"Next week is our annual Foundation Week, we were permitted to sell during the event along with the other business course..."
Napanguso ako sa professor namin na ngayon ay nagbibigay nang instructions sa magiging event. I watched my classmates forming their groups. Midterms na pero wala pa akong ka-close or nakakausap ni-isa sa kanila dahil ngayon palang naman nagkaroon nang groupings. Hindi naman ako mapili o mailap sa kanila, sadyang hindi lang ako sanay at nahihiya. Madalas kasi ay hindi ako nawawalan nang kasama noon pa man. Kung hindi ang mga kapatid ko ang kasama ay ang childhood best friend ko sa U.S. na si Faith.
Napabugtong-hininga na lamang ako habang pinapanood sila na magsimula maglista nang mga pangalan sa papel at magbrainstorm habang ako ay mukhang loner dito sa tabi nang bintana. Nagtama ang tingin namin nang isa kong kaklase na tumayo at naglakad palapit sa akin.
"H-Hi! I'm Annika... b-baka gusto mo sumali sa amin, kulang din kami hehehe." and she offered her hand. She's pretty popular in our school despite of her nerdy look. Nakapost kasi ang mukha niya sa tarpaulin sa iba't-ibang buildings sa school along with other achievers dahil sa pagchampion nila sa isang division level competition.
"Kung okay lang sa inyo." tinanggap ko ang kamay niya. "I'm Cedy." and we shook our hands.
"Y-Yes, pansin kasi namin na wala kang masyadong kilala rito..."
Ngumiti ako, "Thanks for noticing that. Hindi ko alam ang gagawin kung hindi mo ako nilapitan." natawa kami pareho sa sinabi ko, "I promise I will be useful. Hindi ako magiging burden sa inyo."
"Naku hindi naman gano'n ang tingin namin sayo." nilingon namin ang mga kagrupo niya na puro kaibigan niya. "Tara puntahan natin sila."
Sinundan ko siya. Binigyan nila ko nang upuan sa tabi ni Annika at nilapag ko naman ang aking bag sa mesa ko.
"Allow me to introduce my friends to you. This is Gianna, Nicole, and Bea." I gave them a warm smile, "Guys si Cedy."
"Nice meeting you all." I said. Mukha naman silang mababait. Hindi naman ako nakaramdam nang awkwardness.
"Akala namin masungit ka kaya nahihiya kaming i-approach ka. Si Thirdy kasi ang sungit huhu!"
"Huy Nicole kumalma ka nga." pabirong saway ni Bea.
"Eh bakit ba friend naman na natin siya, hindi naman niya ko isusumbong."
Natawa ako,"You're right. Masungit nga ang kapatid ko na 'yon pero mabait siya."
"True ba? Ireto mo naman ako sa kanya please!"
Napailing na lang ang mga kaibigan niya sa kanya habang ako ay tumatawa lang dahil sa reaksyon nila.
"Teh wag ka nang umasa! Iba ang level ni Thirdy. Baka nga may girlfriend na 'yon." si Gianna.
"'Wag ka nga Gi," bumaling si Nicole sa akin, "Single siya diba? Diba?" kulang na lang ay lumuhod siya sa harap ko para lang umoo ako.
"Yes, single siya." I saw her eyes brighten up, "Though I cannot promise you that he will be interested. Masungit at busy ang kapatid ko na 'yon, but I'll try."
Napaisip tuloy ako, I've seen my brothers with girls but all of that were just for fun. Wala pa silang pormal na pinapakilala sa mga magulang namin. Si Thirdy naman ay nilalapitan din naman nang mga babae pero naiintimidate sila agad dahil sa suplado niyang mukha. Ang mga tulad ni Nicole lang ang makakasurvive sa kanya.
"Yes! From now on sister-in-law mo na ako ha sa ayaw at sa gusto nang kuya mo!" lahat kami ay natawa sa sinabi niya. Ano bang nakikita niya kay Thirdy? Hindi ko kasi nakikitaan nang pagka-boyfriend material ang kapatid ko na 'yon. Kung ako kasi ang tatanungin ay hindi ko tipo ang mga lalaking suplado. I don't like chasing boys just to ask for their attention, lalo na kung may ibang tao naman ang willing magbigay no'n sa akin nang hindi ko hinihingi.
BINABASA MO ANG
My Never Cup of Tea
RomanceCezanne Derora Quijada, an eighteen-year-old teenager, the youngest and the only girl among the five children of one of the influential family in a small province. After spending most of her years in US, she came back for good to spend her college l...