Strei's Point of view
*Tiiiiiing! (tunog ng alarm clock)
Ano ba yan, Parang kakatulog ko lang kagabi, nag alam agad? Nakakainis kasi si Kyle Louis ehh lakas ng trip kagabi.
*Flashback*
Play niyo yung KANTA -------------------------------------->
Well you done done me in, you bet I felt it~
I tried to be chill but you're so hot that I melted~
I fell right through the cracks, Now I'm trying to get back~
Matutulog na sana ako ng may tumatawag pala.
Pagtingin ko sa Phone ko, Si Kyle tumatawag.Me: HELLO?!
Kyle: (BAT MO KO SINISIGAWAN?! BAT ANG TAGAL MO SAGUTIN?!)
Me: Istorbo ka kasi! Bat ka ba tumatawag? MAtutulog na ko eh!
Kyle: (Nandito kasi ako sa labas ng bahay niyo! Labas ka nga sa kwarto mo!Nilalamok kaya ako dito!)
Me: Sino ba kasing may sabi sayo na pumunta ka dito? Bahala ka sa buhay mo! Sana madengue ka jan! *sabay baba ng Phone*
Ay, Hindi niyo pa pala kilala si Kyle sa buhay ko. Oo, Si Kyle Louis B. (Barro) Almazan. Minsan friend ko yan pero madalas enermy kami. Astig no? Kasi naman Bipolar ata yun ehh Inaaway ako lagi! Alangan namang magpatalo ako sa mga asar niya? PALABAN TO MGA FRE :))
Well you done done me in, you bet I felt i--
Hindi ko na tinapos yung ringtone ko. Ayun tumatawawag ulit si Kyle.
Me: Okay fine lalabas na!
Ang kulit ehh
Pag labas ko ng bahay namin, Ayun ang mokong, Nakasandal sa Black motor niya. Sabay abot niya sakin ng Helmet.
Me: Anong gagawin mo dito?
Kyle: Baka Susuotin yan no?
Me: K. *sabay suot ng Helmet*
Kyle: Ano? Sinuot mo yan tapos tatayo ka nalang jan? Uso Sumakay ng motor!
Me: Ha? Hindi pa ko nagpapaalam kila Mommy!
Kyle: Napaalam na kita kanina sa Kuya mo, Okay lang daw siya na magpapaalam sayo sa Mommy mo.
Me: HOY KYLE LOUIS BAKA KUNG SAAN MO LANG AKO DALHIN! GABI NA KAYA!
Kyle: Anong akala mo sakin? Kidnapper? Ang Gwapo naman ng Kidnapper mo kung nagkataon! Asa ka namang Kidnappin kita (Pasalamat ka jan may gusto ako sayo)
Me: Ano yung huli mong sinabi? Hindi ko narinig!
Kyle: Wala! Sumakay ka na nga langt!
At ayun sumakay na ko sa motor niya, Dun ako humawak sa may Likod ng motor? Basta hindi nakayakap sa kanya.
Kyle: Alam mo, Mahuhulog ka kung hindi ka nakayakap saakin. Ayaw mo nun? Mahahawakan mo yung Abs ko ng libre?
Me: HA? ASA KA ! ANG TAWAG JAN TYAN!
Bigla Huminto yung motor, Syempre tinabi niya sa gilid diba
Kyle: Ganito kasi yung tamang pagkapit *Sabay nilagay niya yung kamay ko payakap sa kanya, at nagpatulog sa paglalakbay*
Bat parang Uminit? Eh Ang lamig kaya dito
DUGDUGDUG-
Ano yun? Bat parang may sakit ako sa puso? Ano ba to? Wala naman akong Ashma ah? Whats the meaning of this?
Huminto na yung motor ni Kyle, Pagtingin ko, ang Cute ng Tree House! OMGG :)
Kyle: Akyat tayo sa Tree house?
Me: Sige.
Ayun, Inalalayan niya ako paakyat ng tree house. May ladder naman kaya madali kaming nakaakyat. Pagpasok namin sa loob. Nagulat ako, kasi may isang table with candles sa gitna, tapos nilibot ko yung mata ko, puro stolen pictures ko nakadikid sa bulletin board ba tawag dun? Tapos biglang may nag gitara, si Kyle pala.
Uso pa ba, ang Harana. Marahil ikaw ay nagtataka. Sino ba to? Mukhang Gwapo, Nagkandarapa sa pagkanta, At nagsisintunado sa kaba~
Kahit kelan talaga ang kapal ng lalaki na to! Gwapo daw?
Puno ang langit ng bituin, At kay lamig ba ng hangin. Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw at sa awitin kong ito, Sana'y maibigan mo. Ibubuhos ko ang buong puso ko. Sa isang munting Harana, Para sayo~
Kyle: Alam mo Strei, Una palang kitang nakita sa University, NaLove at first sight ata ako sayo nun ehh. Alam mo yun? Parang may SLOW MO? Tapos nung nagkakilala tayo, Parang may NAGFASTFORWARD naman? Alam ko naman na lagi kitang Inaasar. Kasi yun lang yung chance para mapansin mo ko. Ayun Effective naman pala. Lalo pa nga akong nahulog sayo. Minsan nga pinagseselos kita, Wala namang nangyayari. Siguro kasi wala kang gusto sakin. Pero ngayon, Pwede ba ligawan ni Kyle Louis Barro Almazan si Princess Jasmine Strei Matoguina Tan?
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
How was my story? Tuloy pa ba?
SPREAD
VOTE
COMMENTS
5 VOTES PARA SA NEXT UPDATE
-Cher
BINABASA MO ANG
F.Y.I. I'm Yours (ON GOING)
Fiksi RemajaThis story is not suitable for very young readers. Char. RomCom. Suddenly it's love.