Strei's POV

Ano bang pumasok sa isip ko na payagan ko siyang ligawan niya ako?

*Flash back

Kyle: Ano Strei? Ano na sagot mo?

Strei: Alangan naman mag Hindi ako, Eh pinagtulungan niyo ko nila mommy at kuya.

Kyle: So...?

Strei: Oo, Pumapayag na kong Ligawan mo ako, Kyle..

Ineexpect ko na magsisisigaw siya at magwawala dahil pumayag na ko pero, Hinila niya yung upuan para makaupo ako, Muntikan ko nang makalimutan na may romantic table w/ candles yung tree house na to:)

Kyle: Papatunayan ko sayo, Na karapat dapat ako para sayo at wala pang isang araw mapapaagot na agad kita ~____^


*Habang sinasabi niya yung, Nilalagyan niya ako ng Pagkain na nakahain sa lamesa namin. Date ba to?*


Strei: Ang kapal mo rin eh no? isang araw ka jan! Asa ka pahihirapan kita ng bonga! :))

Kyle: Wag mo naman ako pahirapan Strei ohh, Alam mo ba yung kasabihan na "Ang Ligaw, Hindi pinapatagal yan, Ang Relasyon kasi yung Pinapatagal eh" diba?

Strei: Edi Ibahin natin yang mga kasabihan na yan, Okay na siguro 

mga 1 year kang manligaw sakin? ay hindi siguro 5 years nalang.

Kyle: Grabe ang tagal naman nun Strei, Matitiis mo ko ng ganun katagal bago mo ako sagutin?

Strei: OO. *Biglang naging malungkot yung expression ni Kyle, Nakakonsensya naman!* Sige na nga hindi kita papahirapan :)

Kyle: Talaga? *Parang gusto ko nang bawiin yung sinabi ko na hindi ko siya pahihirapan ah?*

Strei: Ay hindi baka joke lang?

Kyle: Naman Strei ehh *POUT*

Strei: HAHAHAH Epic face mo Kyle! Ayusin mo nga mukha mo para kang Bata na ewan jan?

Kyle: Gwapo naman :)

Strei: HA-Ha-Ha dami kong tawa dun ah, mga tatlo.

Kyle: Basta Hindi ako mangangako, patutunayan ko sayo yan Strei, Gusto mo kantahan ulit kita? Bago kita iuwi sa inyo? 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------> NP: WALANG IBA Play video while reading

At ayun wala pa nga ako sinasabi na pumapayag ako na kantahan niya ako ehh, Ayun si Loko nag strum ulit ng gitara

Ilang beses nang nagaway, Hanggang sa magkasakitan, Na 'di alam ang pinagmulan~

Enebeyen! Bagay samin yung kanta, Diba para nga kaming Aso't pusa dati? :))

Pati Maliliit na bagay, Na napag-uusapan Bigla na lang pinag-aawayan~

Ngayon ko lang napansin na ang cool ng boses niya? Kahit hindi ganun kaganda pero ang lakas ng dating? ganun?

Ngunit kahit na ganito, Madalas na di tayo magkasundo, Ikaw lang ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko~

Pero hindi ko naman akalain na may gusto siya sakin ehh:) Swerte ba ko o malas?

Kahit na binabato mo ako ng kung ano ano ikaw parin ang gusto ko, Kahit na sinasampal mo ako't sinisipa't nasusugatan mo~

Siguro nga swerte ako sa kanya:)

Ikaw parin, Walang iba, Ang gusto kong makasama. Walang iba, Walang Iba~

Kyle: Wag mo ako masyado titigan strei baka Sagutin mo na agad ako niyan wala pa nga akong ginagawa, Kumanta lang ako dito ohh ~____^

Strei: *DUGDUGDUG* Ah.. ehh.. K-Kapal mo rin no! Ang p-panget nga ng boses mo ehh!

Ano nanamang nangyayari sa puso ko?

Kyle: Asus, Wag ka nang magdeny jan, Hatid na nga kita sa inyo may pasok pa tayo bukas.

Strei: Sige. 

Ayun Sumakay ulit kami sa Black motor niya, Ayun nilagay ulit ni Kyle yung kamay ko paikot sa kanya, Yung pahug? Bawat oras ninanamnam ko kapag kasama ko si Kyle 

Nang makarating na kami sa bahay,

Kyle: Sige, Good night na. Sunduin kita bukas ah para sabay na tayo sa University.

Strei: S-sige

*nagblush ata ako*

Kyle: Sige na baka mapagalitan ka 10:30pm na rin :)

Strei: Sige, Ingat ka Kyle (Sana Malapa ka ng aso sa kanto)

Kyle: bubulong ka lang yung rinig ko pa, Hindi ako papatalo sa aso no :p

Strei: Che! Sige na bukas nalang ulit :)

*At tuluyan na siyang Nakaalis*

Ano kayang mangyayari bukas? Paano kaya manilagaw si Kyle? Ang alam ko kasi yung mga babae pa ang nanliligaw sa kanya ehh?


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

5 VOTES NEXT UPDATE

5 COMMENTS

SPREAD!

-Cher 

F.Y.I. I'm Yours (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon