Zyir Flynn's POV
Andito kami ngayon sa bahay ng classmate namin na si Arci. Shy said Arci knows something about this girl named Pasiphae. We really need to solve this case fast because the culprit just gave us a week to solve it. As of now, we still don't have any leads on who the heck that culprit is.
"Hoy, Z!" tawag sakin ni Shy kaya napalingon ako sa kanya.
"Hmm?"
"Kanina pa kita tinatawag, tulala ka d'yan," nakakunot-noong saad niya. She really loves puckering her eyebrows.
"Oh, sorry. I'm just thinking about something," walang emosyon kong saad.
"Ano namang iniisip mo?" kuriyosong tanong niya habang nakakunot pa rin ang noo.
"Nothing, Shy. Let's go inside," saad ko at mahina siyang tinulak papasok sa bahay nina Arci.
Pagpasok namin sa bahay nina Arci, naabutan namin siyang naglalapag ng meryenda sa lamesa sa kanilang sala. Nandun din si Chance, nakaupo sa sofa. Naupo na rin kami ni Shy para mapag-usapan ang aming project at ang totoo naming pakay dito.
"So paano ang gagawin natin?" tanong ni Arci. Kumuha ako ng dalawang cupcake sa inihain ni Arci at inabot ang isa kay Shy. Tinanggap naman niya ito at nagpaabot pa ng juice. Agad ko siyang pinagsalin ng juice at inabot sa kanya.
"Ehem."
Nabaling ang atensyon ko kay Chance nang bigla siyang tumikhim.
"Kayo na bang dalawa?" kuriyosong tanong ni Chance at tiningnan kaming dalawa ni Shy na tila sinusuri ang reaksyon namin.
"We are just friends," maikli at walang emosyon kong saad.
"True. Friends lang kami noh, issue ka, Chance ha," sagot naman ni Shy at pabirong hinampas sa braso si Chance.
"Ang close nyo kasi sa isa't isa. Kaya akala ko kayo na," sagot ni Chance.
"Oo nga, alam naman natin na introvert itong si Zyir, kaya nagtaka kami na close kayo sa isa't isa. Itong si Shlyn naman eh hindi rin masyadong kaclose sa school," paliwanag ni Arci.
"Ang issue nyo talaga, maggawa na lang tayo ng project natin," saad ni Shy.
"Iniiba mo ang topic eh," maktol ni Arci.
"May chance ba na naging kayo?" biglang tanong ni Chance na palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
"Anong klaseng tanong yan," kunot-noong saad ni Shy at sinamaan ng tingin si Chance.
"Yes," maikling saad ko at humigop ng juice mula sa baso ko.
"Yieee kayo ha!" kinikilig na panunukso ni Arci.
"Yes, I mean. I'm a guy and she is a girl. Lahat naman pwedeng magustuhan eh. Depende lang kung kanino ka tatamaan," walang ganang saad ko.
"Tatamaan, tatamaan, kayo ang tatamaan sakin d'yan," saad ni Shy at inirapan pa sina Arci at Chance kaya napatawa ang dalawa. "Mag-gawa na lang tayo ng project, hindi yung puro kayo chismis d'yan."
Shylndrea's POV
"Btw, Chance, do you know Pasiphaie Alfaro? Parang narinig ko kasi yung name na yun nung nagkukwentuhan tayo nina Arci dati," saad ko at tinignan sa mata si Chance.
"Ahh, si Pasiphaie. Grabe nangyari dun no, ang brutal," saad ni Arci.
What! Ibig sabihin ang kwento ni Pasiphae ay hindi isang kwento lang? Totoong nangyari ito? Nagtaasan ang balahibo ko sa nalaman.
Nagkatinginan kami ni Z dahil sa sinabi ni Arci, pareho kami ng iniisip. "What happened to her?" tanong ni Zyir.
"Wala pa nga pala kayo dito dati nung nangyari yun. Si Pasiphaie Alfaro ay namatay 4 years ago. Pinatay siya, bigla na lang siyang nawala nun at after ilang days natagpuan ang katawan niya sa cemetery," paliwanag ni Arci.
YOU ARE READING
The Missing Manuscript
Mystery / ThrillerCryptic Conundrum Series 1 In an isolated mansion, a famous author disappears under mysterious circumstances after completing his latest manuscript. Someone leaves a number of cryptic clues behind. The protagonist, who is an aspiring detective, unde...