Chapter 3

51 2 2
                                    

Pinagmasdan ko si Ya'el, Habang hinahanda nya ang aming hapunan. Tahimik ko syang pinapanood na kumilos sa maliit na espasyo ng aming kweba habang marahan ang paglapat ng aking mga titig sa kanyang mukha. Nagsasayaw ang liwanag sa buong paligid na nagmumula sa mumunting ningas ng aming apoy. Dito, nakasalang ang nilulutong isda ni Ya'el na nahuli nya kanina mula sa ilog.

" Elisa, wala ka bang nararamdamang kakaiba ? " Nagulat ako ng baliin ni Ya'el ang katahimikan sa kabuuhan ng aming kweba. Katahimikang namamayani sa pagitan naming dalawa.

" K-kakaiba ? tulad ng ano ? " Nangunot ang noo ko sa tanong niya.

Ibinalik ko ang tanong sa kanya ngunit titig lang din ang naisagot nya sa akin. Hindi ko mawari kung ano ang tinutukoy nya, matapos ang malalagim na mga pangyayari at patuloy na nangyayari sa mundong ginagalawan namin ano pa bang kakaiba ang hindi ko pa nasasaksihan. Ano pa bang kakaiba ang hindi ko nararamdaman.

Nabalot ng mapangakit at masarap na amoy ang buong paligid at doon lang nabali ang pagtitig namin sa isa't-isa. Hinango nya ang nakasalang na pagkain at inihanda ito. Kahit na tila isinantabi ang usapan naroon pa rin ang hindi kaaya-ayang pakiramdam na dulot nito. Nais naming dalawa ang kasagutan. Kasagutang hindi namin maibigay sa isa't-isa.

Inabot sa akin ni Ya'el ang latang may lamang pagkain. Habas at isda para sa gabing ito, napakaswerte namin at kahit papaano ay meron kami nito gayong ilang daan libong katao ang ngayon'y nagugutom.

" Kumikilos na ulit sila... " Marahang saad ni Ya'el na hindi man lamang inaalis ang kanyang mga mata mula sa pagkain.

Napatitig ako sa kanya. Madarama sa titig ko ang mga katanungan na tumatakbo sa aking isipan.

" Hindi kaya, tuluyan na nila tayong sasakupin ? " Bakas ang takot sa pagbigkas ko ng bawat salita.

Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mukha ni Ya'el. Kasunod noon ang maikli ngunit makahulugang tawa. Muling kumunot ang noo ko dahil sa itinuran nya.

" Kung yun talaga ang pakay nila siguro matagal na tayong nasa ilalim ng kanilang pamamahala " Muling lumapat ang titig ni Ya'el sa akin.

Naiintindihan ko ang ibig sabihin ni Ya'el, Daan libong taong higit na mas malakas, Higit na mas matalino kaysa sa amin. Kaya nga napaikot nila ang buong mundo na animo'y bola na nilalaro sa kanilang palad. Kung ang balak nga nila ay ang pagsakop siguro'y matagal na kaming nasa ilalim ng kanilang pamamahala, nangagahulugan lamang na may roon silang ibang ninanais at malinaw na hindi iyon ang tuluyang pagsakop sa amin. Pero ano. Ano ba talaga ang hinahangad nila ?

" May mga balibalitang nagpadala na sila ng mga tauhan sa kanluran, Sa bayan ng Y'Bache. Sa timog, Sa dating syudad ng L'eqium sinalakay nila ang komunidad ng mga nakaligtas mula sa gera. Hindi magtatagal at...." Tinapatan ko ang titig ni yael.

" Alam ko " Kasabay ng pagputol ko sa kanyang sasabihin ang parehas naming hindi inaasahan.

Isang malakas na ihip ng hangin ang bumulaga sa amin sa loob ng kweba maging ang aming apoy ay ginitla nito at tuluyang pinawi. Kasunod nito ay ang malakas na ugong na gumambala hindi lang sa amin kundi maging sa buong kagubatan. Napaluhod ako, pilit pinoprotektahan ang aking tainga sa marahas na ugong gamit ang aking mga palad. Ilang saglit at unti-unting humina ang kanina'y nakabibinging tunog, Agad na hinawakan ni Ya'el ang aking kamay at sabay naming tinahak ang daan palabas ng kweba. Bumulaga sa amin ang isang dambuhalang sasakyang panghimpapawid na nasisiguro kong pagmamay-ari ng mga cols. Animo'y nilalamon nito ang liwanag mula sa buwan at mga bituin sa kalangitan. Nakakalunod ang malakas na hangin na syang nagpapasayaw sa mga puno sa kagubatan, maging ang agos ng tubig mula sa ilog ay hindi mo na maririnig dahil sa malakas na ugong na mula sa makinarya ng higanteng sasakyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The World We KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon