First

28 0 0
                                    

"Hoy babae bumangon ka na nga riyan, malalate na tayo ohh!!" sigaw ng kaibigan kong bruha na ang sarap ipalapa sa mga pirana sa ingay.

"Oo na eto na hindi ka naman makapag hintay!!" sigaw ko sa kanya pabalik saka binato sa kanya ang unan na yakap ko.

Bungad naman sa umaga tong bruhang to sakit sa tenga pero kahit ganyan yan mahal na mahal ko yan noh, sya lang kasi ang nag iisa kong kaibigan sa campus dahil lahat ata ng estudyante na nag aaral doon ay nandidiri sakin, ewan ko ba sa mga yon eh sa hindi ko lang talaga hilig ang mag ayos ng sarili.

Eto na nga kami at naglalakad sa hallway habang pinag titinginan nanaman ng mga tipaklong sa daan. Ano ba kasi talagang problema nila sa itsura ko? Masama na bang mag suot ng eyeglasses ang mga pangit? joke maganda ako nohh ayuko lang talaga i reveal ang totoo kong hitsura dahil paniguradong makikilala ako ng mga head dito sa campus, tumakas kasi ako galing spain dahil gusto akong ipakasal ng mga magulang ko sa lalaking sobra kong kina iinisan. Kami rin ang may ari ng school na ito kaya mahahanap agad nila kung sakali.

"kahit kelan talaga ang sama sa paningin nitong dalawang to"

"ginayuma kaya ni ferisse si nica kaya naging close sila?"

"bakit kaya pinag titiisan ni nica si ferisse noh?sa ganda nyang yan bagay sya maging kaibigan ni cloui"

Ilan lang yan sa bulungan ng mga bubuyog sa paligid namin, hindi na namin pinapansin ang mga ito dahil aksaya lang sa oras at alam naman ni nica ang tunay kong hitsura dahil magkasama kami sa condo, pero hindi nya alam ang tunay kong pagka tao dahil ang alam lang nya ay isa akong probinsyana.

Nasa malayo pa lang kami ay rinig na rinig na ang ingay sa room namin. Ano naman kayang meron? May nag aaway nanaman ba? hays hindi na sila nagsawa mag away halos araw araw nalang.

"Oyy nica alam mo na ba yung balita?" bungad ng muse namin na kulang kulang ang tela ng damit.

Pero bakit si nica nalang ang palagi nilang kinakausap? Hello? tao din naman ako ah? nag mumukha tuloy akong invisible sa tuwing kasama ko si nica, marami kasi syang kakilala dahil kahit saan kami magpunta sa loob man o labas ng campus ay maraming nakaka kilala sa kanya, anak ba naman kasi ng governor ng laguna.

Pumunta nalang ako sa upuan ko habang si nica ayon pinag kakaguluhan na ng mga bangaw. Habang nagsisigawan at nagtitilian sila sa kung ano may pangalan silang nabanggit na nagpatayo sakin.

"A-anong s-sabi nyo?" nauutal kong sambit dahil sa kaba. Kung totoo man ang nabanggit na pangalan ay siguradong ito na ang katapusan ko.

"Ang sabi ko may bagong transfer sa school natin" pabebeng sambit ng isa sa kaklase ko.

"S-sino?" hanggang ngayon ay nauutal parin ako dahil hindi ko pa nasisiguro kung tama ba ang  narinig ko.

"Hoyy bess bakit na-uutal ka? kilala mo? crush mo nohh" sabat naman ng kaibigan kong borikat.

"manahimik ka nga jan bruha, hoyy so ano ngang pangalan?" hindi na talaga ako mapakali dito, pinagpapawisan nako kahit malamig naman dahil bukas ang aircon.

"bakit ba interesadong interesado ka? nako ferisse sinasabi ko sayo hinding hindi yun pumapatol sa tulad mo" abay tangina neto ah? sapakin ko na kaya? o sabunutan nalang?

"pake mo ba? masama na bang mag tanong?" nakaka irita naman tong bangaw na to.

" Oh syaa wag na kayong mag away jan ang pangalan nya ay Jiro Narvaez, bakit kilala mo ba sya bess?" bwisittt tama nga ako ng narinig sya ngaa, pano nako nito? pano kung makilala nya ako? pero hindi naman siguro no? iba naman pala ang hitsura ko kaya safe ako.

ChainedWhere stories live. Discover now