Chapter 1

143 7 4
                                    

Hindi mo mamamalayan ang pagdaloy ng oras. Kailan man hindi mo mapipigilan ang pagbabago sa iyong paligid. Ang dating masiglang sibilisasyon ngayon'y nabubulok at walang buhay. Ang dating kapayapaan ay pinawi ng kasakiman. Naging gahaman ang tao sa paghahangad ng kapangyarihan. Nagpapatotoo lamang ito na hindi tayo nakukuntento sa kung anong meron tayo.

Natahimik ang lahat ng tuluyang gumuho ang natitirang parte ng  gusali sa di kalayuan. Araw-araw tuluyang nawawasak ang mundo. Ramdam ang tensyon sa dagat ng di magkamayaw na tao masasaksihan ang takot sa kanilang mga mukha. unti-unti silang nauubos tila mga laggam na nagsisimadaling magsipagbalikan sa kani-kanilang mga lungga. Animo'y isang malakas na ulan ang paparating. Naghahangad ang bawat isa ng kaligtasan. Nakakatawa lang isipin na kamakailan lang kapangyarihan ang kanilang hinahangad at ngayong nakita na nila ang nagawa ng kanilang pagkagahaman napalitan iyon ng kaligtasan. kahit kailan hindi makukuntento ang mga tao.

Marahil may katapusan ang lahat ng bagay sa mundo gaya ng kapayapaang kinamulatan ko. Ilang taon mula ng magkaroon ng ugnayan ang mga tao sa mga nilalang mula sa kalawakan, mga nilalang na kung tawagin ay Children of the light o Cols. At ito na ang sanlibutan na tila nagaantay na lamang ng huling hatol mula sa mga banyaga. Mga nilalang na nangako ng kapangyarihan at karunungan, tunay ngang mas matanda sila sa atin ng ilang daang taon dahil alam nila kung paano tayo paglalaruan. Alam nilang gahaman at sakim ang mga tao lalo na pagdating sa kapangyarihan. Ang mga tao mismo ang naging dahilan kung bakit ngayon'y nasa bingit ng katapusan ang mundo. Kapwa binigo ng kani-kanilang kasakiman, Ang tao mismo ang gumawa ng sarili nilang libingan.

Kasabay ng tuluyang pagguho ng gusali ang unti-unting paglubog ng araw sa kanluran. Isa na namang araw ang nagdaan na tanging takot ang namamayani sa puso ng sangkatauhan. Takot na dulot ng sarili nilang kasakiman. Sa mundong kinabibilangan ko ang Diyos ay tila isang kathang-isip, siglo na ang nakararaan ng tuluyang talikuran ng tao ang pananampalataya. Tila isang alamat ang Langit na dapat sana'y santwaryo ng mga namayapa. Tila nawalan ng gabay na marahil ay isa rin sa mga dahilan kung kaya't napipiit ang sangkatauhan sa katapusan.

Nang magkaroon ng ugnayan ang mga tao sa mga nilalang mula kalawakan, may bagay na ninanais ang mga ito,kapalit ng bagay na ito ay ang pangako ng karunungan at kapangyarihan. Isang pangako na nagdala ng impyerno sa mundo. Unti-unting nabali ang mga ugnayan sa pagitan ng mga bansa na napakatagal nilang iningatan, ang bawat isa ay nagnanais na masarili ang nakaabang na ganting pala. Nagpatuloy ang kasakiman ng mga tao hanggang sa isang napakalaking digmaang pandaigdig ang nasimulan. Tao sa tao ang nagpapatayan habang pinapanood ng mga Cols ang kanilang kahangalan. Ang tanging nasa isip ng bawat isa ay ang inaasam na kapangyarihan. Bawat araw na nagdadaan libo-libo ang namamatay, Sa mundong kinabibilangan ko tanging malakas ang nabubuhay.

Nagbalik ako sa kinatatayuan ko ng kabigin ni Ya'el ang aking braso. Ang kaninang dagat ng tao ay tuluyan ng naglaho kasabay nito ang paglamon ng katahimikan at kadiliman sa buong paligid ngunit higit sa lahat nababalot ito ng takot at panganib.

"Kailangan na nating bumalik!" hawak ni Ya'el ang braso ko. mahina ang pagkakabigkas ng bawat salita ngunit malinaw ang ibig nyang sabihin.

Limang taon na ang nakalilipas ng makaligtas kami ni Ya'el mula sa pagsalakay ng mga Tilman sa aming bayan. Katulad ng maraming lugar pinulbos iyon ng digmaan. Marami ang namatay at kasama roon ang aming mga pamilya. Napakaswerte namin ni Ya'el dahil nakaligtas kami sa noon'y tiyak na kamatayan. Simula noon nagpalipat- lipat na kami ng lugar na mapaglalagian pilit na lumalayo sa kapahamakan, sa digmaan, sa kasakiman ng sanlibutan. Isang taon na ang nakalilipas ng mapadpad kami sa lugar na ito. Sa masukal na kagubatan sa paanan ng bundok Ib-nool natagpuan namin ang sarili naming mundo. Mundong nalalayo sa digmaan, nalalayo sa kasakiman, nalalayo sa katotohanan. Ang kagubatan ay tila isang santwaryong pumoprotekta sa amin.

The World We KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon