7

99 5 0
                                    

Chapter 7

Hello dad nakitawag lang ako!'bungad ni kathleen nang sagutin ng ama ang tawag niya pag katapos nilang kumain ni Nikolai ay ipinahiram nito ang cellphone. At Nasa may di kalayuan lang ang lalaki at nakatanaw sa kanya kaya halos bumulong na siya sa ama.

Anak anong ginawa sayo ni Nikolai.? Alam kong siya ang nag pakidnap sayo, sabihin mo sakin kung nasaan ka pupuntahan kita.?"mag kahalong galit at pag aalala ang nasa boses nang kanyang ama.

Dad okay lang ako hindi niya ako sinaktan. pwedi mag kita nalang tayo kina tita Marga, pansamantala doon ka muna !" Pakiusap niya reto, ang balak niya doon siya tutuloy kapag nakahanap siya nang pag kakataong maka takas kay Nikolai, alam niyang unang pupuntahan nang lalaki ang kanyang ama kapag tumakas siya at nag aalala siyang baka anong gawin ni Nikolai dito.

Sigurado kabang okay kalang anak.? Aalis lang ako kapag nakasama kita..'

Listen dad huh kailangan kong takasan si Nikolai kaya please doon na tayo mag kita please dad..'

Bumuntong hininga ito.' sabihin mo sakin kung nasaan ka anak at ako na ang bahala kay Nikolai sabihin mo sakin ang address mo at..'

Hindi niya nito naituloy ang sasabihin nang may kamay na humablot sa cellphone na hawak niya. Namilog nalang sa gulat ang mga mata niya na napatingin dito, nag aalalang baka narinig nito ang sinabi niya.

Time's up.!'ang sabi nang lalaking nasa kanyang likuran, hindi nga niya ito namalayang nakalapit, "hello Mr Cruz dont worry about your Precious daughter ako na ang bahala sa kanya okay.!' kausap ni Nikolai sa lalaking nasa kabilang linya.

Hay*p ka Nick ibalik mo sakin ang anak ko papatay*n kita.!!!'dinig ni Nikolai ang galit na boses ni Mr Cruz kaya pinatayan niya na ito nang linya.

Saka binalingan ang dalagang naka masid sa kanya,"Lets go.! Hinawakan niya na ito sa kamay at dinala sa naka park niyang kotse,

Wag mo na akong hawakan kaya kong mag lakad.!"hablot nito sa hawak niyang kamay.

Bahagya siyang napangiti,

Wag kang mag taray hindi bagay sayo kung alam mo lang na maraming kababaihang nag hahangad na maka tabi ako,!" Mayabang niyang saad dahil yun ang totoo,

Nakita niya itong sumulyap sa kanya kaya bahagya niya itong kinindatan, pero inirapan lang siya nito, tuloy gusto nanaman nya itong kuyumusin nang halik sa labi pero nag pigil siya, baka humantong nanaman sila sa kama mamayang gabi nalang kawawa naman kasi alam niyang masakit pa ang katawan nito,

Pag dating nila sa mall palihim na nag mamasid si kathleen kay Nikolai habang kunwari nag hahanap siya nang damit.

Pag katapos ay nag paalam siyang mag babanyo, iniwan niya kay Nikolai ang ibang pinamili nang sa gayon hindi siya nito sundan sa labas nang confort room. bitbit ang nabiling pang disguise at bagong damit na pumasok siya sa loob nang cubicle, ngayon siya tatakas.

Suot ang makapal na Shades, cap at Jacket bilang pang disguise ay lumabas ang banyo si Kathleen, mabibilis ang mga hakbang na tinungo ang kabilang exit tuloy tuloy sa labas,

Nag para agad siya nang taxi pahatid sa kanilang apartment na tinutuluyan nang kanyang ama, kailangan niya lang daanan ang kanyang mga importanteng gamit sa bahay,

Dad!!!' tawag niya pag dating, sinalubong naman siya nitong humahangos galing sa kwarto, mabilis siyang niyakap nang ama.

Anak salamat at bumalik ka..'

Dad mag madali ka aalis tayo reto kunin mo na ang mga importanting gamit mo please.!" Saka niya ito iniwan, at nag mamadaling tinungo amg kanyang silid, sa isang maliit na bag pinag kasya niya lang ang kanyang mga importanteng gamit dina siya nag abala pang mag dala nang mga damit dahil madali lang naman yun, ang mahalaga sa kanya maka alis sila ngayon para hindi sila masundan ni Nikolai.

Sir wala talaga sa apartment na tinutuluyan nila.!" Pag babalita ni Abner kay Nikolai sa araw na iyon. Matapos siyang takasan ni Kathlen kanina sa mall ay agad niyang pinapuntahan kina Abner ang apartment na tinutuluyan nang mag ama at siya naman ay tumuloy dito sa office.

Naikuyom niya ang kamao matapos marinig ang sinabi ni Abner, Binalaan niya na ang babaeng may hindi magandang mangyayari kapag tinakasan siya nito, kaya hindi siya nito masisisi sa gagawin niya. Masyado siyang Naging kampanti kanina dahil di niya akalaing magagawa iyon sa kanya nang babae, buong akala nga niya nag kakalinawan silang dalawa pero hindi pa pala.

"Tawagan mo si Jorge sabihin mong gusto ko siyang makausap,"utos niya kay Abner,

Si Jorge ang isa sa pinag kakatiwalaan niya pag dating sa mga ganoong bagay. Maasahan ito,

Sige po sir.!" Tumalikod ito at iniwan siya sa kanyang opisina, nag bitiw naman siya nang marahas na buntong hininga. Tahimik niyang pinag masdan ang tambak na papel sa kanyang harapan, wala siyang ganang mag trabaho hanggat di niya nasisiguro kung nasaan ang babae, gusto niya itong makita,

Hi babe.!" Isang boses nang babae ang bumulabog sa kanyang katahimikan. Walang iba kundi Ang makulet na babaeng laging naka buntot sa kanya.

Nag kunwari siyang hawak ang ballpen at abala sa ginagawa, umiwas pa siya nang akmang hahalikan siya sa labi,

Para itong batang kumandong sa kanya.

Miss na kaya kita.."pag mamaktol nito.

binaklas niya ang kamay nitong nasa leeg niya,"Pwedi iwanan mo muna ako Jessica gusto kong mapag isa." Inis ang boses niyang pinag tabuyan ito.

Naiinis siya nitong tiningnan,
"Sabihin mo nga sakin may iba kana ba.? Huh.? Walang mapag sidlan ang inis nang babae,

Tumayo siya sa kina uupuan matapos itong ilayo sa kanya.

Iwanan mo muna ako Jessica.!' naiinis niyang sabi reto, tinawag niya ang secretary niya at inutusang ilabas ang babae,

Nangangaliiti naman ito habang sinasabi sa kanyang gagawing misirable ang buhay nang babaeng ipinilit niya reto. Kahit kilan hindi niya gusto ang ugali nito, malayong malayo kay Kathleen,

Nasaan naman kaya ang babaeng iyon .? Mukhang pahihirapan siya nito sa pag hahagilap. Hindi siya makakapayag na di ito makita, umaasa siyang si Karhleen ang makakapag bigay sa kanya nang anak, matagal na sila ni Jessica at ilan pang babaeng dumaan sa buhay niya, huli niyang check up sa doctor ay sinabi sa kanya nito na wala siyang kakayanang mag ka anak at hindi siya na niniwala, kaya niyang patunayan sa doctor na hindi siya baog,

//Continue

QUADRUPLETS AFTER ONE NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon