Chapter 7

15 0 0
                                    

-7-

Amiel Gideon's P.O.V

Napatakip ako sa mga mata ko nang tumama ang sun rays mula sa nakabukas na bintana. Kinapa-kapa ko ang tabi ko para sana mahila si Phi. Nakasanayan ko na kasi siyang niyayakap at hinahalikan kapag nagigising ako. Napakunot-noo ako nang wala akong makapang katawan kaya tuluyan na akong nagmulat ng mga mata.

"Nasaan kaya ang merlat (babae) na yun?" tanong ko sa sarili ko nang tanging kumot lang ang nakita ko sa tabi ko.

I checked the clock on our bedside table at nakitang 11:00 am na pala ng umaga. Baka nagluluto. Buti na lang at walang pasok ang mga estudyante ngayon dahil Linggo at nag-leave rin ako sa NWIE. Kahit si Phi ay walang pasok sa pinag-oOJThan niya at pati na rin sa part-time job niya.

Inayos ko na ang higaan namin at naghanap ng masusuot. Naligo na muna ako bago ako lumabas para hanapin si Phi. Napailing na lang ako nang makita siyang naka-Indian seat at kumakain ng popcorn habang nanunuod ng Queen of Tears sa Smart TV namin. Dahan-dahan ko siyang nilapitan para gulatin sana kaso hindi ko na tinuloy dahil narinig kong sumisinghot-singhot siya.

"Good morning." bati ko at binigyan siya ng good morning kiss sa labi.

"Walang good sa morning." nakasimangot na sabi naman niya habang sumisinghot pa rin.

Napailing na lang ako.

"Why are you crying?" takang tanong ko nang tabihan ko siya.

"Kasalanan ng Kdrama na yan! *sobs* Ang sarap nilang pag-untuging mag-asawa." sagot naman niya.

I chuckled. What a silly woman. Ang alam ko yan yung Kdrama na trending ngayon sa Facebook eh.

"Have you eaten?" tanong ko.

Tumango naman siya.

"Nasa lamesa yung sa 'yo. Kumain ka na dun." pagtataboy niya sa 'kin.

Ngumisi naman ako at sumiksik sa kanya.

"Naleul meonjeo an-ajwo. (give me my hug first) Wala ka sa tabi ko nang magising ako." nagtatampong sabi ko.

Umirap naman siya. Ano bang meron sa babaeng 'to ngayon at parang ang sungit?

"Ayoko nga! Ang baho mo, hubs. Doon ka nga!" naiiritang sabi niya.

"W-What!?" nautal ko namang sabi.

Lumayo ako sa kanya at inamoy-amoy ang sarili ko. Mabango naman ako ah?

"Katatapos ko lang maligo ah. Hindi rin naman ako nagpabango." sabi ko.

"Ah basta huwag kang tumabi sa 'kin hangga't ganyan ang amoy mo." sabi naman niya.

"Tsk." sabi ko na lang at tumayo na.

Makakain na nga. Paalis na ako nang hawakan niya ang right wrist ko.

"What?" naiinis na tanong ko.

Nakita ko namang parang nagtubig ang mga mata niya. What the?

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

Kumunot-noo naman ako.

"You told me I smell bad at huwag akong tatabi sa 'yo hangga't ganun ang amoy ko. Since hindi ko naman maamoy ang sinasabi mo because I just had my shower at hindi rin naman ako nagpabango, kakain na lang ako. Kaimbyerna kang merlat (babae) ka." sagot ko.

Tumahimik naman siya at binitawan na ako. Mas lalo akong nainis nang wala siyang sinabi and just continued watching kaya tuluyan na akong umalis para kumain. Nang marating ko ang dining table ay umupo ako sa upuang nakatalikod sa kanya para hindi ko siya makita. I don't know what's wrong with her pero naiinis ako dahil hindi ko siya maintindihan. Hindi kaya nabagok ang ulo niya kanina habang natutulog ako?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NEVER WILL I EVER 1: FALL IN LOVE WITH A MERLAT (Amiel Gideon Song)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon