Keep
"R-Ryker..." nabasag ang boses ko. My mind was clouded. Di ko alam ang gagawin para lang humupa ang galit niya.
I swallowed hard. Kumawala sa sulok ng mga mata ko ang butil ng luha. Sobrang sakit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Ano mang oras ay mababali ako kung mas lalo pa niyang hihigpitan.
Fuck. Di na ako nadala. Di ako natuto. Kasalanan ko na naman. The pain... the suffering... I deserved it... I deserved all of it.
"Ryker... please... nasasaktan ako," muli kong pagsusumamo sa kaniya.
My legs wobbled when he loosened his grip. Nanghina ako. Gusto kong umiyak. Gusto kong magalit sa kaniya. Pero di naman 'to mangyayari kung hindi dahil sa 'kin, kung hindi ko siya nilapitan. It's my fucking fault!
"I'm sorry," he said, trembling.
He crouched so that he could level me. He then brushed the tears that rushed in the corner of my eye. Di ko na napigilan. Inilabas ko ang lahat sa pag-iyak. I've hurt so much.
"Di ko... sinasadya," malumanay pa niyang saad.
He held my wrist and examined it. The redness is noticeable because of my pale skin. Bumakas ang pagkakahawak niya. I groaned when he tried to squeeze it.
"Does it hurt?"
"Hindi," pagsisinungaling ko.
I bit my lower lip. Malamang, masakit iyon. His strength is twice as mine. Anong laban ng patpatin kong katawan sa maskulado niyang katawan? Damn.
He didn't buy it. He opened the car door, para doon sa loob maupo. I'm about to refuse his offer when he guides me in.
"You don't have to do this."
Hindi niya ako pinansin, bagkus ay ipinagpag pa ang puting pants kong nalagyan ng buhangin dahil sa pagkakaluhod.
I faintly looked at him. He's calm now, seryosong tinititigan ang palapulsuhan ko. The fire in his eyes doesn't ignite anymore. Bagkus ay napalitan na ng pag-aalala.
That gaze, that concern in his eyes. Suddenly, I saw a glimpse of my Mama. Like how he treated my wounds, and how he cared for me when I got hurt. I look like a helpless child. Walang ibang magawa kundi palisin ang mga namumuong luha sa mga mata ko.
"Just stay there. Bibili lang ako ng yelo. Mabilis lang," aniya.
"Hindi na, ayos lang ako."
"Just stay there," muli niyang saad bago ako iniwan sa loob ng kotse.
I watched him go until he disappeared from my sight. Suminghap ako at pagod na sumandal. His car smells earthy, as it's his usual scent. It screams calmness, like the smell of a forest after a rain. Pinakalma ako ng halimuyak na iyon.
Humikab ako. Namumungay ang mga mata. It's been minutes since he told me to buy an ice, pero hanggang ngayon wala pa rin siya. Mukhang malayu-layo ang pinagbilhan niya kaya siguro natagalan, o di kaya'y naubusan na ng yelo.
Frankly speaking, it doesn't hurt anymore. I wanna seize the opportunity to leave him but I don't want his efforts to be put in vain. Mukhang hindi niya talaga sinasadya ang nangyari dahil mukhang nagpalamon lang ito sa emosyon niya. Kung meron mang sisisihin sa aming dalawa, I know that it's my fault.
Bumagsak ako. Hindi na napigilan ang antok na nararamdaman. Isinandal ko ang aking ulo sa bintana ng kotse habang ang mga kamay ay tamad na naka-laglag.
That was the first time I took a nap with tranquility. Hindi ako binagabag ng mga iniisip ko. It was pure serenity. Tila nakahiga ako sa gitna ng kagubatan.
BINABASA MO ANG
Beyond the Storm
RomanceDeath is inevitable. Death is our final destination. This is how our chapter ends. Clarence Hyde Rovano, a freshman student, once lost a loved one. Inang nag-aruga sa kaniya mula pagkabata. Ang kaniyang pagkawala ay nagdulot ng delubyo sa buhay ni C...