Kabanata 10

104 2 1
                                    



I woke up feeling tired, as if kulang pa rin ang tulog ko. Napatingin ako sa orasan—10 AM na. Magtatanghali na pala. Napabuntong-hininga ako bago bumangon at dumiretso sa banyo para maligo. Kahit antok pa, I went through the motions of my daily chores. Nang matapos, kinuha ko ang cellphone ko at bumaba para kumain.

Pagbaba ko, tahimik ang bahay. Wala si Mama at Daddy, mukhang lumabas sila. Si Chris lang ang naabutan ko, nakaupo sa sala at nanonood ng cartoons.

"Your breakfast is in the kitchen, Ate. You can reheat it," sabi ni Chris nang makita akong pababa ng hagdan. Abala siya sa panonood, parang wala akong balak pansinin kung hindi pa ako dumaan sa harapan niya.

Chris is only in Grade 7, so I get it—cartoons are still his thing. Pero...

"Don't you have any homework?" tanong ko, nakataas ang kilay habang tinuturo siya gamit ang cellphone ko.

Tumingin siya sa akin, tapos tumiklop ang mga braso na parang batang pilosopo. "I don't have any. And if I have, I'll do it eventually."

Napailing na lang ako, pinili kong huwag na siyang sermunan. "Bahala ka," sabi ko habang dumiretso na sa kusina. Minsan, parang mas mature pa siya sa akin.

Nireheat ko ang pagkain kahit nagpilit si Ate Senda, ang isa sa mga kasambahay namin, na sila na raw ang gagawa. I insisted. It's Sunday, they deserve a break.

"Thank you, Ma'am Cleo," sabi ni Ate Senda. "Babalik po kami mamaya para maghanda ng lunch ninyo ni Chris."

"Bakit kami lang?" tanong ko, curious kung bakit tahimik ang bahay.

"Ah, bilin po ni Ma'am at Sir, mga hapon na raw po sila makakauwi," sagot niya.

Tumango lang ako, then sat down to eat while scrolling through my phone.

Naisipan kong i-post na rin sa Facebook ang mga pictures na kuha ni Kairus kahapon. Pinili ko ang mga pinaka-magaganda at kinapalan ang mukha sa caption: "Not only flowers can bloom." Napatawa ako sa sarili ko habang pinindot ang post.

I also updated my profile picture, pero hindi ko ginawa itong public. Only me ang settings—safe and lowkey.

In a matter of minutes, nag-boom na agad ang reacts and comments. Mostly compliments mula sa mga kaibigan ko at iba pang mutuals.

Maggie Adison: ganda... ng kuha.
Tristan Llamado: Kamusta po sa ibang bansa, Tita.
Yu Taro: Cno kya nag picture ni2?

Napailing ako sa kakulitan ng mga comments nila. Gaya ng dati, puro asar at biro.

In my head, I was waiting for Kairus to react, kahit simpleng like lang. Alam kong hindi siya 'yung tipo ng tao na magko-comment, pero sana naman, kahit papano, mapansin niya.

Pagkatapos ng ilang minuto, wala pa rin siyang reaksyon. Madaming nag-comment na ibang tao, puro compliments, pero wala pa rin siyang paramdam. Napansin kong online siya—nasilip ko sa Messenger.

Naisip kong i-chat siya about sa practice namin bukas, pero naalala kong sabi niya kahapon na siya na ang magme-message sa akin kapag hindi siya busy. Mukhang hindi pa siya sigurado sa schedule niya, kaya wala pa siyang update.

Pagkatapos niyang picturan ako kahapon, bumalik na kami sa loob ng bahay nina Taro. The party had transitioned into its late-night phase—may mga matatanda nang nag-iinuman sa sulok, habang ang ibang bisita ay busy sa kani-kanilang kwentuhan. Some of the adults actually tried to convince us to join them for a drink, pero tumanggi ako agad. Underage kaya ako!

A Heart That Needs A BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon