Third

3 0 0
                                    

"Nelle baby c-can't you forgive me?" naiiyak na rin ako ano ba yan. Kahit kelan hindi ko pagbibigyan ang isang manloloko.

Mariin kong kinakalas ang yakap nya pero mas malakas sya kaya hindi ako nag tagumpay.

"Ano ba bitiwan mo nga ako, hindi ako si nelle at mas lalong hindi ako ang baby mo. Bumalik ka na sa mag-ina m-" opsss lagot na muntikan nako don ah. Sana hindi nya narinig.

"What? mag-ina? how did you know about it if you're not her?" pagalit nyang sigaw pero mapapansin parin sa boses nya ang lungkot. Nalintikan na.

"ano ba bitiwan moko sabi eh!" malakas ko syang tinulak kaya napa salampak sya sa sahig.

"Ilang beses ko ba kailangan ulitin na hindi ako sya. Ferisse ang pangalan ko hindi Nelle" sigaw ko sa kanya at diretsong tinungo ang pinto. Pagkalabas ko ay dumiretso agad ako kila nica baka kasi nag aalala na yun dahil kanina pa ako wala. Pero nawala bigla ang kaba ko ng makitang nagtatawanan sila at halos lasing na ang lahat. Ngumiti nalang ako kay nica ng mapansin nya akong umupo sa tabi nya.

Nasa kaliwa ko si nica at nasa kanan ko naman si Sean. Isa sya sa mga matatalik na kaibigan ni daniel na naging matalik naman naming kaibigan ni nica. Pero parang may kakaiba sa kanya, napapansin ko kasi na palagi syang naka titig sakin na para bang may gusto syang gawin. Pero dahil tinuring ko na syang matalik na kaibigan ay pinasawalang bahala ko nalang yon.

Inakbayan ako ni sean habang nakikipag tawanan sa iba pa naming kaibigan. Masaya ako ngayon dahil panandaliang nawala ang mga problemang iniisip ko. Habang tumatagal ay nararamdaman ko na ang hilo dahil sa alak kaya nagpasya nakong yayain pauwi si nica dahil baka wala na kaming masakyan. At buti nalang ay nakita namin sila daniel kaya hindi na ako inusisa ni nica tungkol sa problema ko dahil mas inuna nyang lumandi.

"Bess tara na baka wala na tayong masakyan nyan"  aya ko kay nica.

"Si ferisse naman oh, what's friends for kung hindi namin kayo ihahatid?" sambit ni sean. Oo nga pala noh? hinahatid nga pala nila kami kapag nalalasing kami.

"Bakit lasing ka na ba bess?" ngiting ngiti na tanong sakin ni nica pagkatapos tunggain ang isang basong beer. Pag katapos akong tanungin ayon inignore nya na ako hindi na hinintay ang sagot ko dahil inaya sya ni daniel na sumayaw. Kapal talaga nitong best friend ko kaya akong kalimutan para sa kalandian nya.

"Ferisse tara sayaw rin tayo" aya naman ni sean habang naka lahad ang kamay. Bakit pa ba ako tatanggi eh sya naman talaga palagi kong kasayaw pag nag ba-bar kami.

Habang masaya kaming sumasayaw ay naramdaman kong may humahawak sa balakang ko kaya mas lumapit pa ako kay sean. Parang natauhan naman si sean kaya hinigit nya ako sa baywang para malayo sa kung sino mang nasa likod ko. Pero wrong decision siguro ang ginawa namin dahil bigla nalang may tumamang kamao sa mukha ni sean kaya bigla syang bumulagta. Nagka gulo ang lahat, halos kami nalang ang nasa dance floor kaya nakita ko agad kung sino ang may gawa non kay sean. Gagong to, wala syang karapatang saktan ang kaibigan ko.

"Hoy ano ba? gago ka ah, wala kang karapatang saktan ang kaibigan ko!" sigaw ko sa kanya saka nilapitan si sean para patayuin.

"Kaya ba hindi mo na ako tinatanggap dahil may iba ka na? Haa?" galit na galit na sigaw ni jiro.

"Ano bang pinag sasabi mo? Ba't naman kita tatanggapin, sino ka ba?" sigaw ko sa kanya pabalik. Tinulungan ko nang tumayo si sean.
Buti nalang talaga hindi basta basta sumusugod tong si sean, ang ayaw nya kasi sa lahat ay makipag away dahil gusto nya lang ng tahimik na buhay.

ChainedWhere stories live. Discover now