Chapter 2: The Mysterious case of Pasiphaie Alfaro

34 15 0
                                    

Shlyndrea's POV

Alas-kwatro na kami nakauwi sa apartment, kaya pagdating ay pagod na naupo si Zyir sa sofa. Ako naman ay naghanda ng makakain at inilabas ko rin ang notebook, cellphone, at mga papel na nakuha namin sa mansion ng mga Nava. Inilabas ko na rin ang manuscript para masuri ito at malaman namin ang nilalaman nito.

"Give me the manuscript. I'll be in charge of that, and you handle all the data you gathered on Steven. That dude is really suspicious," saad niya at kinuha ang manuscript. Pumasok siya sa kwarto niya dala ang manuscript at ang kape at tinapay na inihanda ko.

Pag-alis niya ay pinakinggan ko nang ilang ulit ang mga recordings at binasa ang mga notes ko. Ilang ulit ko rin binasa ang mga mensahe sa misteryosong papel. Iisa lamang ang sinasabi ng mga ito: na nasa manuscript ang sagot sa mga katanungan namin. Ngunit ang problema ay hindi buo ang manuscript na hawak namin. Paano kung nasa nawawalang bahagi ng manuscript nakalagay ang importanteng impormasyon na kailangan namin?

Napabuntong-hininga na lamang ako at humigop ng kape nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Arci, schoolmate namin. Isinantabi ko muna ang ginagawa at sinagot ang tawag.

"Shlyndrea?"

"Yes?"

"Hindi ka kasi nagsi-seen sa GC natin, so I expect na hindi ka pa naiinform about sa pinagusapan kanina."

"Ah, oo eh. Busy ako kanina kaya hindi pa ako nakakapagbukas ng socials ko."

"So ayun nga, may report daw tayo sa Reading and Writing. Wala pa kasi akong kagrupo kaya kung pwede, grupo tayo?"

"Ilang member ba ang kailangan sa isang grupo?"

"Apat. Kagrupo ko na si Chance kaya kulang pa kami ng dalawa."

Sasagot na sana ako nang biglang lumabas ng kwarto si Zyir kaya napatingin ako sa kanya.

"May kagrupo ka na ba sa Reading and Writing?" Mahina kong tanong sa kanya para hindi kami marinig ni Arci. Hindi kasi nila alam na nakatira kami sa iisang apartment. Ayaw din namin ng issue kaya nilihim namin. Medyo famous din kasi sa school itong si Zyir kaya pag may nakaalam, sigurado na iisipin nila na may relasyon kami.

"Kaya ako lumabas dito para iinform ka na may report. Alam mo na pala, at para din sabihin sa'yo na tayo na lang ang magkagrupo," mahina niyang sagot.

"Okay, kagrupo ka na namin nina Arci at Chance, ha," saad ko sa kanya. Tumango lang siya at bumalik na sa kwarto niya.

"Hello, Shlyndrea, andiyan ka pa ba?"

"Ah, oo, pasensya na. Sige, isama na rin natin si Zyir sa grupo natin para kompleto na tayo."

"Pumayag na si Zyir?"

"Ah, oo. Sige, may gagawin pa kasi ako eh."

"Okay, sige. Seen ka na lang sa GC natin para alam mo kung ano ang project natin. Bye, Shlyndrea, thank you."

Binaba ko na ang tawag, napatingin ako sa orasan sa cellphone ko at napagtantong hapon na pala. Nagsaing na ako ng kanin na sapat para sa aming dalawa at nagluto ng ulam. Niluto ko na lang kung ano ang nasa ref namin. Kakaunti na nga ang stock namin kaya kailangan na mag-grocery. Tamang-tama, bukas pagkagaling sa mansion ay didiretso na kami sa palengke para mag-grocery.

Pagkalipas ng ilang minuto ay tapos na akong magluto kaya tinawag ko na si Zyir sa kwarto niya para kumain. Tahimik kaming kumain at nang matapos kumain ay nagpresenta si Zyir na siya na ang maghuhugas kaya dumiretso na ako sa sala at naupo sa sofa.

The Missing Manuscript Where stories live. Discover now