Kabanata 5

102 3 0
                                    



I want him to be my friend!

Yes, tinutukoy ko si Kairus. Gusto ko siya maging kaibigan. Why? I don't know. It's just my gut feeling that he can be a good friend.

"Mama?" tawag ko.

Nandito ako ngayon sa bahay since it's Sunday. Kumatok ulit ako nang dalawang beses sa kwarto nila Mama. Gusto ko itanong kung mag-sisimba ba kami at linggo ngayon.

Nagbukas ang pinto at iniluwa no'n si Mama na kakagising lang. Ang buhok niya medyo magulo, at ang mga mata niya ay may pagka-bilog pa dahil sa kakagising lang.

"What is it? Ang aga, Cleo," nakakunot na tanong ni mama, halatang inis sa pag-gising.

"Sorry 'Ma, magsisimba ba tayo ngayon?"

"Of course. But it's still 5 am why are you already awake? It's too early.." napapaos pang sabi ni mama, inaantok pa. Parang ang hirap niya gumising.

Ang aga pa pala. Pero hindi na ako makakatulog nito.

"Oh okay! Magpapaalam sana ako mama.." kamot ko sa ulo. Nahihiya pa akong ginising siya ng ganito ka-aga.

"What for?"

"Mag jo-jogging po muna ako around village, maaga pa naman po. I can't go back to sleep na."

"Okay but be back before 7, okay? Magdala ka water and also towel."

"I will! Thank you, Ma!"

Tumakbo na ako agad sa kwarto para magpalit. Nag-suot lang ako ng black racerback sports bra from Nike and pair it with my leggings and running shoes. I grabbed my tumbler, filled it with water, and took my airpods with me.

While jogging, I'm listening to Replay by Iyaz. I don't know, but the song makes me productive and energetic for some reason. I listen to it like I am the girl that Iyaz was talking about in the song.

Natawa ako.

I'm so delusional.

Napatigil ako sa pagtakbo dahil sa nakita kong park. Wala pang tao kahit isa. It's really too early. I looked at my watch and it says 5:45 am.

Oh well, better to be first than last when it's crowded.

Naupo ako sa bench saglit katapat ng isang seesaw. Napakadaming puno na nakapaligid kaya sobrang lamig plus I am wearing a freaking racerback. Ang hangin ay malamig, kaya medyo nagsimula na akong mag-jacket ng kaunti.

I drank my water first before resting my back in the bench. It's been so long since my last jogging at ang bilis ko agad mapagod. Think I need to do it more often huh.

As I was humming, I saw a man walking towards the park, where I was sitting. Kinabahan ako bigla.

Who's this? And why is he walking towards here?

Pinasingkit ko ang mata ko dahil hindi ko gaano makita ang mukha ng lalaki since madilim-dilim pa nga.

Pinanood ko lang siyang maglakad papalapit at doon ko napansin ang suot nitong Nike white hooded sleeveless top and Nike white shorts, at naka-Balenciaga speed sneakers.

Yaman.

Nakampante ako sa nakita ko at hindi na nag-abala pang tumingin muli sa mukha ng lalaking iyon. Mukha namang wala siyang gagawing masama.

Pumikit na lamang ako at dinama ang hangin. Ang sarap sa feeling, siguro gigising na ako lagi nang maaga. Because once the sun is up, it gets really polluted dahil gising na lahat ng tao.

"Can I sit here?"

I jolted up at the sound of a familiar voice.

What the...

A Heart That Needs A BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon