Kabanata 6

96 2 0
                                    




"You know Kairus?"

Napakagat-labi ako sa tanong ng babaeng nasa harap ko.

I nodded slowly and I saw her eyes widen in surprise.

"Talaga?" paniniguro niya. "Hoy Kairus! Do you know her?" tawag niya kay Kairus na nakaupo na ngayon sa isang mono-block malapit sa amin, inaayos ang gitara.

Kairus looked up and nodded. "She's my classmate."

"Oh!" tumango ang babae at nag-smile, tumingin ulit sakin. "Okay, so welcome! Although hindi pa naman namin nilalabas 'yung notice na open na kami for new members..." dagdag niya, medyo nagtataka.

"Yeah, next week pa, right?" sabi naman ng isa pang babae, medyo kunot ang noo.

"Kairus, sinabi mo na ba agad? Spoiler ka talaga!" natawa ang nasa harap ko.

"I didn't." malamig na sabi ni Kairus.

Ngumiwi naman ako. Tama nga naman, wala siyang sinabi. Sinundan ko lang talaga siya dito.

"By the way, I'm Sasha," inabot ng babae ang kamay niya.

"Hi, I'm Cleo," ngumiti ako pabalik. Buti na lang mabait si Sasha.

"So, ganito," sabi ni Sasha, tumingin sa akin ng mabuti. "You can fill up the forms now, since nauna mo nang nalaman. Interested ka ba talaga sa club?" tanong niya.

Pilit akong ngumiti. What the hell should I do? Hindi naman ako super interested sa music. Pero nakakahiya naman kung sasabihin kong hindi, magtatanong lang sila kung anong trip ko at bakit ako andito kung hindi naman pala ako interesado.

I glanced at Kairus, and I saw him smirk. Halata na inaabangan niya kung anong isasagot ko.

Tapos na niyang ayusin ang gitara at nanonood na lang siya ngayon, relaxed lang, habang nag-uusap kami ni Sasha.

"Uh... yes," sumingit ako ng medyo ngiwi. Why am I doing this?

"Great!" sabi ni Sasha, parang tuwang-tuwa.

After that, they let me fill up the forms. Ngayon ko lang nalaman na lahat pala ng tao dito sa Music Hall ay mga officers ng music club. Isa-isa na rin silang nagpakilala sa akin.

Sasha smiled. "Okay, let's all introduce ourselves!"

"I'm Jerry," pakilala nung lalaking may mullet cut, may piercing sa labi. He looks so cool. "I'm the lead guitarist."

"Philip here!" sabi naman nung lalaking naka-buzz cut. May hiwa ang kilay nito na nakadagdag ng angas. "I play drums," kumindat pa sa akin.

"Veronica," mataray na sabi nung babaeng sumingit kanina. Napansin ko na parang hindi ako masyadong type, baka galit pa siya sakin.

Nakakatakot naman siya. I feel like I pissed her off kanina. Hindi ko naman sinasadya, wala akong alam. I should've known na next week pa pala! I didn't even think there was a club meeting today! I thought Kairus was just looking around or something.

"Hi, I'm Georgie!" isang batang babae na medyo bubbly.

"Xyro here," sabi ng isang lalaki na medyo tahimik lang, pero ngumiti.

"Jennie meee!" sigaw ni Jennie, parang sobrang saya lang.

"And I'm Sasha," ngumiti si Sasha, "although nasabi ko na."

Tumingin kami lahat kay Kairus, parang hinihintay na rin siyang magpakilala.

"What? She knows me," sabi ni Kairus, parang wala lang.

A Heart That Needs A BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon