Fourth

2 0 0
                                    

Nakatulog ako kakaisip kung naalala ba yun ni jiro. Nagising ako ng makaramdam ng lamig, hindi pala kasi ako naka kumot dahil ang init kanina. Teka bakit parang ang dilim? gabi na ba? Jusko nakatulog ako maghapon? First time yun ah. Bumangon na muna ako para pumunta sa kusina naka ramdam nako ng gutom eh. Paglabas ko ay ang tahimik na nang paligid tulog na siguro si nica. Tiningnan ko ang wall clock sa may sala at nakitang 10 pm na pala. Tulog na nga talaga yun.

May nakahain na pagkain na sa kusina kaya kumain nalang ako, pagkatapos ay hinugasan ko ito at bumalik na sa kwarto para matulog ulit kahit halos maghapon na akong tulog, hindi na nga rin pala ako nakapag lunch kanina. Pag higa ko ay naka tulog agad ako.

Nagising ako ng 5 am na sobrang gaan ng pakiramdam ko. First time ko nalang ulit maranasan to magsimula nang pag tira ko dito sa Pilipinas. Halos hindi kasi ako maka tulog nang maayos dito dahil hindi ako sanay, kaya naman sobrang saya ko na naka tulog ulit ako ng mahimbing sa halos ilang buwan na pag stay ko dito.

Naligo na ako at ginawa ang morning routine ko tsaka ginising si nica dahil 6 am na tulog pa ito. 7 pa naman ang pasok namin pero ayus lang din naman dahil mabilis naman kumilos si nica at malapit lang din naman ang condo namin sa school.

Papasok na kami nang gate ng may biglang umakbay sakin. Si ethan lang pala. Isa sya sa kaibigan nila daniel na dito sa school namin nag aaral . Naging close nya lang din naman daw sila daniel dahil nakilala nya ang mga ito sa bar katulad namin ni nica.

"Good Morning napakagandang binibini" nako ayan nanaman yung bolero. Sa pagkaka alam ko ay may gusto daw sakin tong si ethan sabi ni nica eh. Pero pasensya siya hindi ko siya gusto hanggang kaibigan lang talaga ang maituturing ko sa kanya.

"Ayan ka nanaman sa pang bobola mo ethan eh" natatawang sagot ko sa kaniya at hinayaan nalang syang umakbay. Sanay naman na kasi ako dahil palagi ko din siyang kasama kapag wala si nica at komportable ako sa kaniya. Yung tipong alam mong safe ka kapag kasama mo siya.

Hinatid ako ni ethan sa room kaya naman halos nasa akin nanaman ang tingin nang lahat ng kaklase ko. Sikat kasi si daniel dahil isa siya sa miyembro ng sikat na boy band dito sa school namin.

"Oy ferisse ikaw ahh kasama mo nanaman si ethan"

"Sinundo ka ba ni ethan sa inyo?"

"Kayo ha napag hahalataan"

Ilan lang yan sa mga pang aasar sakin ng mga kaklase ko na tinawanan ko lang. Pero hindi parin talaga mawawala yung mga bida bida na paninira lang ang sasabihin sayo

"Papansin talaga"

"Mang aagaw"

"Attention Seeker"

"Malandi"

Ilan lang din yan sa mga paninirang sinabi nila sakin pero dahil wala akong pake nilagpasan ko lang sila na parang walang narinig at umupo na sa upuan ko. Mabuti naman at wala pa si jiro kaya nakakahinga ako ng maluwag. Dumating na si ma'am pero wala parin si jiro. Papasok kaya yon? ay pake ko ba bahala siya sa buhay niya, buhay nya naman ang masisira. Recess na kaya maingay na ulit ang klase pero bakit parang hindi ako masaya? bakit parang may kulang? pero bahala na.

Lumabas na ako para pumunta sa cafeteria nang mag isa dahil iniwan ako ni nica. Papansin kasi nakarinig lang ng usapan na may mga poging naglalaro sa court nakisabay agad sa mga nagtatakbuhan. Nag order lang ako ng Burger, Fries and Sundae dahil bigla ang nag c-crave. Pagkatapos kong kumain ay bumili ulit ako ng Burger at Fries para kay nica sinamahan ko na rin ng dalawang tubig dahil siguradong paos na yon kakasigaw.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ChainedWhere stories live. Discover now