Coincidence
December 2023
To My Future Love,Do you ever feel like you are never enough? Or the things you do are never enough? Like kahit anong gawin mo you don't feel satisfied? Like everything you do feels like walang pupuntahan. It's draining you know, especially when you don't feel like you can connect with someone. I do love myself but I don't know—
Truly Yours,
Dilara 💋
—————————————————————
DILARA
Okay it's the first day of school and I do not feel like continuing this!! All of this, sino naman kasi matutuwa sa tambak na readings at di ko alam sa utak ko pero wala talagang pumasok. Nakailang mura na rin si Red sa tabi ko kasi kahit siya walang pumapasok sa utak niya, nakaka panibago nga. We stayed half the morning sa loob ng library, studying and discussing each section to each other para mas maintindihan namin ang concept.
I am so thankful hindi ko na nakita pa si Eros, because I was to engross on studying. But I have to admit my times na umaangat ang mata ko sa libro na binabasa ko o naaalis ang tingin ko kay Red sa tuwing nageexplain siya ng nagegets niya. Kaya naman nakailang snapped siya sa noo ko para kunin atensyon ko.
“Attention Lara, may kausap ka. Saan saan ba dumadapo yang mata mo?” he started roaming his eyes sa library as if trying to look for someone na nakakakuha ng atensyon ko.
“Wala, tara na maglunch.” anyaya ko dito at tiningnan ko anong oras na 12:04pm.
“Asus, may pogi ka ba nakita?” tanong nito, panay pa rin tingin sa paligid namin. Napairap na lang ako sa ere dahil sa kilos niya. Pogi ampt gagawin ko sa mga yan?
“Alam mo puros ka pogi di mo nga madigest Section 12 dito.” sabay turo ko sa law book niya, nakabuka pa rin sa pahina 67.
“Ngi, di kasi masarap pagmasdan.” at sinara nito ang aklat nito, napangiwi ako ng naipit ang daliri ko. Mabilis na inalis ko ang daliri ko at sinamaan ng tingin si Red.
Nagsimula akong kunin ang mga aklat at binalik ang mga ito sa shelf, di ko na lang ginalaw ang aklat ko at hinayaan si Red na dalhin mga iyon. Kaya na niya yan, di naman yun gaano kabigat.
Nasa claim area na kami ng mga bag namin pero di ko maiwasan tumingin sa library, nagbabakasakali na may makita—
“Beh, gusto mo ata maiwan mata mo sa Library. Tara na gutom na ako.” with that ay hinila na ako ni Red paalis, papunta sa kalapit na cafeteria. Nagpatianod na lang ako kasi kahit ako gutom na rin. Ipinilig ko na lamang ulo ko para maiwasan na isipin lalaking yun.
Nakakacurious kasi! A part of my brain suddenly start judging me, kaya naman malakas na pinilig ko ulo ko sa magkabilang direksyon, trying to shake my thoughts at baka naman tumino ako.
Nagulat na lang ako ng may malakas na tumapik sa noo ko kaya napatigil ako sa pag sunod kay Red.
“Ha?” nagtatakang maang ko kay Red na nakakunot noo sa akin at naiiling na lamang sakin. “bakit?”
“Naninibago ako sayo, Lara. Okay ka lang ba? You're not usually your calm state.” nagaalalang tanong nito sa akin, bahagya rin siya lumapit sa akin at nilagay mga kamay niya sa magkabilang balikat ko.
“I’m good, Red. Don't worry.” nakangiting sagot ko dito, he gave my shoulders a squeez bago ako binitawan.
“Good, focus Lara. Kunti na lang okay?” paalala nito sa akin, I clench my hands and as well as my jaws. He's right, this is not the time to dilly-dally. Hindi ko kailangan ngayon ng kung ano man na distraction. Stay with goal, keep going with the path.
BINABASA MO ANG
Eventually Yours, Eros
RomanceDilara Cielle Savadera has experienced numerous failed relationships, leaving her longing for the love she's always craved. She distanced herself in the hopes that she would one day find the one and the love she needs. However, her life gets flipped...