Chapter 9

0 0 0
                                    

Doomed

It's been days since our final exam. Talagang nakakapagod, nakaka-drain. Mabuti na lang at nalagpasan na namin iyon.

Hindi ko pinutol ang koneksiyon ko kay Nicole. We're still friends after Ryker confronted me. Hindi ako naniniwala sa mga paratang niyang nakakatakot nga si Damien. Besides, alam kong maiintindihan naman niya na walang mali sa pakikipagkaibigan namin ng kapatid niya.

Itinatak ko na lang sa utak ko na Damien is just protecting his younger sister's heart. And for the record, wala akong masamang intensiyon sa kapatid niya. Pero kahit na ilang beses kong ipaliwanag sa kaniya na there's nothing more between our friendship, mas paninindigan pa rin yata niya ang paniniwala niyang mayroon nga kaming relasyong dalawa.

Ang pinagtataka ko lang, kung bakit ganoon na lang ang tingin ni Ryker kay Damien gayong magkaibigan naman sila. At alam ko namang hindi ugali ni Ryker ang magsinungaling. Should I follow what Ryker told me and sacrifice my friendship with Nicole? Or should I stand by my beliefs and hold our precious friendship with her?

"Oh my gosh! Ang gu-gwapo nila!!!" utas ni Sophia nang makita ang banda na nag-aayos sa stage. Hindi pa man nagsisimula ang musika ay malakas na ang hiyaw nito.

Nasa resto bar kami ngayon kasama ang mga kaibigan ko. To keep me from distracted, sumama na agad ako sa kanila nang mag-aya sila na manood ng gig. Ic-celebrate daw kasi ang pagtatapos ng aming final exam.

Finally! Wala nang iisiping projects and exams. Wala nang dahilan upang ma-stress pa kami. We really deserve to have fun tonight!

"Wait, sagutin ko lang 'to," saad ko nang mag-ring ang phone ko.

Umangat ako at saka naghanap ng tahimik na lugar.

"Clyde, free ka ba tonight?" si Nicole na nasa kabilang linya.

"Sorry, I can't right now. I'm with my friends."

Sinulyapan ko ang mga babae kong kaibigan sa table namin na masayang nagk-kwentuhan. Nagtatawanan sila habang si Sophia at Chelsea ay nakatukod ang tingin sa mga lalaking inaayos ang set-up ng instruments sa stage.

Narinig ko ang pagsinghap ni Nicole sa kabilang linya. I can feel the disappointment with her face kahit na hindi ko siya kita.

"Sayang naman. Wala kasi si Kuya sa bahay. I'm scared lalo na't ako lang mag-isa rito."

"Magpapaalam na lang muna ako sa mga friends ko. Puntahan kita diyan to accompany you."

"No! Wag na, Clyde! You should have fun with your friends. Baka sabihin pa nila, kinukuha ko ang oras mo. At saka, minsan lang naman 'yan kaya sulitin mo na."

"Sure ka bang magiging ayos ka lang diyan?"

"Yep, manonood na lang ako ng Netflix dito sa kwarto."

"Sige, make sure n-"

"Clyde! Magsisimula na sila! Dalian mo!"

Napalingon ako nang tawagin ako ni Sophia. Kahit na maraming tao ay dinig pa rin ang lakas ng boses niya.

"Osiya! Hinahanap ka na diyan, Clyde. Ibababa ko na ang tawag. Have fun there!"

"Thank you!"

Nang matapos ang tawag ay bumalik na ako sa lamesa namin. Hindi pa naman nagsisimula ang tugtugan dahil tine-testing pa lang nila ang bawat instrumento.

Apat silang naroon sa stage. Hindi sa panj-judge pero they all look tired and lifeless. I assume na marami silang in-attend-an na gig kaya ganito sila kapagod.

"Ang balita ko lima raw sila dati. Ang kaso, biglang nawala 'yung isa. Hindi na natagpuan." si Diantha na nilakasan ang boses para marinig namin, masyado kasing maingay dahil sa pinagsamang ingay ng mga tao at tunog ng instrumento.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beyond the StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon