Chapter 1

5 0 0
                                    

Anxious

“Huy, kanina ka pa tulala jan ahh? Sino na naman bang iniisip mo?”

Napailing na lang ako't napahalakhak sa tinuran ni Serene. Kanina pa pala ako nakatingin sa kawalan kaya hindi ko narinig ang ibinigay na instructions ng aming professor for our final term project.

A week has passed simula noong binisita ko si Mama and it still bothers me kung kaninong panyo 'yung napunta sa 'kin.

Sa dinami-rami ng lugar na pwedeng lumanding, sa mukha ko pa. And how do I even return that to its owner? Baka mamaya mapagkamalan pa akong stalker ng kung sino. Mukhang mamahalin pa naman dahil sa lambot ng tela.

I breathed heavily and fixed my composure. I don't want to let these thoughts distract me lalo na't nasa loob ako ng campus.

“So, what are your plans this weekend?” asked Braxton.

Nasa bench kami ngayon habang hinihintay ang susunod naming klase.

“As usual, mags-stay sa bahay. Ano pa nga ba?” Umirap si Serene na tinigil muna ang pagsusulat.

Tumango ako sa tinuran ni Serene. Bukod sa tinambakan kami ng school works, eh kailangan na naming maghanda para sa final exam namin. Hindi pa naman ‘to katulad ng high school na kahit magliwaliw ka eh makakapasa ka.

College is a lot different from high school. Kung noon may time pa kami for trips, ngayon puspusan na talaga. Ni pahinga man lang ay parang pagdadamutan ka. Talagang nakakapanibago.

“Bakit di natin subukan 'yung bagong bukas na resort malapit sa amin? Paniguradong mag-e-enjoy tayo roon,” Braxton said enthusiastically.

He even showed us some pictures of that resort at hindi nga maikakailang maganda ito. It's definitely worth a shot.

“Magtigil ka nga, Brax. We still have lots of works to do. Kung ayaw mong pumasa, bahala ka,” turan ni Sophia.

“Come on guys. Don't be such a kill joy. Bahala kayo...balita ko marami raw gwapong nagsisipunta roon,” si Braxton na ngayon ay nakangisi.

“Chicks kamo ang habol mo roon. Idamay mo pa kami sa kabulastugan mo.” Serene rolled her eyes and flipped the page of her notepad.

Braxton just massaged his temples and chuckled in defeat. In our circle, siya talaga halos ang nag-i-initiate ng mga trips namin. Hindi pwedeng hindi kami magsama-sama dahil minsan lang kami mag-bonding because of our busy schedules. At saka, sa kaniya rin naman halos ang gastos tutal siya rin naman daw ang nag-imbita. Madalas na rin siyang pagbawalan ng iba pa naming friends sa cirle dahil kung makagastos, dinaig pa ang anak ni Manny Pacquiao.

“What do you think, Clyde?” Si Braxton na inakbayan ako.

“I'm cool with it,” tugon ko habang patuloy ang pagbabasa.

Damn. Walang pumapasok sa isip ko.

Tama na rin siguro na magpalamig muna kami bago ang papalapit na exam. Kahit puspusan na sa college, we should not forget that we must still enjoy our lives.

Hinampas ni Sophia ang nakapatong kamay ni Braxton sa aking balikat at minata ito.

“Idadamay mo pa talaga 'tong si Clyde sa kalokohan mo, Brax,” she hissed.

“Buti nga 'tong si Clyde, g lang. Kayo lang naman ‘tong oa at kj. What a combination!” natatawang saad ni Brax.

Napailing na lang ako sa bangayan nilang dinaig pa ang mga batang nagtatalo sa candy. Itinuon ko na lang ang aking pansin sa binabasa kong libro para magmukha akong matinong estudyante kahit na wala naman talagang pumapasok sa utak ko.

Beyond the StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon