From: MrTorpe, 15,
Confession: Patulong naman po, I have a crush name Czarina, she's so popular in school, at ang ganda ganda po niya, hindi lang siya maganda, friendly pa at cheerful. Swerte ng magiging boyfriend neto pag nagkataon. So nalaman ko na lang sa mga friends ko na single daw siya, gusto ko sana siyang ligawan kaso nahihiya ako baka mareject niya lang ako kahit may itsura naman ako. Baka kasi iba ang tipo niyang lalaki, yung tipong artistahin. Pwede niyo po ba akong tulungang manligaw? Thank you DJ Brie :)
DJ Brie's advice: Hi MrTorpe,
Sakin ka pa talaga nagpaturo? hahaha. Alam mo, nasa diskarte mo na lang iyan kung papaano mo liligawan ang isang babae. Saka wala sa itsura ang pag ibig noh? So kung nakita ko si Daniel Padilla mahal ko na siya agad? Kami na agad? Sa ngayon kasi ganyan ang scenario ehh, sa pogi lang nararapat ang maganda at sa panget lang napupunta ang mga panget. Wala ka namang mapapala sa mukha ehh, kukulubot din yan, choose a person that may give you happiness and joyful, ang tanong siya na ba talaga yun? Pero kung ipupush mo talaga iyang gusto mo, GO LANG NG GO!! Kung mahal mo ang isang tao, gawin mo ang lahat mapasayo lang siya, but first let be friends muna kayo, mahirap ang takbo ng relasyon niyo kung hindi pa kayo masyadong close, dapat mga nasa 70% ang closeness niyo sapat na iyon. Saka bago ka umatake, know first her personal characteristic para malaman mo kung siya na talaga ang para sa puso mo. At isa pa, huwag kang maging torpe, isa yan sa number 1 nakakaturn off, kapag nalaman niya yan, malamang busted ka na. goodluck na lang sayo kuya!!!
Dedicated Song: Torpe by Barbie's Cradle
BINABASA MO ANG
Wattpad Confessions
Non-FictionSingle ka ba at naghahanap ng iyong "meant to be"? bitter dahil hindi ka naniniwala sa "Forever"?, na busted ni crush or certified NBSB or NGSB ka lang talaga o kaya ayaw lang talaga sayo ni Kupido and many others. Its your time to post your confess...