Napako na sa isip ko na kadiliman ang tanging naghihintay sa kamatayan ng isang tao, walang hanggang kadiliman.
Wala na si Ya'el nang magising ako. Sigurado akong umaga na ngunit kadiliman pa rin ang naghahari sa loob ng kweba. Kung hindi nga lang sa huni ng mga ibon at marahang pagagos ng tubig sa kalapit na ilog ay iisipin kong nasa kabilang buhay na ako at tuluyang nilamon ng kadiliman, kadilimang nasasadlak sa takot at kawalan ng pagasa. Tila walang magandang bagay sa pamamayapa.
Tuluyan akong bumangon at lumabas ng kweba. Tumambad sa akin ang kagandahan ng inang kalikasan, katahimikang binali ng kaluskos ng mga sanga at dahon, ng marahang pagagos ng tubig sa ilog, ng masasayang huni ng mga ibon. Kapayapaang madarama sa bawat hayop sa kagubatan, nasa himpapawid man, sa kasukalan ng gubat o sa kailaliman ng ilog. Buhay na makikita mo sa matingkad na berdeng mga dahon ng mga puno at halaman. Mabibighani ka sa pagkinang ng asul na ilog na nasisinagan ng araw. Animo'y nakikipagusap sa iyo ang kalikasan at sinasabi nitong isang masamang panaginip ang realidad at katotohanan.
Nagbibigay man ang kagandahan ng kalikasan ng panandaliang pagasa di pa rin nito tuluyang mabubura sa isip ko ang katotohanang hindi na ligtas ang mundo para sa mga tao o marahil hindi na ligtas ang mga tao para sa mundo. Nakakatawang isipin na ang dahilan ng lahat ng ito ay ang mismong kasakiman ng tao. Na isang katangian lamang ng tao ang sisira sa mundong ilang libong siglo nilang pinaghirapang buuhin. Maraming bagay ang naidulot ng kasakiman ng tao at isa sa pinakamasamang bagay na naidulot nito ay ang digmaan. Digmaang kumitil sa napakaraming buhay, Digmaang bumali sa matagal na iningatang kapayapaan. Ang mga masasaganang bayan ngayon'y mga kapangaran. Karamihan sa mga matatarik na gusali noon ngayon'y bundok ng mga basura at guho. Tila nakalibing sa mga kapangaran ang masayang nakaraan ng mga tao. Kasabay ng kritikal na lebel ng polusyon at radyasyon na tuluyan pang nagpahirap sa mga tao ang pagkagutom, krimen, Epidemya at tuluyang pagkalipol. Sa mundong kinabibilangan ko tila nasa ibabaw ang impyerno.
Isang malamig na ihip ng hangin ang muling nagbalik sa akin sa mundong kinabibilangan ko. Nakakatuwa lang dahil pilit pa ring pinadadama ng kalikasan kung ano ang natitira nitong kagandahan sa akin sa kabilamg dako narito ako at isinasaisip ang masasaklap na naganap sa nakalipas na mga taon.
Napangiti ako. Ngiting ako lamang ang nakakaintindi ng ibig sabihin, ngiting tila nagsasabing isang masamang panaginip lamang ang katotohanan. Katotohanang tuluyan nang nawawasak ang daigdig at ang masaklap kasama ang sanlibutan sa pagkawasak nito.
Itinuon ko sa langit ang aking mga mata. Sa asul at malawak na kalangitan. Kung tatanawin mo mula rito masasabi mong napakaganda ng mundong kinabibilangan ko. Minsan, maging ako ay naniniwala sa kasinungalingang iyon pero sa oras na maaalala ko ang nagaganap na unti-unting pagkalipol ng mga tao at ang pakikipagugnayan sa mga Cols bumabalik ako sa kinatatayuan ko na animoy ibon na mataas ang lipad at biglang nabalian ng papak na bumubulusok sa pagbagsak sa lupa. Napakapait ng katotohanan.
Nagtungo ako sa tabi ng ilog upang maghilamos. Napakalinaw ng tubig animo'y salamin at nakatitig sakin ang sarili kong repleksyon. Tuluyan lang akong nagising ng marahang dumampi ang malamig na tubig sa aking mukha at saka ko lang naalala na wala si Ya'el. Naninibago ako dahil nitong mga nakaraang linggo ay napapadalas ang pag-alis nya ng hindi man lamang nagpapaalam gayong palagi nya akong kasama sa mga lakad nya na madalas ay pangangalap ng balita at pagbili ng supply mula sa mga karatig na bayan. Pakiramdam ko ay may tinatago sya sa akin. Gayunman mukhang hindi lang ako ang mayroong sikreto.
Alam kong nahihirapan na si Ya'el, Sa pananatiling naming ligtas mula sa peligro ng tuluyang nawawasak na mundo, Sa lalong tumitinding karahasan ng mga tao, sa bantang dulot ng cols. At ang makitang nahihirapan si Ya'el ay napakabigat para sa akin kung kaya't kailangan ko nang isagawa ang aking mga plano, Para kay Ya'el at para na rin sa sarili ko. Kailangan ko nang kumilos.
--------------
Alam ko pong medyo bitin pero masyado na kasing matagal na stucked tong chapter na to sa drafts ko kaya kelangan ko na syang ipublish para naman makatuloy na yung daloy ng storya. Lels sorry for be ing a shitty writer ! Anyway, Do vote and comment. I want to hear your reviews and please do add my,
FB: Ian Payatot
Twitter: IAmNobody003
IG: Ian PayatotThanks Guys ! Lebye

BINABASA MO ANG
The World We Know
Science FictionSino ba ang magaakala na ang kasakiman ng mga tao ang syang magiging dahilan ng pagwawakas ng mundo. At ang karunungan at kapangyarihang inaasam natin ay ang syang magiging dahilan ng pagkalipol ng sanlibutan. Limang taon matapos magkaroon ng...