Chapter 4

14 0 0
                                    

-4-

Philline Jade's P.O.V

Nakasimangot na tinaob ko ang mint green-colored Xiaomi Redmi Note 12 ko. Napabuntong-hininga ako at pinikit ang mga mata ko habang nakahiga sa kama namin ni Amiel. Nakakainis. Naramdaman niyo na ba yung feeling na gusto mo lang naman magpahinga dahil finally ay maluwag na ang schedule mo pero nakakita ka ng makakapagpa-bad mood sa 'yo? Gusto ko lang naman mag-scroll sa Facebook pero hindi ko inaasahang mayroong magpapakita sa newsfeed kong tagged photos ng asawa ko at ng isang bruha. Naka-two piece na plain red ang babae habang nakatago sa leeg ni Amiel ang mukha habang ang asawa ko naman ay naka-floral trunks habang nakatingin sa side na para bang side profile niya yung pinapakuhanan niya sa camera at nakapamulsa. Alam niyo pa yung nakakairita? Yung caption.

With my lauv. Yan ba naman ang bubungad sa 'kin. Inistalk ko ang profile ng nag-tag sa kanya dahil parang nickname lang ang nakalagay na pangalan at nalaman kong si Lexie Gwen Ancheta pala yun. Ang Dermatologist friend slash best friend niya sa College. Nasa beach sila ngayon at nagpapakasaya. Kaya pala tinanggihan niya ako kanina nang yayain ko siyang lumabas. Hindi niya man lang sinabi sa 'kin na nakabalik na pala ang bruha.

"Bwisit ka talaga, Amiel Gideon Song!" iritang sigaw ko at nagpapadyak pa.

Wala namang makakarinig kaya okay lang sumigaw kahit pa nakabukas ang pinto. Bwisit talaga, magsama sila ng bruhang yun at sana malunod na rin sila.

"At ano ang ginawa ko sa 'yong merlat (babae) ka?"

Nanlalaki ang mga matang lumingon ako sa nagsalita at nakita ko si Amiel na nakatayo sa nakasarang pinto na ngayon ng kwarto namin. Akala ko ba?

"Bakit ka nandito?" takang tanong ko, not answering his question.

Umirap naman siya at umupo sa kama namin habang nagtatanggal ng mga damit niya. Akala ko ba nasa beach siya at kasama ang bruhang yun pero bakit mukhang galing siya sa trabaho? Naka-polo shirt kasi siya na navy blue at black slacks.

"Pinagsasasabi mong bruha ka? Malamang, dito ang bahay ko at kwarto natin 'to." masungit na sagot niya.

"Akala ko ba eh nasa beach ka kasama si Lexie?" nagtatampong sabi ko.

Nilingon naman niya ako at kumunot ang noo niyang parang tinubuan ako ng isa pang ulo. Tanging boxer na lang ang suot niya kaya kitang-kita ko ang apat na pandesal niyang nagsusumigaw nang hawakan ko at ang umbok sa baba niyang nagsusumigaw nang isubo ko. Kung hindi lang ako naiinis at nagtatampo ngayon ay baka sinunggaban ko na siya.

"What are you talking about? Galing ako sa NWIE, Phi." sabi niya at tumabi sa 'kin.

"Yuck! Hindi ka ba maliligo man lang?" - ako

Duh, galing kaya siya sa labas. Mamaya eh kung anong sakit ang kumapit sa kanya edi parehas na kaming nagkasakit. Umirap naman siya bago ako yakapin.

"Arte mo." sabi niya.

Sumimangot naman ako.

"Akala ko talaga nasa beach ka kasama ng bruhang yun." sabi ko.

He chuckled and gave me a peck on the lips.

"Hindi ka talaga marunong mag-distinguish ano? Hindi mo ba napansing naka-bun ang buhok ko at may konting highlights na brown dun sa post? Isa pa, sasabihin ko naman sa 'yo kung nagbakasyon na siya rito dahil I want her to meet you. Selos ka kasi agad." pang-aasar niya.

Ako naman ang umirap. Pero medyo kinilig ako dahil gusto niyang ma-meet ako ng bruha. Magkaiba kasi ang pakiramdam kung sinabi niyang 'I want you to meet her' at sa sinabi niyang 'I want her to meet you'. Mas feel kong ako dapat talaga ang i-meet with the latter statement. Gets niyo ba or ako lang yung maarte talaga?

