JLATS CHAPTER TEN

15 3 1
                                    

After 2 days.....

Abala na akong nag eempake ng gamit namin ni Brix ng biglang may nag doorbell ng pa ulit ulit na parang galit o na iinip na kaya dali dali akong nag tungo sa aming pintuan at padabog itong binuksan.

“Ano bang problema mo?!"
Nagulat na lamang ako ng makita si Gray. Madilim ang awra nito at halatang galit na galit. Mas nagulat pa ako ng bigla niya akong tinulak at pumasok sa kwarto namin.

“Teka lang ano bang problema mo?” mabilis ko itong pinigilan ng tuluyan na siyang mag libot sa tinutuluyan namin. Na para bang may hinahanap, ang mas ikina kaba ko pa ay narito Ang aking anak, wala pa si Ash na pwedeng mag dahilan.

“Ano ba Gray!! Ano bang problema mo, bakit ka nandito?!”

“shut up!!ikaw ikaw ang problema dito. Hanggang ngayon ba magiging selfish ka pa din!!” bulyaw nito sa akin kaya mas tumindi pa ang kabang nararamdaman ko. Anong ibig niyang sabihin. Bakit ba siya galit na galit.

Saka lamang siya huminahon ng lumabas ang aking anak galing banyo.

“Heyy!! Uncle handsome!!” sigaw nito bago tumakbo palapit kay Gray at niyakap siya ng mahigpit. Habang nakayakap ito sa kanya ay na alala ko noong nawala ito. Si Gray pala ang naka hanap sa kanya. Wala pa silang kamalay malay na nag kita na pala silang mag ama.

“Its nice to see you again....daddy” para akong napako sa aking kinatatayuan dahil sa aking narinig galing sa aking anak. Daddy teka pa ano niya nalaman. Nanatili lamang akong tahimik na naka masid sa mahigpit nilang pagyayakapan. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. Kailan niya nalaman, pa ano niya nalaman. Kaya ba siya sumugod dito dahil alam na rin niya.

Saka lamang ako bumalik sa aking katinuan ng buhatin ni Gray ang aking anak at akmang aalis na Ang mga ito.

“Teka saan mo dadalhin ang anak ko, Hindi naman yata makatarungan na bigla kang susulpot dito ag bigla mo na lamang kukunin ang anak ko ng basta basta.”

“ I already gave you a chance to tell me everything Bri, but you didn't. Nag hintay ako na sabihin mo sa akin ang totoo, pero anong ginawa mo naging makasarili ka pa rin. Pinili mo pa ring manahimik.”

“A-anong ibig mong sabihin?”  hanggang ngayon ay galit pa rin ito. Puno pa rin ng galit ang mga mata Niya na naka tingin sa akin. Pa ano niya nalaman.

“Pa ano?” halos ma iyak na ako sa kaka isip ngunit hindi man lang siya naka ramdam ng awa. Punong puno ng galit ang mga mata niya habang buhat buhat pa rin niya ang aking anak.

“Mahalaga pa ba kung pa ano ko nalaman, eh ikaw naman yung issue dito”

“Of course mahalaga”

Bago ito sumagot ay Dinala muna niya si Brix sa kwarto. Para hindi nito marinig ang pag sasagutan namin. Pag kalipas lamang ng ilang minuto ay Saka ito lumabas.

“Dj”

“a-ano?” naguguluhan pa rin ako dahil sa sinabi nito. Bakit naman sinabi ni Dwayne. Nag tiwala ako sa kanya. Hindi man lang niya hinintay na ako mag sabi sakanya.

“ sakanya ko nalaman. Remember noong tumawag ako sayo. Nag kita kami noon sa bar, nag inuman, nalasing siya at Doon  niya sinabi sa akin ang lahat. Pag katapos kitang tawagan, tinawagan ko naman si Ash para maka usap ko si Brix. After all these years nagawa mo pa rin itago ang lahat. Bakit hindi mo sinabi sa akin agad ”

“Bakit niya ginawa ito, i help them bakit nila ito nagawa”

Kaya ba umiiyak ang anak ko noon, kaya ba ayaw niyang sabihin sa akin, kasi naka usap na niya ang tatay niya.

JUST LOOK AT THE SKYWhere stories live. Discover now