Prologue

59 24 0
                                    

Dali-dali akong umakyat sa second floor ng bahay namin nang may marinig akong ingay na parang may nag-aaway.

Pagdating ko sa taas, hinanap ko kung saan nanggagaling ang tunog at agad ko iyong pinuntahan.

"Dad! Dad!" tawag ko kay Daddy nang marinig kong sa office niya nanggagaling ang tunog. Kumatok ako nang kumatok sa pinto ng office ni Daddy pero walang sumasagot. Nakalock rin ang pinto kaya hindi ko ito mabuksan. Tuloy pa rin ang mga ingay at lagabog na naririnig ko mula sa loob.

"Dad! Are you there? Dad!" sigaw ko habang pilit na binubuksan ang pinto.

"Dad! Daddy, what's happening? Dad!" tawag ko sa kanya, patuloy pa rin sa pagkatok ko sa pinto.

Habang patagal nang patagal, lalong lumalakas ang kalabog at ingay na nagmumula sa loob kaya nataranta na ako at sinipa ang pinto ngunit hindi pa rin ito mabuksan. Ilang beses kong sinubukan na buksan ang pinto at paulit-ulit na tinawag si Daddy pero wala pa ring sagot.

Pagkalipas ng ilang segundo, natigil ang ingay at nawala ang kalabog na nagmumula sa loob ng office ni Daddy. Sinubukan ko ulit sipain ang pinto. Nabuksan ito at bumungad sa akin ang gulo-gulo at tila dinaanan ng bagyo ang office ni Daddy. Walang tao roon, sarado rin ang bintana.

Nagmasid-masid ako sa paligid at may nakita akong kapirasong papel na nakapatong sa desk ni Daddy kung saan niya palaging nilalagay ang mga manuscript niya.

Pagtingin ko roon, wala ang manuscript ni Daddy. Kaya kinuha ko ang papel at binasa.

'Wanna know where he is?
Wanna know who I am?
Play with me.

He loathes me for what I did,
I hate him for what he can do.
The manuscript is missing,
You need to keep finding.

The manuscript contains a secret,
That can find who's the culprit.
You should look for that manuscript
To know how this begins.

I'm the missing manuscript.
I'm the untold story.
Let history repeat itself,
Or I will repeat it myself.'

Matapos mabasa ang nakasulat sa papel, ang daming naglalarong katanungan sa isip ko.

'Who is she? Where's Daddy? What's with the cryptic manuscript? Why did it suddenly vanish? What secret lies in that manuscript?'












The Missing Manuscript Where stories live. Discover now