hospital na namatay daw ang misis ko sa panganganak. Ako ang isinulat na father nya sa birth certificate dahil yun ang sinabi ng nanay nya.
Ang nanay nyang gustong-gusto ako na umabot sa point na sinira nya ang relasyon namin ni Nat para mapikot ako nagsinungaling pa na binayaran lang sya, yun pala plano nya talaga. Nung 6 months na syang buntis, pinuwersa ko syang magpakuha ng sample at ganun din ako. Sobrang nagalit ako ng malaman ko na hindi akin ang pinagbubuntis nya. I almost killed her buti nalang napigilan ako ni Liam. Ayaw ko kupkupin si Nica nuon pero walang mag aalaga sakanya. Inampon ko sya, she knows the thruth that she’s not mu real daughter but I’m treating her right, like what father should do.
“Alam mo namang kung hindi si Natasha, hindi nalang ako mag-aasawa” sabi ko
“Then I should hire a private investigator. Dapat matagal ko ng ginawa” he said
“I already did” sambit ko
Its been a year since I started finding her, still no trace. Ewan ko ba kung anong ginagawa ng P.I na kinuha ko.
“Nga pala, may school akong pupuntahan bukas, I want you to come para manood ng mga bata” sabi nya
“saan banda?”
“Sa San Jose”
“ang layo mo naman pupunta?” tanong ko.
Nakatira kami sa Gapan, 2-3 hours ang byahepag public vehicle pero pag private naman ay 1 and half.
“Isa akong congressman ng probinsya natin. I should visit all the school, para malaman kung anong kailangan nilang equipments or facilities. Tsaka may event bukas , mag ssponsor ako lalo at may basketball” sabi nya
Yes, he’s a congressman, wala naman sa itsura nya nuon na lalaban syang pulitika dahil gago sya.
“tsaka diba may scholar ka? Sumama ka para may mabigyan ka” dagdag nya pa.
“fine”