5

109 4 0
                                    


Chapter 5

Agad tinawagan ni Fedireco si Nikolai nang magising subalit ayaw nito iyong sagutin, malakas ang kutob niya na ang lalaki ang nag pa kidnap sa anak niya at hindi niya mapapayagan kung may masamang mangyari reto,

Nang di sumasagot ang lalaki ay nag mamadali na siyang umalis. pupuntahan niya si Nikolai sa bahay nito, kumuha lang siya nang baril at lumabas nang bahay agad nag para nang taxi, naki usap na siya kay Nikolai noon na wag idadamay ang kanyang anak pero di ito nakinig sa kanya kaya mag kakamatayan sila uras na may ginawa itong di maganda sa kanyang anak.

Pag dating sa malaking bahay walang habas niyang kinalampag ang mataas na gate, matagal pa muna siyang kumatok sa gate bago siya pinag buksan nang isang gwardiya.

Gusto kong makausap si Nikolai' galit niyang bungad.

Masama siya nitong tinitigan marahil dahil sa nakikitang galit sa mga mata niya,

Wala si boss nasa bakasyon.' kalaunan ay sabi nito.

Hindi ako naniniwala sayo, tawagan mo siya ngayon din ilabas niya ang anak ko kundi mag kakamatayan kaming dalawa.' banta niya sa lalaki,

Hindi naman ito nag pa sindak sa kanya, kinuha nito ang cellphone at denail ang  number ni Nikolai,

Kasalukuyang namang pinag mamasdan ni Nikolai ang natutulog na babae sa kanyang tabi nang tumunog ang kanyang Cellphone.

Si Romel ang tumatawag, isa sa mga guardia niya sa malaking bahay,

Sir may nag hahanap sayo reto Fedireco ang pangalan, ilabas niyo daw ang anak niya kundi mag kakakamatayan kayo,' bungad ni Romel nang iangat niya ang linya.

Napa taas ang sulok nang labi niya sa narinig.  bilib din naman siya sa tapang ni Fedireco, ito na ang may atraso sa kanya ito pa ang malakas ang loob na kalabanin siya, eh kundi sana ito nag matigas pa at kusang isinurender sa kanya ang anak nito baka nag ka sundo pa sila. Baka kalimutan niya na ang utang nang lalaki. Pasalamat nalang ito at may may maganda itong anak kundi ipinakulong niya na ang babae.

Sabihin mo nalang na hindi ko na ibabalik ang anak niya, wag kamo siya mag alala pananagutan ko naman ang ginawa ko sa maganda niyang anak kahit na hindi niya na bayaran ang utang niyang limang milyon.' may ngiti pang sumilay sa labi niya na marahang hinaplos ang pisnge nang babaeng nasa kanyang tabi.

Pinatay niya na ang linya  bago itinabi ang cellphone, ayaw niya muna mag pa storbo sa ngayon, gusto muna niyang mag paka lunod sa kandungan nang babae.

Para siyang nahihibang na tinitigan na muli ang anak ni Fedireco kawawa naman ito mukhang napalaban sa kanya  at  mahimbing itong naka tulog kaagad pag katapos nang namagitan sa kanila. Sisiguruhin niya nalang  na mag e enjoy na ito sa susunod na laban nila.

Kinintalan niya ito nang halik sa labi bago iniwan sa kama, nag bihis siya't lumabas nang kwarto nang muling tumunog ang kanyang cellphone.

Tumatawag si Jessica ang babaeng walang kapagurang mangulit sa kanya kahit na walang assurance na mamahalin niya ito, kilan ba siya nag seryoso sa babae dipa nangyari yun,  pampalipas oras niya lang ang mga ito.

Ang habol niya lang naman sa mga babae ay isang anak na mag dadadala nang kanyang apelyedong dela vega at hanggat walang magbibigay noon sa kanya wala siyang papakasalan

Hello babe nasaan kaba kanina pa ako tumatawag,.!' iretable ang boses ni Jessica sa kabilang linya, feeling talaga nito na may relasyon sila. Inaamin niyang nag sasama sila sa kama pero hanggang doon lang yun.

What do you want.?" Tanong niyang walang gana. Naiinis kasi siya sa babae.

