"Sis, bilyar daw sabi ni daddy." si Kuya Teo na kumatok sa pinto nang aking kwarto.
"Pass muna kuya!" sigaw ko. Hindi nawala ang mga mata ko sa binabasang libro (na hindi ko rin maabsorb) para sa exam bukas.
"I told you she's studying." hindi ko man sila nakikita ay naiimagine ko ang pag-iling ni Thirdy. As usual unggoy laban sa unggoy na naman. Hindi ko maalala kung kailan sila last na nagkasundo.
"Oh tara na, 'wag ka na magtampo aayain din naman kita. Tampo agad baby brother ko eh."
"Fuck off."
Hindi ko na sila narinig pero alam ko ay kinukulit pa rin ni Kuya Teo si Thirdy. Pareho kaming first year ni Thirdy at exam din nila bukas, pero unlike me kahit hindi na siya magreview dahil alam ko namang good for four years na ang stock knowledge nang kapatid ko. Despite his love for sports, he have to at least read something every day. Hindi naman mahigpit sina mommy at daddy pero iba ang atake nang mga kuya ko pagdating sa acads. Something I can't relate to.
Sumandal ako sa upuan at pumikit nang mariin. Inaantok na ako kahit wala pang isang oras akong nag-aaral. Naririnig ko pa ang hiyawan nila kuya at mga kaibigan nila sa baba. Tapos na kasi exam nina Kuya Teo kaya nagkayayaan sila rito sa amin. Ang alam ko rin ay kasama nila si daddy na nakikibonding sa mga bagets.
Sinilip ko sila sa bintana at nakita ko si Freon na nakikipagtawanan sa mga kaibigan nilang babae. Inofferan siya nang cup pero natatawa lang siyang umiling. Wow ha, tumatanggi pala siya sa babae? Nanliit ang mga mata ko nang tumingkayad ang babae upang abutin ang tenga niya at parang may binulong. I watched him swallowed hard and his ears turned red. Hindi pa tapos ang babae sa sinasabi tungkol sa kung anuman iyon nang magtama ang paningin namin ni Freon. I immediately hid behind my curtain. What the heck. Dito pa talaga sila naggaganyan?
Bumalik ako sa study table at kinuha ang tumbler, ubos na pala ang kape ko. Hindi ako pwede matulog dahil ayokong bumagsak. I decided to help myself and give it a try at least, baka sakaling mahanap ko rin ang study method na effective sa akin. Kung bumagsak man ako edi... it is what it is.
Bumaba ako sa kusina dala ang tumbler. May mga snacks sa counter kaya sinilip ko isa-isa kung may magustuhan. Wala namang pumapasok dito sa kusina maliban sa amin at mga katulong kaya hindi magagawi rito si Fre—
"Oh baka magkakuliti ka kasisilip d'yan."
"Shit!" muntik ko nang mabitiwan ang tumbler nang magsalita si Freon. Masama ko siyang tiningnan dahil sa pagsulpot niya at double meaning niyang sinabi. "Ano ba 'yan."
"Sorry." he bit his lip to suppress his laugh.
"Ganyan ba 'yong nagsosorry, tumatawa?"
"Ang sungit ni madam. Sorry na nga eh."
"Ba't ba nagawi ka rito? Bawal unggoy sa kusina." dumampot ako nang kape at tinunaw ito sa mainit na tubig tsaka ito hinalo.
"Ay gano'n ba? Nandito kasi 'yong reyna kaya akala ko pwede."
Bwisit ko siyang nilingon at namewang. "Alam mo no'ng nakaraan ka pa. Namumuro ka na." inirapan ko siya. Kumuha ako nang yelo at nilagay sa tumbler at pinuno nang gatas.
"I'm sorry." Sumandal siya sa counter at dumampot nang chips. "I mean it. Napipikon na ba kita?" mukha naman siyang sincere ngayon. Medyo namumula na ang kanyang mga mata na mukhang dahil sa antok. Kung mahilig lang 'to mag-inom ay mapagkakamalan ko siyang lasing. Lakas lagi mang-asar lagi eh.
"Ewan ko sayo Freon. Ikaw na bahala rito, kunin mo na kung anumang hinahanap mo at ako'y mag-aaral na." ayoko na patulan ang kalokohan nang isang 'to dahil lumalalim na rin ang gabi.
BINABASA MO ANG
My Never Cup of Tea
Любовные романыCezanne Derora Quijada, an eighteen-year-old teenager, the youngest and the only girl among the five children of one of the influential family in a small province. After spending most of her years in US, she came back for good to spend her college l...