Kabanata 1

246 6 0
                                    




"85 average?! Talaga, Cleo? 'Yan na ba ang maipagmamalaki mo?" galit na sigaw ni Mama habang nakapamewang.

Napayuko ako, halos sumingit sa sahig sa hiya.

Alam kong napa-barkada ako nitong sem, at oo na, ang tanga ko kasi napabayaan ko talaga 'yung grades ko. God, paano ko ba sasagot kay Mama ngayon?

"Sumosobra ka na, nagiging spoiled ka na sa poder ng tita mo!" dagdag niyang sermon.

Nakakahiya. Buti na lang ang layo ng mga bahay sa village namin, kundi, ubos ang dignidad ko. Sinulyapan ko si Tita, pero umiiling na lang siya—disappointed din? Ang sakit naman.

"I'm sorry, Ma—"

"Do you think this is passable para sa isang achiever?!" putol niya sa akin.

Oo na, obsessed si Mama sa pagiging achiever ko. Simula bata pa ako, puro medalya, puro honor. Pero ngayong tumungtong ako ng high school, ang hirap pala. Parang ang bigat ng lahat. Ngayon, eto na, nag-fail ako sa expectations niya.

"No, pero babawi ako! Promise next school year!" desperado kong sagot.

"Shut up! Uuwi ka na sa Manila! Isasama na kita!"

Nanlaki ang mata ko. Ano raw?!

"What?! Ma, hindi pwede! 85 pa rin 'yun, pasado pa rin! Bakit kailangan ganito ka OA?" Hindi ko na napigilan ang sumagot. Ayoko talagang umalis ng Cebu. Dito ang buhay ko.

"You have no say in this, Cleo. Ako ang nanay mo," taas-noo niyang sagot bago ako tinalikuran.

"Tita?!" Napatingin ako kay Tita, pero sumunod na lang siya kay Mama.

Please, Tita. Sana kausapin mo si Mama! Hindi ko kinaya, umakyat na lang ako sa kwarto.

Pagkatapos magpalit ng butas-butas kong sando at maluwag na boxer shorts, humiga ako sa kama at nag-isip. Sana kinumbinsi ni Tita si Mama. Kung hindi, tatapakan ko lahat ng halaman niya sa harap ng bahay! Kidding. Pero seryoso, 85 isn't bad, right? Sobrang taas lang talaga ng standards ni Mama. Nakakapagod.

Nasa kalagitnaan ako ng overthinking nang di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako sa pagyugyog sa'kin ni Tita.

"Cleo, gumising ka. May sasabihin ako."

Nagpahid ako ng mata at sumilip sa bintana. Gabi na? Gosh, anong oras na?

"Tita, antok pa ako. Bukas na lang..." Tumaklob ako ng kumot pero hinila niya.

"Hoy, mag-impake ka na," prangkang sabi niya.

WHAT?!

Napabalikwas ako ng upo, feeling alert pero groggy pa. "Tita, seryoso? Hindi mo nakumbinsi si Mama?"

"I'm sorry, Cleo," malungkot niyang sagot. "Anak ka niya. May karapatan siya, at tama naman siya. Baba ka na bukas ng umaga."

Nanghina ako sa mga sinabi ni Mama. This is it. Tomorrow, I'll be leaving Cebu because she's flying out in the morning—and I have no choice but to go with her. Bakasyon na rin naman. I have no escape from this. This is so messed up.
"Ladies and gentlemen, Cebu Pacific welcomes you to Manila. The local time is 3:15 PM. For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seatbelt fastened and keep the aisle clear until we are parked at the gate."


Napairap ako sa hangin nang marinig ang announcement. I stared blankly out the window, my stomach churning with frustration. Nasa Manila na talaga ako. Wala nang balikan.Pagkarating ng driver, sumakay kami ni Mama papunta sa bahay. Si Daddy gusto sana akong sunduin sa airport, but he got tied up at work. Tumawag siya earlier to say he missed me. This wasn't what I wanted.

A Heart That Needs A BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon