Second

9 0 0
                                    

"Okay class that's all for today" natauhan lang ako ng marinig yon, kaya tinulak ko na talaga sya ng pang malakasan kaya naka alis ako sa mga bisig nya. Bigla naman syang napa mulat ng mata, ang gagong toh feel na feel yan pre? tangina mo, pagkatapos ng pinag gagawa mo sakin noon gaganyan ganyan ka ngayon? Sa mga naguguluhan ex boyfriend ko si jiro, isang malaking OO na kung pwede lang ibalik ang panahon ay hindi ko na sana sinagot ang gagong to.

Inayos ko na ang gamit ko na nasa table na hindi man lang nagalaw, wala rin akong naintindihan sa lesson ni bruha papansin kasi si jiro panira nang araw, pero ano nga bang ginagawa nya dito sa pinas? diba dapat nasa Spain sya at inaalagaan ang mag ina nya? kapal talaga nang pagmumukha nito.

Wala nang nangyaring maganda sa araw na to, puro nalang ka bwisitan. Nandito kasi ako ngayon sa isang kubo dito sa likod ng campus kahit na may pasok pa ako, wala kasi ako sa mood pumasok ngayon dahil paniguradong makikita ko lang yung gagong yon, buti pa matulog nalang dito.

Kasalukuyan kong dinadama ang sariwang hangin na tumatama sa aking balat ng biglang may mga bisig na pumulupot sa aking bewang at hinigit ako palapit sa kanya.

Por dios por santo, nakilala ko agad ito dahil sa gamit na expensive perfume. Hindi parin pala sya nag papalit ng pabango? Akmang tatanggalin ko na ang bisig nya nang bigla itong nagsalita.

"Don't move, just let me rest on your shoulders cuz im so tired" kapal talaga ng mukha no? kahit na anong sabihin mo hinding hindi na ako mahuhulog sa mga patibong mong nakakalason. Tinanggal ko ang mga bisig nya na nakayakap sakin at ang ulo niyang nagpapa hinga sa balikat ko.

"A-ano ba ni hindi nga kita kilala tapos ang lakas ng loob mong yakapin at halikan ako?" hindi naman ako mahihirapan na kausapin ito dahil alam kong marunong ito mag tagalog dahil pareho kaming Half Spanish and Half Filipino.

"Can't i just rest on your shoulders? please?" sambit nito habang hinihilot ang sentido dahil halos hindi na maibuka ang mga mata sa antok.
Pero dahil hindi na ako affected sa kanya ay kinuha ko na ang bag ko at iniwan siyang mag isa. Kapal nang mukha pagkatapos akong saktan noon magpapa kita sya ngayon na parang walang nangyari? ay oo nga pala hindi nga pala niya ako kilala ngayon, pero wala akong pake bahala sya riyan.

Umuwi nalang ako dahil inaantok ako, wala rin naman pala masyadong pumapasok na prof. ngayon dahil may ganap sa school. Nag election
kasi for new ssg officer's for this year, kaya hinahayaan na muna nila ang mga estudyante dahil hindi rin naman sila makakapag turo ng maayos.

Nagising ako sa tunog ng notification ng cellphone ko. Ano naman kayang meron?

NICA:hoyy babae ano to haa?

Kahit kelan talaga hindi marunong mag tanong ng maayos tong babaeng to, pero ano nga ba yung sinasabi nya? na curious ako kaya binuksan ko ang link na sinend nya ngunit laking gulat ko ng makita ang picture na bumungad sakin. O to the M to the G. Eto yung pwesto namin kanina ni jiro sa likod ng campus. Buti naka talikod ako sa picture, pero kung kilala mo talagaa ako malalaman mong ako talaga yun kahit hindi masyadong halata dahil natatabunan ng ulo ni jiro yung kaliwang balikat ko. Pero dahil nga kilala ako ng kaibigan kong bruha simula anit hanggang talampakan ay nalaman nya agad na ako yun.

"Sino naman yang pangahas na yan?"

"Grabe balak ko palang sya pormahan may
ka-cuddle na"

"Diba yan yung bagong transfer?"

"Sino naman kaya yang malanding babaeng yan?"

"Lakas naman ng kamandag mo te, kararating lang natuklaw mo na"

"What if girlfriend nya talaga yan?"

ChainedWhere stories live. Discover now