"Kapal! Ako magseselos? Duh, wala sa bukabularyo ko yun noh." pagdedeny ko.

Syempre, hindi natin pwedeng amining nagseselos tayo mga brad dahil aasarin lang ako ng baklang yan. He just chuckled again at mas hinigpitan ang yakap sa 'kin.

"Huwag ka nang magtampo. Kaya kita tinanggihan kanina ay dahil nga pumasok ako sa NWIE and sorry for that kasi hindi ko man lang naipaalam sa 'yo dahil nagmamadali na ako kanina. Kung ano-ano tuloy naisip mo sa nakita mo sa Facebook." - Amiel

Napangiti naman ako at sumiksik sa kanya.

"Forgiven. Basta treat mo ako ng dinner mamaya ah." sabi ko sa kanya.

"Sure." sabi naman niya.

"Idlip muna ako, 4:30 pm pa lang naman. Gisingin mo na lang ako ng mga 5:00 pm para makapag-prepare pa tayo." sabi niya.

"Okay!" sabi ko naman.

Hinalikan niya ako sa noo bago pumikit. Ang sweet, shet. Rinig na rinig ko ang malakas na pagtambol ng puso ko kaya sana ay hindi niya naririnig. Heart, kalma lang, okay? Pinagmasdan ko ang itsura niya. Who would have thought na magiging asawa ko ang isang Amiel Gideon Song? A half Filipino half-Korean guy who has a pale skin with a small face and a v-shaped jaw, has an ash brown colored hair in a wavy 4/6 parted Korean hairstyle, has straight eyebrows, has black monolid-shaped eyes, has a sharp nose, and has thin lips? Kapag nalaman niya kaya ang lahat, ganito pa rin kaya siya sa 'kin? Will he still be able to look at me without hatred and see me with genuineness? Kaya niya pa kayang tawagin ako sa pangalan ko?

Hinaplos ko ang pisngi niya. Ang gwapo niya talaga. Alam ko sa sarili kong mahal ko siya pero ayokong sabihin sa kanya. Ayokong pati nararamdaman ko ay hindi niya paniwalaan pagdating ng araw na malaman niya ang katotohanan. Hindi ko naman gustong magsinungaling sa kanya, namin, pero yun yung alam naming mas makakabuti sa kanya at mas makakapagpagaan sa nararamdaman niya kahit papaano. Hindi niya kasi alam kung anong pinagdaanan niya eh, kung paano rin kami naapektuhan.

Masakit mang isipin na wala siyang natatandaan ay wala akong magawa. Maybe I am being selfish for keeping him with me kasi alam kong kahit nasa akin siya, hindi ko naman hawak ang puso niya.

"Mahal kita, Amiel." bulong ko habang pinagmamasdan ang natutulog niyang mukha.

Matapang akong bumulong dahil alam kong tulog siya. Maybe someday I'll have enough courage and selflessness para sabihin sa kanya lahat. Pero ngayon, gusto ko munang i-take advantage ang pagiging walang alam niya. Although sana bago niya malaman ang lahat, mahal na rin niya ako para kahit papaano ay kaya niya akong patawarin. Tinignan ko ang orasan sa bedside table namin. 5:01 pm na pala.

"Hubs, gising na." sabi ko habang tinatapik-tapik ang kaliwang pisngi niya.

Nagmulat naman siya agad ng mga mata at tumitig sa 'kin.

"Bakit?" takang tanong ko.

Don't tell me narinig niya? Bigla naman akong kinabahan sa naisip at mas dumoble pa yun nang hindi siya umimik. Akmang magsasalita na ulit ako para magtanong pero sinakop niya na ang labi ko. Nakita kong napapikit siya kaya napapikit na rin ako.

Half asleep pa kaya 'tong baklang 'to?

_---_

A / N : Hello guys! Pasensya na at gabi na ako nakapag-update but I hope you still have time to read! NWIE (Never Will I Ever) is pronounced as en-we and ito yung casino-resort na pagmamay-ari nila Amiel Gideon and his friends. Malalaman niyo ang ibang details about dito sa susunod na chapters so stay tuned! Good night, sa Friday ulit! :) 

NEVER WILL I EVER 1: FALL IN LOVE WITH A MERLAT (Amiel Gideon Song)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon