I lazily stir my cocktail while watching everyone having fun. Ni-isa sa apat kong kapatid ay wala akong mahagilap dahil sa dami nang tao. Talagang pinaghandaan nang bongga ang eighteenth birthday nang unica hija naming pinsan na si Shane.
"Family of the debutant!" tawag nang event organizer. Pinanood kong lumapit ang parents ni Shane sa kanya at kinuhaan sila nang litrato. Nagmistulang diwata siya dahil sa kanyang puti at tema na napili. Nakuha niya ang kulay nang kanyang ina na si Tita Sarah, kapatid ni mommy.
"With relatives naman po!" para akong napako sa kinauupuan ko nang tawagin ang mga kamag-anak niya para sa picture. Hindi ko alam kung sasama ba ako o hindi. Nakita ko sina mommy at mga kapatid ko na mukhang hinahanap ako sa crowd. Akmang aalis si Thirdy na halatang iritado at sinusuyod nang tingin ang crowd pero hinila siya nang pinsan naming babae.
I rolled my eyes and turned my chair. Diretso kong nilagok ang cocktail at hindi na sila nilingon.
Hindi na bago sa akin ang pakikitungo nang mga pinsan ko. Hindi ako lumaki rito sa Pilipinas kaya naman hindi ko sila nakasama, pero hindi ko alam bakit ganoon na lang sila kairitado sa presensya ko. Kahit nga ang mga tiyahin ko ay ganoon din.
"Kanina ka pa hinahanap nina Teo." papikit pikit na ang aking mata pero naaninag ko pa rin ang mukha nang best friend ni Kuya Teo.
"Hayaan mo sila, mahahanap din ako no'n." wala sa sariling sagot ko. Pait at antok ang nararamdaman ko ngayon. Pait dahil sa naging hangin na naman ako sa paningin nang mga kamag-anak ko at antok dahil sa alak.
"Tequila, please."
Yumuko ako at hinintay ang request ko. I wanna wash away this bitterness and only a drink can help me.
Ilang minuto na ang lumipas pero hindi ko narinig ang bartender kaya umahon muli ako at nakitang umiinom sa tabi si Freon. Lumipat ang tingin ko sa shot glass niya dahil ngayon ko lang siya nakitang muli na uminom.
"Tama na 'yan Cedy. Ako mayayari sa kuya mo." aniya. Namumungay ko siyang tinignan. Umiwas siya at nilagok ang shot. Hindi ko maaalis ang aking mga mata sa mukha niya. May matangos siyang ilong, mahaba ang mga pilik mata at pangang umiigting.
Ano kayang panahon noong ginagawa siya nang magulang niya? Ano kayang iniisip nila no'n at ganito ang nabuo nilang anak? Wala sa sarili akong tumawa kaya kumunot ang noo niya na para bang nakakita nang baliw.
"Ngayon lang ako uminom kaya pagbigyan mo na ako."
"Alam ko kung paano ka malasing. Just get a rest, papunta na rin sina Teo."
Uminit ang pisngi ko at tila ba'y nahimasmasan ako nang bahagya. Naaalala ko kasi no'ng 18th birthday ko kung saan una akong nakatikim nang alak. Nagising na lang ako na walang maalala at nagulat dahil tapos na ang birthday ko.
"H-Hoy! 'Di na mauulit 'yon noh!" umirap ako pero tinawanan niya lang ako.
Hinugot ko ang phone ko at tinext sina mommy na mauuna na ako. Gusto ko man sila hanapin ay ayoko namang isipin nina Tita Sarah na pati sila ay pinapauwi ko na.
"There you are! I've been looking for you! We haven't take a photo yet!" nilingon namin parehas si Shane na nakabihis na nang cocktail dress. Ngingitian ko na sana siya sa pag-aakalang ako ang tinutukoy niya pero nilagpasan niya ako at dumiretso kay Freon.
Palihim akong umirap at nagreply na lamang kina mommy. Hindi ko na tinext sina kuya dahil ayoko rin na maaga sila umuwi.
"Sorry hinahanap ko kasi si Cedy." sinulyapan ko si Freon at tinaasan siya nang kilay pero nagkibit balikat lamang ito.
"Let's go! I want you to meet my parents." nakita ko sa peripheral vision ko ang paghawak ni Shane sa braso ni Freon. Minabuti ko nang pulutin ang purse ko at bumaba sa high chair.
BINABASA MO ANG
My Never Cup of Tea
RomansaCezanne Derora Quijada, an eighteen-year-old teenager, the youngest and the only girl among the five children of one of the influential family in a small province. After spending most of her years in US, she came back for good to spend her college l...