17

161 7 3
                                    


As soon as the bell rang, I quickly stood up from my seat.

Hinanap ko si Kejadian na ngayon ay isinukbit na ang bag sa balikat. Nang matapos ay lumingon ito sa may gawi ko kaya't nagtama ang paningin namin.

Tumikhim ako bago nag-iwas ng tingin at kunwari'y may hinahanap na kung ano, kahit wala naman talaga.

"Let's go?" aya niya nang makalapit.

Tipid akong ngumiti tsaka naunang maglakad. Agad din naman siyang sumunod.

"Any suggestion sa kung anong pwede nating kainin?" tanong ko habang ang paningin ay nakatutok pa rin sa daan.

"I'm fine with anything as long as it's edible," he joked.

"Kung ano na lang siguro ang gusto mo," dagdag pa niya na ikinangiwi ko.

Sa totoo lang, wala akong nagustuhan sa kahit anong pagkain na meron sa Cafeteria namin. Their food was too bland for me. Tuwing kakain ako ro'n ay naaalala ko ang mga kinain ko noong mga panahong nasa ospital ako.

"This may sound choosey but.. I don't really like the food inside the Cafeteria," sinserong sambit ko.

He chuckled. "May alam akong lugar malapit lang dito, kaso hindi ko alam kung nakain ka sa mga gano'n."

Kumunot ang noo ko, "Karinderya?"

Mabilis siyang tumango.

"Much better," I said.

"Saan banda? Walking distance lang ba?" dagdag tanong ko pa.

"Yes. Gilid lang nitong campus," sagot naman niya.

——

Nang makarating kami sa karinderyang sinabi ni Kejadian ay agad niyang nilapitan ang babaeng may katandaang nagbabantay.

Mukhang kilalang-kilala niya ito sa paraan pa lang ng pananalita niya. Siguro'y madalas siya rito.

"Magandang tanghali po, Aling Sally."

"Oh, Adrian. Ano't naparito ka na naman at may kasama pang magandang dalaga, ha? Nobya mo ba?"

My brows furrowed. Adrian? Kailan pa naging Adrian ang pangalan ni Kejadian? At bakit ba iniisip nila laging magkasintahan ang isang babae't lalaki na magkasama?

"Kaklase ko po. Nandito po kami para kumain dahil parehas naming hindi gusto ang lasa ng pagkain sa school."

"Ay, gano'n? Sa rami ng pwede mong pagdalhan na kainan sakaniya, rito pa talaga sa karinderya? Mukha pa namang mayaman si ganda, baka hindi niya magustuhan dito," panenermon ng tinawag niyang Aling Sally sabay hampas sa braso nito.

"Uhmm. Ako po ang nag-insist na sumama rito," nahihiyang pagsingit ko.

"Sigurado ka, iha? Hindi ka pinilit nitong si Adrian?" tanong ni Aling Sally kaya mabilis akong umiling.

"Madalas niya kasing gawin ang magsama ng kaibigan dito para may kitain ako," sambit nito dahilan para lingunin ko si Kejadian. He did that?

I saw how his lips twitched.

"Osiya, kung desisyon niyo naman pala parehong kumain rito, maupo na kayo at ako na ang bahala sa lahat."

"Thank you po," sabay na sabi namin ni Kejadian kaya gulat kaming nagkatinginan saka marahang natawa.

——

Ilang minuto ang hinintay namin bago natapos sa pagluluto si Aling Sally.

"Bakit naman po nagluto pa ulit kayo eh meron namang nakahanda do'n?" tanong ni Kejadian habang tinutulungan namin si Aling Sally sa pagbibitbit ng mga pagkain.

"Ngayon lang naman 'to, 'wag kayong mag-alala. Ang mabuti pa'y kumain na lang kayo dahil anong oras na. May klase pa kayo, diba?"

Kejadian heaved a sigh. "Baka po kasi masayang yung mga nauna niyong niluto."

"Hindi 'yon masasayang dahil kakainin ko rin naman kapag 'di naubos."

Wala ng nagawa si Kejadian kundi ang tumango.

Hinila pa nito ang upuan at doon ako pinaupo. I mouthed thank you.

"Why don't you join us po?" magalang na sabi ko kay Aling Sally na nakangiting pinagmamasdan kami.

"Naku. Mamaya pa ako kakain, hija. Marami pa kasi akong gagawin."

"We can help you po right after we eat."

Mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi ko dahil napangiwi ito.

"Nandito kayo bilang customer, hindi helper."

Mahinang tumawa si Kejadian bago ako binulungan. "Pagpasensiyahan mo na't ganiyan talaga 'yan."

Sandali akong natigilan dahil sa pagdampi ng hininga niya sa may pisngi ko. His breath smells like mint.

Sunod-sunod akong kumurap bago umayos sa pagkakaupo. Kainis. Parang 'yon lang!

Hindi ko tuloy siya magawang tignan nang diretso habang nakain kami at kinakausap niya ako.

"How did you find this place?" I asked when I already got the courage to look him in the eye.

"As I have said earlier, hindi ko rin gusto ang pagkain sa cafeteria natin. That's why I went outside to find something to eat that time and luckily, nakita ko 'tong karinderya ni Aling Sally."

"Would you mind if I ask kung bakit Adrian ang tawag niya sa 'yo?"

Dahan-dahan siyang sumandal sa backrest ng upuan saka mataman akong tinitigan. "Ang hirap daw kasing bigkasin at tandaan ng pangalan ko kaya Adrian na lang daw ang itatawag niya sa 'kin."

——

Nang matapos kaming kumain ay agad na lumapit si Aling Sally sa 'min.

"Kumusta? Ayos naman ba ang luto ko? Nabusog ka ba?" tanong niya sa 'kin.

I flashed a smile. "Masarap po lahat. Napadami nga po ang kain ko."

Nagtataka nga ako kung bakit wala gaanong customer ang karinderyang 'to gayong napaka-sarap ng mga inihahain ni Aling Sally.

Marahil siguro'y mas gusto lang ng mga estudyanteng magsikain sa loob ng cafeteria, restaurant, at coffee shops.

"Salamat naman at nagustohan mo."

"Maalala ko lang. Ano gang pangalan mo? Kanina pa tayo nagkukwentuhan dito pero hindi ko pa rin alam ang pangalan mo."

"Louella Ianthe po. Pero Ianthe po ang madalas nilang itawag sa 'kin."

"Magandang pangalan para sa napaka-gandang dalagang tulad mo," nakangiting saad niya, dahilan para mapangiti rin ako.

"Alam mo bang ikaw pa lang ang babaeng dinala ni Adrian dito?" biglang sabi niya na ikinagulat ko.

Kita ko kung paano nahihiyang umiling si Kejadian. His ears became red.

"Totoo po ba?" sambit ko at tumango naman ito.

"Oo. Nabanggit niya pa nga sa 'king hindi raw siya gaanong mahilig makipag-kaibigan sa babae kaya nagulat ako nung nakita kita kanina, at inakala kong nobya ka niya."

wishful thoughtsWhere stories live. Discover now