Babe naman.! Nasa condo kaba pupuntahan kita Diyan.' Nag mamaktol ang boses nito. Kapag ganoon si Jessica alam niya kung anong kailangan nang babae,

Hindi naman niya gugustuhing guluhin nito ang nag papahingang babae  sa kanyang condo dahil pag gising nito susulitin niya ang limang milyong utang ni Fedireco sa kanya,

Marahang idinilat ni Kathleen ang kanyang mga mata nang masigurong wala na siyang kasama sa silid na iyon,

Nag kunwari lamang siyang tulog kanina habang pinakikiramdaman ang lalaki,  maingat siyang bumangon na napangiwi dahil sa kirot sa kanyang gitna, para siyang binugbog sa sakit nang kanyang katawan,

Namamalisbis din ang kanyang luha habang iniisa isang damputin ang nag kalat na mga damit niya sa sahig, nanginginig ang katawan na nag bihis, sisikapin niyang maka laya sa lalaki. kung may pinaka masakit man sa kanya ngayon iyon ay ang nalaman mula sa lalaki na may utang na limang milyon ang kanyang ama sa lalaking ito at siya ang gustong gawing kabayaran,

Hindi muna siya nag padala sa emosyon na nag mamadaling  tumakbo palabas nang silid matapos mag bihis nang damit. Paika siyang tinungo ang pinto nang kwarto at nag papasalamat siyang bukas iyon  Marahil sa pag mamadaling umalis nang lalaki kaya nakalimutan nitong isara ang pinto ng kwarto.

Ang kaso yun lang ang bukas dahil naka lock ang malaking pintuan palabas, mukhang automatic ang pinto dahil wala naman siyang padlock na nakita.

Kinalampag niya iyon sa pag babakasaling may maka rinig sa kanyang kalapit bahay. Ngunit hindi siya nag tagumpay, mukhang walang tao sa labas,

Lalo siyang napa iyak nang mawalan nang pag asang makalabas sa bahay na iyon, balak siyang ikulong nang lalaki, hindi niya alam kung anong plano nito, baka patayin siya nang lalaki pag katapos siyang pag sawaan, ngayong nasa kamay siya nito hindi niya alam kung anong mag hihintay sa kanya,

Nang mapagud  sa pag iyak ay naka ramdam siya nang antok at gutom. Marahil nasa madaling araw na iyon. Nag tungo siya sa kumidor at nag bukas nang ref, sakto namang maraming prutas sa loob kaya kumuha siya nang isang apple, habang kinakain ay naalala niya ang ama. Gusto niya itong kamuhian ngayon dahil inilihim nito sa kanya ang tungkol sa utang nito sa lalaki, kaya pala lagi itong may kausap sa cellphone at balisa.

Kung sinabi lang sana iyon nang kanyang ama ng mas maaga pa baka nagawan niya nang paraan, pwedi siyang manghiram kay Maverick ng pera alam niyang hindi siya nito tatanggihan pero ngayon wala na siyang mukhang maihaharap sa lalaki, sira na ang buhay niya,

Nasa ganoong ayos siya nang bumukas ang pinto sa sala, hindi niya alam ang gagawin na agad napa tayo upang kumaripas sana nang takbo pabalik sa kwarto pero huli na ang lahat, nakita na siya nang lalaki dahil sa kumidor ito dumiritso. nakadama siya nang takot nang mag tagpo ang kanilang mga mata, mabilis niyang itinago sa likuran ang dipa nangangalahating apple dahil baka ikagalit nitong nag nakaw siya nang pag kain nito sa Ref,  sa laki nito nag mistula lamang siyang dwarf.

Dama niya ang pangangatog nang tuhod niya sa takot nang lumapit ito sa kinatatayuan niya,

Kung nagugutom ka ipag luluto kita.' mahinang saad nito na nilagpasan siya. Naka hinga siya nang maluwang sa maling akala na magagalit ito sa kanya, kailangan niyang mag pakabait sa lalaking pinag kakautangan nang kanyang ama  upang maka takas siya, hahanap lamang siya nang magandang pag kakataon.

//Continue..

QUADRUPLETS AFTER ONE NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon