JLATS CHAPTER NINE

27 3 1
                                    

Pag ka uwi ko ay agad kong hinanap ng aking mga mata ang aking anak ngunit di ko ito makita. Nang biglang mag salita si Ash galing sa aming kwarto.

"Tulog na siya"

"Thank you talaga bes"

"No worries, ahhhmm by the way may lakad ako bukas, so anong plano mo?"

"ipapasyal ko na lang si Brix para malibang naman siya"

"No, I mean kay Gray, about kay Brix. You know hindi malabong mag kasalubong kayo kase nandito rin siya. Kaya anong plano mo, alangan namang itago mo yang bata"

Tumalikod nalang ako dahil pati ako ay hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko, kung pa ano ko ba sasabihin lahat sa kanya. Kung ano ba ang dapat kung gawin, ang Plano ko lang naman ay ipasyal ang anak ko dito, wala sa plano ko ang ipakilala ang anak ko sa kanya, dahil sigurado akong magugulat rin ito. Isa pa hindi ko alam kung matutuwa ba si Gray kapag nalaman nyang may anak kami. Natatakot rin ako na baka hindi niya ito matanggap mas lalong masasaktan ang anak ko. At ayokong mangyari iyon. Iniwan ko siya noon ng walang pa alam, tapos ngayon may anak na kami, kaya hindi ko na rin alam kung pa ano ko sasabihin sa kanya. Baka magulat siya at magalit kase bigla kaming nag kita ulit at bigla bigla ay may ipapakilala akong anak sa kanya. Natatakot ako.

Nang hindi na umimik ang kaibigan ko ay dumeretso na ako sa aming kwarto. Agad akong kumuha ng tuwalya sa cabinet at nag deretso na ng banyo. Doon ko na inilabas ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Na aawa na rin ako sa mag ama lalo na sa anak ko. Ilang taon ko ng ipinagkait sa kanya ang kasiyahan na makasama ang kanyang ama. Diko na alam kung ilang oras ba akong nag kulong sa banyo, ng matapos na akong maligo ay agad kung kinuha ang aking cellphone dahil kanina ko pa naririnig ito na tumutunog. Pag ka kuha ko nito ay bumugad sa akin ang sampung messages galing kay Gray. Napa ngiti na lamang ako dahil mukhang nag aalala ito sa akin, kaya wala na akong nagawa kundi ang replayan ito.

"I'm okay"

Pag ka send pa lang ng message ko ayy agad siyang tumawag. Kahit Puno nang pag tataka ay sinagot ko na lamang ito dahil baka importante.

"Can we talk for a while" agad na bungad nito sa akin.

"about what?" napakunot na lamang ang noo ko dahil mukhang seryoso ito.

"ahhmm bukas na lang, mag rest ka muna"

napa awang na lamang ang labi ko dahil pag ka sabi niya ng mga salitang iyon ay agad niyang pinutol Ang tawag. Ano bang problema ng lalaking iyon. Na curious tuloy ako sa kung anong sasabihin niya at gusto kong malaman ang gusto nitong sabihin sa akin. May parte kase sa akin na parang may importante itong sasabihin. Tatawagan ko sana ito kaso baka maka istorbo pa ako. Hinintay ko pa ng ilang minuto ang tawag nito pero hindi na tumawag ulit. Kaya nag desisyon na lang ako na tignan ang anak ko sa kabilang kwarto. Ayaw niya kase na matulog Kasama ako kase big boy na daw siya.

Pag ka bukas ko ng pinto ay nakita ko itong pinapatahan ni Ash kaya agad akong tumakbo palapit sa kanya. At niyakap siya na mahigpit

" anong nangyare bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo? Sabihin mo sa akin?" nanatili lamang itong umiiyak kaya niyakap ko siya ng mas mahigpit. Nag aalala na ako rito kase ayaw naman niyang sabihin kung anong dahilan.

"Ash tell me?"

"I'm sorry ako na bahala sa kanya"

"Please"

Pero kahit anong paki usap ko ay ayaw pa rin nyang sabihin sa akin kung anong dahilan.

"Your son didn't tell me either" seryosong sabi nito kaya huminga na lamang ako ng malalim bago ako tumayo para mag timpla ng gatas. Bago ko ma isara ang pinto ay narinig ko pa ang huling sinabi ni Ash.

JUST LOOK AT THE SKYWhere stories live. Discover now